I’m inlove with My Alien Best Friend”
Author: Merylle Santiago
Genre: mixed
– Prologue –
Ako si jade, isa akong diyosa,joke! Ang totoo niyan,maliban sa magandang pangalan ko ay wala ng ibang magandang salita na maikakabit sa akin. Kilos-lalaki daw ako ayon sa ibang tao. Ikaw ba naman ang magkaroon ng limang kapatid na panay mga lalaki,ewan ko na lang kung magawa mo panag maglaro ng barbie.
Tomboy. Makulit. Tamad. Walang pakialam sa paligid. Manhid. Prangka. ‘Yan ang tingin sa akin ng ibang tao. Hinde daw ako mahinhin kaya walang nanliligaw sa akin. Lahat kasi ng mga lalaking sumubok na pormahan ako at binabara ko.
pero may BFF ako. Yes! As in Best Friend Forever,kasama ko siyang lumaki at nagkaisip, kasama ko siya sa lahat ng oras lalo na pagdating sa mga kalokohan.
Trent...