Meant to be? Chapter 9


“Ano ba talagang nasa utak mo ha? Gusto mo na bang malaman nila ang sikreto mo? Hindi ko masakyan ang trip mo!”
Nagpipigil sa galit si Nice habang katawag si Ace. Nandon sya sa likod ng gym.
Nainis sya dito dahil pagpasok nya ng campus may mangilan ngilan nang nagtatanong sa kanya tungkol sa nakita sa kanila ng binata kahapon.
“Tsk! Yaan mo na lilipas din yan. Huwag ka nang magalit”
” Magkita tayo ngayon at mag usap! .”
____
“Nice.. Wala daw tayong klase sa hapon”
Balita ng kaklase nya pagbalik nya ng room. Buti naman, at buti hindi rin pumasok si Rica.
Tinext nya si Ace na wala syang klase.
Sinabi nyang sa may park sila magkikita. Para iwas chismis don sa campus.
Sumakay sya ng traysikel at bumaba sa pwesto kung saan nakaabang ang binata., Akala nya uupo na sila at mag uusap pero hinatak lang sya nito papuntang sasakyan. Di na sya ngsalita pa, di rin sya mananalo. Masama rin kasi ang pakiramdam nya at tinatamlay sya.
Pasulyap sulyap lang ang binata, at pansin nito ang paghihikab nya.
Wala silang kibuan.
Pagdating sa tapat ng condo tsaka pa nagreact si Nice.
“Bakit dito?”
“Dito walang disturbo, kahit buong hapon at buong gabi pa tayong mag usap. ”
Napatampal sya sa noo” hayth. ”
” Ang taray ng buntish! Tara?”
Hmp!
Na amaze si Nice sa ganda ng unit nito, lasing kasi sya nong gabing yon kaya di nya nakitang ganoon iyon ka gara.
” Welcome! Ahm.. Isipin mong iyo na rin ito. Feel at home!”
Naupo sya sa sofa.. Iginala ang paningin sa buong unit. Sinundan lang din ni Ace ang patingin tingin nya. Tumabi ito at kinuha ang bag nya at Itinabi sa may center table.
Sandali ah..” Pagbalik nito may dala nang paper bag. Nakita nyang damit pambabae yon.
” Magpalit ka muna, Tara sa Cr?”
Para syang namaligno na naging sunod sunuran lang dito. Nag antay ito sa labas.. Nagulat pa sya pag bukas nya ng pinto..
” Tara sa kusina.. Lunch na tayo past 12 na kasi mapapAsmA ka”
Inilahad nito ang palad.. Di nya tinanggap kaya ito na lang ang umabot sa kamay nya. Magkahawak kamay silang naglakad papuntang kusina.
Inalalayan syang makaupo.. “Ano ba to, prinsesa lang” bulong nya.
Ini on nito ang oven at Rice cooker.
“Ahm, bago ko lang to niluto wala rin kasi akong pasok. Pero iinitin ko uli..”
“May baon pala ako..”
“Oh.. teka ako nang kukuha, ako na rin ang kakain ”
“Daing yon, mangangamoy dito.”
“Ah.. Ok lang! So gusto nya yon?”
Tumango na lang din sya.
Natawa pa si Ace nang makita na may slices ng manggang hilaw at bagoong sa isang lunchbox. .
Nahihiya ng tumingin si Nice, pagbalik nito.
“Oh Eto, tong kanin akin na malamig na e. May kamatis, kalamansi dito gusto mo?” Napatango lang sya.
Nang mag umpisa na silang kumain, Itinabi pang lalo ni Ace ang kanyang upuan dito at iniakbay ang braso sa likod ni Nice.. Nailang tuloy ito
“Huwag mo akong tinititigan”
“Di naman ah..” pagkatapos natin dito manonood tayo ng movie ok? ”
” Mag uusap tayo diba.”
” We have all the time to do that.. Gusto lang kitang marelax,, bawas bawasan mo nang pagsusungit mo sakin, masasanayan mo yan, sige ka, itsura ng Baby natin., mana sakin lahat. ”
Gusto nyang matawa sa sinabi nito.
” Sabi ni baby.. Let’s be together daw for a while.. Kahit ngayon lang kaya pagbigyan natin sya.”
” Kalokohan na naman? .. Pano ako di magsusungit e apaka asar mong tao ka”
” Hmhehe.. Di kita inaasar, feeling mo lang yon. Ayaw mo kasing paniwalaan mga ginagawa at sinasabi ko kaya asar yong dating sayo.. Diba?”
