Ang Boyfriend kong Gwapo Chapter 11


Ang Boyfriend kong Gwapo
Chapter 11
Pumasok na si Angela sa trabaho nito at si Angelo ay naiwan sa bahay. Hindi na muna ito papasok sa construction. Sobrang nag alala ang kapatid sa kanya. Ikinuwento ni Angela na hinanap nito siya sa mga kaibigan at pati na kay Lando.
“Angelo, saan ka ba nagpunta ng buong dalawang araw?” bungad na tanong ni Aling Angelica sa anak na nasa sala.
“Ah sa kaibigan ko lang po” pagsisinungaling na sabi ni Angelo. Hindi naman nahalata ng Nanay nito na nagsisinungaling lang siya nung sinabi niya na nasa kaibigan lang siya. Ayaw na iyang ungkatin pa ang nangyari at baka masabi pa ni Angelo sa ina ang pagkikita nila ng Tatay niya.
“Ako’y aalis na muna, Angelo. Inimbita ako ni Celsa sa birthday party sa kanila” masayang sabi ni Aling Angelica.
“Nay wala na po ba kayong ibang gagawin sa buhay niyo kundi ang mag inom!” galit na sagot ni Angelo. Nabigla naman si Aling Angelica sa sinabi ng anak. Ni hindi man lang ito nag alala na nawala siya ng dalawang araw.
“Nakakalimutan niyo na po na may mga anak pa kayo, na kailangan niyong asikasuhin at alagaan! Na saan na po yung Nanay namin na laging andiyan para sa amin ni Angela!” hinanakit na wika ni Angelo.
“Sinusumbatan mo ba ako, Angelo?!” bulyaw na sigaw Angelica sa anak.
“Hindi po Nay, pero sana maisip niyo na andito pa kami ni Angela. Hindi lang po si Tatay ang buhay niyo. Huwag niyo na pong hintayin na tuluyang maging miserable ang buhay natin! Mabuhay naman po kayo para sa amin, Nay!” umiiyak na sabi ni Angelo.
“Nay mahal na mahal ka namin ni Angela. Napakasakit po sa amin na nakikita kayong unti unting pinap*tay ang sarili niyo. Huwag niyo pong hintayin na pati kami mawala sa inyo!”
Tumulo ang luha ni Angelica sa mga mata niya. Isang malakas na sampal sa mukha niya ang mga sinabi ni Angelo. Tama ang...


anak niya masyado niyang dinibdib ang pag iwan sa kanila ng asawa at nakalimutan na may mga anak pa siya. Napabayaan na niya ang mga anak sa pag iisip kung bakit sila iniwan ng asawa.
“Angelo, Anak. Patawarin mo si Nanay! Naging makasarili ako, hindi ko iniisip, kayong mga anak ko. Sa maniwala ka mahal ko kayong dalawa” umiiyak na sabi ni Angelica. Lumapit naman si Angelo sa ina at yumakap.
“Nay puwede po tayong magbagong buhay sa ibang lugar” suhestiyon ni Angelo sa ina. Para makaalis sa lugar na ito at hindi pa makita ng Nanay at ni Angela ang Tatay niya. Humarap si Angelica sa anak.
“Paano ang pag aaral ng kapatid mo?” tanong nito.
“Mag eenroll na lang po siya sa ibang University” sagot ni Angelo.
“Okay Anak. Sa susunod na linggo aalis na tayo sa lugar na ito. At magbabagong buhay sa bagong lugar” nakangiting sabi ni Angelica sa panganay na anak.
Ito lang ang naisip na paraan ni Angelo para hindi magkrus ang landas nilang magkapatid sa kanilang Ama. At para hindi na bumalik ang sakit na nararamdaman ng ina nuong iniwan siya ng asawa nito. Hindi man siya sigurado sa bagong lugar na pupuntahan nila ang mahalaga ay sama sama silang mag iina.
Naghahanda na si Cain para dumalaw sa isa sa mga stall niya sa mall. Gusto niyang makita ang buong stall, kung may ipapabago sa disenyo at sa mga damit na inoorder nila para ipagbili. Kasama niya si Andrea na namamahala sa lahat ng negosyo niya. Hindi niya na kasi kayang mag paalis alis dahil sa kapansanang nakuha dahil sa aksidente.
“Manong Karding pakihanda po ang sasakyan” utos ni Andrea sa driver.
“Sige po Ma’am” sagot ni Mang Karding. At pumasok na sa loob ng bahay si Andrea para puntahan si Cain.
“Okay na ba ang sasakyan?” tanong ni Cain kay Andrea ng makitang pumapasok ito sa loob ng bahay. Tumango ng ulo si Andrea at ngumiti kay Cain.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top