INVISIBLE GIRL


◇CHAPTER 1: HER VOICE◇
“Muriel, pinapatawag ka ni Mam Lorie”, bungad sa kanya ng ka-officemate niya.
“Bakit daw?” 0______0 si Muriel na hindi inaalis ang atensyon sa monitor ng computer.
“Malay ko, basta pumunta ka na lang. As in now na!”
Tsk… napilitan siyang tumayo at lumabas ng kuwarto.
Lagot ka! Senyas sa kanya si Danica nang madaanan niya ito sa cubicle nito. Inirapan lamang niya ito at dire-diretsong naglakad.
Ikaw ang malalagot sa akin mamaya!
“Hello sweetie pie, sabay tayong mag-lunch mamaya ha?” sabay akbay sa kanya ni Joseph, na bigla na lang sumulpot kung saan.
Isang bigwas sa sikmura ang natanggap nito mula sa kanya.
“Sweetie pie mong mukha mo!”
Bakit ba nagkalat ang mga epal ngayon? Tsk… lalo lang tuloy sumakit ng ulo niya sa mga pasaway na ito.
Nga pala, her name is Muriel Shane Gonzales, 24 yrs old, single at zero ang lovelife (palagi naman eh!). And reason, wala lang! Ayaw niyang obligahin ang sarili niya na magkaroon ng lovelife dahil siya lang ang walang lovelife sa offfice. She’s working as IT expert sa isang garment company. At sa dalawang taon niya sa kumpanyang iyon ay ngayon lang yata siya pinatawag ng big Boss nila.
Bakit kaya?
Nang pumasok siya ng office nito ay tahimik lang itong nakamasid sa kanya.
“Bakit po Mam Lorie?” Hindi ito kumibo. At sa halip ay may inabot itong kapirasong papel sa kanya.
“Please read it… out loud,” seryosong sabi nito.
Lihim na umaangat ang kilay ni Muriel at nagtatakang tinignan ang hawak na papel. Gusto sana niyang magtanong ngunit hindi na lang niya isinatinig. Mukha kasing mainit ang ulo nito.
“B-baby, p-please forgive me.” Parang may kung anong bagay na sumabit sa kanyang lalamunan. Ano ba kasing kalokohan itong pinapagawa sa kanya?
“I’m sorry… really really sorry. I still love you. Please let’s start all over again”.
“Perfect!” she said surprisingly, tila isang direktor sa pelikula. Pumalakpak pa ito sa kanyang pagkamangha.
Nababaliw na yata ang boss niya!0____0
“I finally found someone na makakatulong sa anak ko”, she added with a wide smile on her face.
Ano daw?! Tama ba ang pagkakaintindi niya? Nakapasa na ba siya sa audition nito?
“I will increase your salary immediately at may bonus pa. Basta tulungan mo lang ako”.
Weird! Dapat ay matuwa siya sa narinig....


But she had this dread feeling na hindi niya magugustuhan ang tulong na hinihingi nito.
“Ano po ba ang maitutulong ko sa inyo?” Kinakabahang tanong ni Muriel.
“Hindi naman lingid sayo ang nangyari sa anak kong si Riley”, panimula ng Boss niya. Biglang lumungkot ang mukha nito.
“After he lost his sight in a car accident, he’s never been the same again. Bigla siyang naging bugnutin at masungit. Lagi na lang siyang nakasigaw. Walang tumatagal na nurse sa kanya. And worst ayaw niyang mag-undergo ng eye surgery. He just wanted to stay that way.”
“Isang tao lang ang alam kong makapagbabago ng isip niya”, pagpapatuloy pa nito. ” But the problem is, I can’t find her anywhere. Hindi ko alam kung saang lupalop naroon ang babaing iyon. That’s why I come up with an alternative solution. And that is you.”
“Ako?! Ano naman po ang koneksyon ko dun?” Bigla yata siyang pinagpawisan.
“I heard your voice kanina sa CR. Buong akala ko nga ikaw si Samantha. Magka-boses na magkaboses kayong dalawa. Dagdagan mo lang ng arte ang boses mo, siyang-siya na ikaw.”
“G-gusto ninyo gayahin ko si Samantha?” -___-
“Exactly! Magpapanggap ka bilang si samantha. Riley will recognize you as her ex-girlfriend. Walang duda, dahil magkaboses kayong dalawa. And all you have to do is bring back his old self and convince him to undergo the surgery.”
Loading…
Loading…
Parang hindi nagpa-process sa utak niya ang mga sinabi nito.
“So, are we settled? We can start by next week. Don’t worry I will teach you to be like her.”
Teka, hindi pa naman siya pumapayag!
“Eh Mam Lorie, hindi naman po kasi ganon kadali yung pinapagawa ninyo”. Pwede naman siguro siyang tumanggi noh?
Biglang lumungkot ang mukha ng Boss niya na parang maiiyak.”Please Muriel. you’re my only hope. Please say yes. ” Hinawakan pa nito ang dalawang kamay niya
Just say no Muriel. Things becomes complicated kapag pumayag ka. Malay mo bang magpanggap? Sakit lang ng ulo ang ibibigay n’yan sayo. And knowing your temper, sigurong hindi kayo magdya-jive ni Riley. Don’t you ever dare kahit gaano pa siya kaguwapo. Use your head, girl! Sabi sa kanya ng isip niya.
Pero nang muli siyang tumingin sa Boss niya ay parang nilapirot ang puso niya sa nakita. One of her weaknesses.. naman! Hay gulay!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top