Napaisip sya, baka nga
“Tapos na’ ko”
“Iba ang tapos sa busog..at gusto kitang mabusog. Nangangayayat ka na kasi.”
“Bwesit! Pa fall!! Haith.!” sigaw ng utak nya
“Ahm, panget na ba itsura ko?”
“Hhu? ” tila matatawa ito sa reaksyon nya. Hinawakan pa nito ang pisngi nya at ibinaling sa magkabilang gilid.”no bah!”
“Nah.. Kahit pumayat ka, blooming pa rin. Gusto ko ngang nakikita kang matamlay, hahaha nagbabalik lang sa alaala ko yong itsura mo nong gabing nalasing ka.”
Napa arko sya ng kilay
” Parang ang sarap mong dambain uli. At.. Ahem!”
Winisikan sya ni Nice ng tubig sa mukha. Nagulat sya at seryosong tinitigan ito.
Kinabahan naman si Nice, baka na offend nya na ito. Fc na kasi sya dito “sya rin naman ah”
Nagulat na lang din ang dalaga ng gumanti ito at Winisikan sya ng tubig. Napakurap kurap sya.
Mabilis itong uminom ng tubig. At naggantihan sila na parang mga bata.. Kinuha ang bawat baso na may lamang tubig at nagwisikan sa isat isa. I tinatago ni Nice ang mukha, buti mahaba ang buhok nya. Ang saya ni Ace, ang lakas ng tawa nya. Parang ayaw na nyang matapos ang araw na yon para sa kanila.
Nayakap nya ito sa beywang tsaka binanatang wisikan ang mukha.
“Tama na! Ahh! Kaka tapos lang kumain e”
“Oh mabuti ikaw nag umpisa ikaw din ang tatapos.”
Kumalas si Nice dito..
“Oo, at tulad nong nangyari satin ako yong nag simula, at ako rin ang tatapos. Kung di kita pinakiusapan non, hindi ka babalik para sagipin ako, at di Sana to nangyari.”
Biglang sumeryoso ang mukha ng binata at nailapag ang baso.. Nag umpisa na rin syang magligpit.
” Wala akong pinagsisihan sa kahit anong nangyari. Pinakiusapan mo man ako o hindi, mukhang babalik talaga ako non, tsaka Naitadhana na yon.. Sa dinami dami bat ako pa kailangan makakita sayo don.”
Di sya nakasagot.” Tsaka nong nag iinuman tayo, di mo lang alam. Sa tuwing di kayo nakatingin ni Khate. Nakatitig ako sayo.
di ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag nahuli lang ako ng ilang minuto non.. At tuluyang kang nadagit ng mga ulol na yon. Alam kong hindi simpleng kawalang hiyaan lang ang magagawa nila. Naka drugs yata ang mga gagong yon!”
“Pero pasensya rin at di ako nakapagpigil.. Pinilit ko naman, kulit kasi ng babaeng Maria Clara pag nakainom. Total transformation.. ”
“Hmp!.
” Hehehe, Tara dito ka muna sa sala. Hintayin mo muna ako liligpitin ko lang to.
” Tutulong nako, maghuhugas din ako.”
“Huwag na ako na,”
Kinuha nya ang toothbrush sa bag at nagsipilyo ” Ok ka din ha. Ikaw lang nagluluto para sa sarili mo?”
“Ahuh! Sa susunod ikaw na..”
” Tssh”
“ang cute talaga ng babaeng to.” kahit mahina yon narinig ng dalaga.. Lihim syang nangiti.
Ilang minuto habang inaabala sa cp ang sarili na nakaupo sa sofa . Nagulat sya sa pag sulpot ng mukha ni Ace mula sa kanyang likuran.
Sobrang nailang sya.. Nakatingin ito sa kanya at Ambango.
” Ano ba! ”
” First kiss mo ba ako? Hmm?”
Ano naman to
” First kiss din kita e.”
Never mind Nice..King of asar sya.
” I mean.. First time kong maexperience yong kakaibang feeling while kissing. Sayo lang.”
“Di na yon masusundan.”
“Talaga ba? Sigurado ka?” Mas lumapit pa ito sa mukha nya
” Lika usap tayo ha.. Cooperate ka. Kung gusto mong makahalikan ako in the future,”
Natigilan si Ace.. Tila kinilig ito at naging seryoso
Nahiya tuloy sya, sa kanya pa talaga nanggaling. Kakahiya!!!
” Well, secure these days now. Gumalaw ka ng maingat kung gusto mong mag karoon ng tayo sa hinaharap. Just choose, now or in the future.”
If you choose now then, there will be no more us tomorrow. ” kinarer nya na lang talaga,may plano kasi sya.
