IM NOT THE GIRL HE LOVED


***
” Chelsy!” Agad akong napalingon sa mala-anghel na boses na tumawag ng pangalan ko.
*Dug! *Dug! *Dug!
Mabilis rin ang pagtibok ng puso ko na parang may tambol sa aking dibdib na walang tigil sa pagtambol habang tinatanaw ko ito papalapit sa aking gawi…
” Oh? Naligaw ka ‘ata?” pang-papakalma kong turan sa sarili ko. Pinilit ko rin huwag ipahalata ang kakaibang excite sa tinig kong yun.
” Hindi naman. May sinadya lang ako rito.” nakangiti niyang sagot sa akin. Palingon-lingon pa siya sa aking likuran na waring may hinahanap na kung sino…
” Si Maggie ba?”
” Yeah! Asan na ba siya?” nakita ko ang kakaibang ningning sa mata niya ng banggitin ko ang pangalan ng kaklase ko ‘na pinaka-mamahal niya ng sobra.
Ito yung part na mahirap tanggapin…
Kahit more than 4 years ko ng alam na ang lalaking miniminthi’t pinakamamahal ko ‘eh nagmamahal na sa ibang babae… Nagmamahal sa babaeng hindi ko mapantayan o kahit malagpasan man lang sa puso niya…
” Nandoon siya sa may gawing yun…” pilit ngiti kong pagturo sa babaeng hinahanap niya. Nagpaalam rin agad ito sa akin at tinahak na nga ang dereksyong tinuro ko…
Zhawn was my First love and the man on my dreams. Nagkilala kami...


ng minsan makatabi ko siya sa Bus na sinasakyan naming pareho…
Natutulog siya nun at napansin kong medyo nasisilawan siya sa araw na tumatagos sa bintana na kinauupuan naming pareho.
Ewan ko! Pero bigla na lang kusang gumalaw yung kamay ko para takpan kahit papaano yung silaw sa mga mata niya…
Then yun na nga!
Naging magkaibigan kami.
Madalas kaming magkasabay ng sinasakyang bus at magkatabi na rin. Nagkaka-kwentuhan hanggang sa parehas naming nalaman na mag-schoolmate pala kami…
Tadhana nga naman. Napakagaling magpaikot ng mga bagay-bagay sa mundong ito at sadyang paglalaruan ka…
Akala ko pa nga tutungo na sa salitang ‘ Happy Ending o di kaya’y they lived happily ever after’ gaya ng nasa mga fairytale na nababasa ko…
Pero ‘Hindi pala…
Hinding-hindi!
Imposibleng mangyari sa aming dalawa…
Dahil una sa lahat wala kami sa libro at parehas na nasa realidad…
Pangalawa… May mahal na siyang iba (Yung kaklase kong si Maggie)
At pangatlo… Kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin.
Siguro, mamahalin ko na lang siya rito sa malayo at tatanawin ang mga ngiti niya kahit alam kong hindi ako ang mga dahilan nun…
Aagapay na lang ako’t aasa sa mga pasulyap-sulyap na inilalaan niya kahit panandali lang ang lahat ng yun..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top