A WIFE’S CRY Chapter 7


“Alis na ko babe, magkikita kasi kami ng friends ko.” Humalik muna si Celine sa kanyang labi saka tuluyang umalis doon. Habang siya ay tila wala sa katinuan.
Diba dapat wala siyang pake? Wala naman siyang nararamdaman kay Aileen diba?Pero bakit naapektuhan siya.Gusto niyang suntukin ang sarili para matauhan.
Maaga niyang tinapos ang trabaho para maaga siyang makauwi. Ewan niya ba, gusto niyang makausap si Aileen sa di malamang dahilan. Nagseselos ba siya?
Pagkauwi niya ng bahay naabutan niya si Aileen na abala sa paggawa ng dinner. At alam niyang para sa kanya yun. Kanino pa ba? Hinatid kaya ito kasama nito?
Pagkatapos maluto ay basta nalang nito inilagay iyon sa mesa at tinalikuran siya. Hindi niya na napigilan ang sarili at hinawakan niya ang braso nito.
Walang emosyon siya nitong tinignan. “Bakit na naman ba?” Anito na tila galit at ayaw siyang makausap. “Diba dapat masaya ka ako na nga umiiwas!”
“Sino yung kasama mo?” Tanong niya.Na ikinakunot naman noo neto. “Sinundan mo ko?” Nagpaparatang nitong tanong. At may bahid ng inis ang boses.
Hindi niya alam kung bakit hindi niya ito masaktan katulad ng palagi niyang ginagawa. Pati ang pagkakahawak niya sa braso nito kanina ay maingat.
Napabalik siya sa wisyo ng magsalita ito.”Wala ka ng pake doon. Dahil ikaw di naman pinakikialaman. Dapat nga maging masaya ka dahil diba di na kita ginugulo?”
At basta na lang siya nitong iniwan. Nag-iba na ang asawa niya. Para na itong yelo. Gusto niyang suntukin ang pader hindi niya maintindihan ang sarili!
Pagkapasok na pagkapasok ni Aileen sa kwarto niya ay napahawak siya sa kanyang dibdib. Paano niya nagawang umakto ng ganon kay Lexter?
Pero isa lang ang ipinagtataka niya. Si Xavier kaya ang tinutukoy nito. Sinundan ba siya nito kanina noong umalis siya? Nakaramdam siya ng saya dahil don.
Ngunit isinagi niya agad sa isip niya na mahirap na umasa dahil masasaktan ka lang. Mas mabuti pang ibaling niya na lang atensyon niya kay Xavier.
Kakahiga palang niya sa kama ng tumunog ang cellphone niya. Walang...


iba kundi si Belle. “Bess, ano na sinagot mo na ba si Xavier?Pakipot ka pa! Mahal ka nga!”
“Teka bakit ba parang atat ka?” Natatawa niyang tanong. “G*ga hiwalayan mo na kasi yang asawa mo. Para bumalik na ang dati mong beauty. Princesa ka girl!”
“Ewan ko sayo. Hindi ganon kadali yon sinasabi mo. Saka hindi ko na hahayaan pa masaktan ang sarili ko.” Confident niyang sabi na may ngiti sa labi.
“Awit masaya siya ohh. Xavier! Xavier! Si Xavier ang magsasave sayo sa impyerno mong buhay! Sa kanya ang heaven girl. Mukha pa siyang anghel ni lord.”
“So sinasabi ko si Lexter d*monyo?” Tanont niya.”Oo! Tumpak ka! Ilang beses ka na ba niyang sinaktan? Bagay nga sila ng Celine na iyon!” Inis nitong sabi.
“Bakit ba galit na galit ka kay Celine?” taka tanong niya. “Mukha siyang hindi matinong babae. Ahh basta youre to innocent for that. Basta ha sagutin mona!
At bigla namatay ang tawag. Maya maya pa muling itong tumawag.” Ohh ano na naman ba yon? “Pero iba na pala ito.” Leen galit ka ba? “Si Xavier pala.
“Ikaw pala akala ko si Belle. Bat ka pala napatawag?” Ewan niya ba muntik na siyang mautal. Ehh si Xavier lang naman yon. “I miss you already.” Sabi nito.
“Grabe kakakita lang kanina. Wag mo kong pagtripan!” Aniya kaya narinig niya ang tawa nito. “Sunduin kita diyan bukas may pupuntahan tayo.” Sabi nito.
“Huh ano? Nandito ang asawa ko.” Aniya. “Ano naman? Wag mong sabihin kinokontrol niya pati buhay mo?” Para di humaba usapan. “Oo na!Sige punta ka!”
Sabagay bakit siya matatakot kay Lexter?Saka pera niya ang binili sa bahay nila. “Sige bye na nga matutulog na ko.”Paalam niya dito.” Bye babe I love you!”
” Sira*ulo talaga. “Aniya. Nakahiga na siya at ipipikita na sana ang mga mata ngunit may kumatok sa kanyang pintuan. At di niya inaasahan na.
” Pwede ba kitang yayain lumabas bukas?”Tanong nito. Parang namali pa nga siya ng rinig. Walang emosyon niya lang itong tinignan.” May lakad nako. “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top