Nagulat na lang sya...


ng bigla sya nitong yakapin sa likod.
You just don’t know how you make me feel now.” . you make me feel brand new! ”
” Langhiya.. “.
Oo kasi lahat ngayon bago sa pakiramdam ko. At marinig mula sayo telling bout the future for us. Gosh! Kinakabog puso ko. ”
Kakahiya!!” . Sabing di aamin bakit may future2 na akong nalalaman, ako pa talaga ang nagbanggit ng future.. Kakahiya talaga
Pero bahala na.
Humarap si Ace.
“I’m sorry pero kahapon, half day lang kami kaya na isipan kong panoorin ka ng palihim. Hindi ko naman alam na wala ka palang makakasama. Tinikis ko naman , sabi ko di huwag magagalit yan for sure! Pero nong nakita ko ang lungkot sa mukha mo na ikaw lang mag isa at paakyat na ng hagdan di kita natiis e. Sorry.. ”
So, di nya pala yon sinadya at plinano?”
“Ahm.. Ok sorry din sa reaction ko. Friends?
Huh? “ang laking gulat ng mukha nito.
Friends?
Ah, oo.. Friends!” nag kamay sila
Nginitian sya ng dalaga, ngumiti na lang din sya ng tipid.
Pumunta sya ng kusina at Pagbalik may dala ng popcorn.. Chichiria at juice.
“Gusto mo ng gatas?”
“Ah, di na tapos na akong uminom kanina.”
“Ok.. Anong gusto mo.. Syempre love story diba.. ”
“Uu.. Ikaw ba.”
“Hehe… Rated x sana gusto ko e.”
Naitapon ni Nice ang unan dito. Napatawa naman ito ng nakakaloka..” na amaze ang dalaga na nakita nya kung paano tumawa ng ganon ang binata. Mas lalo yatang nakaka inlove.
” Apaka boring naman nyan”
“Boring pala ha.. Oh” Tinapunan nya ito ng popcorn.. gumanti naman ito.
“Ahh, tama na! Sumasabit sa buhok ko!.” “Hahaha wag mo kasi akong umpisahan, yari ka ngayon.” Binanatan sya nito at pinaulanan ng popcorn.. Nagtatakbo na sila at naghahabulan. “Hoy tama na! Ang dumi na ng unit mo?”
“Hahahaha.. Ikaw naman ang maglilinis e”
“No way, mas marami kang binato! tama na Ace!”
Naabutan sya nito at na Korner. Agad syang niyapos. Tawang tawa silang dalawa.
“Huh! Ka Kapagod! Bitawan mo na ko, nasa tyan ko na yang kamay mo. ” agad naman itong bumitaw. Yong totoo nakukuryente na kasi si Nice pero aaminin nya ang saya nya. Abnormal pala tong Ace na to e”
“Inantok tuloy ako..”
“Tara tulog tayo sa kwarto”
“Waah!! Asa ka pa, tatabi ako sayo.”
“Di ko naman sinabing magtatabi.. May boundary naman.”
” nabuhay bigla ang dugo nito ng mapasulyap sa screen habang nginunguya ang popcorn.
” Ayon! Ayon ang gusto ko.. Yan, ganyan nga.” tutok na tutok na ito kasi naghahalikan na ang eksena. Binato nya ito ulit ng unan, at inabot ang remote para ifastforward. Pero naunahan na sya ng binata.
Nag agawan sila.. Tawa ito ng tawa, habang inaasar sya, kahit San na dumapo ang remote di lang nya maabot.. Hanggang na out balance sya at agad namang nasalo ng binata. Yon tuloy ang eksena ng pinapanood lang nila.. Sila na mismo ang gumagawa. !
, tila nag slow motion ang paligid.
Walangdyo si Ace, grab the opportunity talaga.. Pero nong malapit na ang labi nyang tumama nilamukos ng palad ni Nice ang mukha nya.
“Ump!.”
“Daing yong kinain ko kanina e,”
“Wala akong Paki,”
“Di ako nag toothbrush!” habang nakapulupot pa ang braso nito sa kanya
“nakita kitang nagtooth brush kanina.. ” pilyo nitong sabi
” Tumigil ka ha.. Di mo ako gf! , walang tayo! Kaya steady ka dyan! “.
” Ok, save this day for the future”
Kumalas si Nice at mabilis na bumalik ng sofa .. Hinihingal syang sumandal sa sofa hanggang nahiga.
Maya2 pa nag ring ang cp ng binata na nakaupo sa sahig nakasandal sa pinag higaan nyang sofa. Ginulo nya ang buhok nito
” hoy! Sagutin mo..!”
Nagkibit balikat ito tsaka pinatay, si Khate kasi yon.
Di na namalayan ni Nice na nakatulog na sya sa sofa. Paggising nya, katabi na pala nya ang binata . Nagulat sya at akmang babangon.
“Uh?” Agad sya nitong niyakap . Tinabihan na kita baka kasi mahulog ka ..dadalhin na lang kita sa kwarto ha?.” kahit kanina pa sya Inantok tiniis nya dahil gusto mn nyang dalhin ng kwarto ang dalaga natatakot syang magalit ito, kaya hinintay nyang magising.
” Ahh, uuwi na lang siguro ako.”
” Aga pa, tsaka inaantok ka pa.. Sa kwarto ka na para maluwag. Trust me” bulong nito sa punong teynga nya. Napagitla tuloy sya.
Di na sya hinintay sumagot, binuhat na sya nito.
“Hoy! Bat binuhat mo pa ako.”
” Inaantok ka pa.”
Niyakap ni Nice ang malambot na unan at muling pumikit ng maramdaman ang lambot ng higaan. Ang sarap matulog sa higaang ito, naibulong ng isip nya.
Inayos ni Ace ang hibla ng buhok na tumatakip sa mata nya. “pwede akong tumabi.. Please, sobrang antok din ako e. Dito lang ako nahihimbing.” Tumango lang si Nice at muling napapikit.. Antok pa talaga sya.
Tumabi si Ace.. Bumulong sya dito.
“Bat di na lang natin to totohanin.”
Uhm..
“Wala nang ibang laman ang isip ko, ikaw na lang. Promise..”
Uhmph!!..
“I’m planning to break up Khate.”
Huh?…
Sige, Maya na uli tayo mag usap paggising natin.
Uhm..
Sleep tight!
Uhm
Tumagilid si Ace at pinAgmasdan ang mukha ng dalaga, ngayon mag kaharap na sila pero tulog na ito. Nagpakasawa sya sa pagtitig, dahil ilang araw nya lang itong iniimagine na katabi sa higaan, ngayon heto at totoong katabi nya na. Ang lapad ng kanyang naging ngiti.
Sobrang saya nya na nakasama ito sa araw na yon, Sarap talaga nitong kasama. Nagkakasundo sila.. Pigil na Pigil syang hawakan ang mukha nito. Matagal din syang nakatingin dito hanggat napapikit na rin sya sa antok.
Buti hapon pa rin nong nagising sya , maya2 nagising na rin ito.. Pero Nagulat ito na nasa dibdib na nya nakahiga. Babangon sana ito pero Mabilis nyang kinabig ng braso nya kaya muling nahiga.
“Di mo ba gustong Maranasan ang makahiga sa dibdib ng isang Ace. Ang daming nangangarap nito.”
“Wow! Ganon?”
“Ahuh!”
“Ok try ko nga..
parang wala naman akong naramdaman.”
“Hehehe..”
“Hahahaha…”
” Kunyari ka pa.. Patingin nga! “dinama nito ang dibdib nya.
” Hoy! Lang hiya to..”
” E ang lakas ng pintig e.”
” Sayo din naman ah..”
” E si baby pumipintig na rin ba dyan? ”
Dinama nito ang tyan nya
” Ikaw ha, sinulit mo talaga araw na to, dami mong tsansing ah! Sumbong kita kay Papa.”
” Huwag ka nang umuwi dito ka na lang.”
Kahapon pala, yong netcafe ko hinarvest ko yong income. Nag open account ako. Diniposit ko don lahat ng income sa account para sa inyong dalawa.”
“Huh?”
“Oo, may plano pa akong ibibusiness para Lagi na akong makapag deposit sa account nyo.”
“Sa amin?”
“Sa inyo ni baby natin.”
Natigilan si Nice.. Bumangon sya.
Naguguluhan sya sa sinasabi ni Ace.. Bat sya isinasali nito.
“Tungkol don sa plano mo kay Khate, wag mong itutuloy. Tsaka kung may mapagkakatiwalaan kang tao para magbigay sakin ng sustento mo, mag utos ka na lang.”
Sumeryoso si Ace..
“Diba, dapat nag iingat tayo. Ok lang sana kung ako yong tipo na matatanggap ng pamilya mo, walang problema yon. Kaya lang…”
Iuwi mo na ako. “tuluyan na syang tumayo
Sumunod naman si Ace.
” Tsaka ito na sana ang huling pagpunta ko dito. Maraming nakakakilala sayo Ace.. Hindi na to dapat maulit.”
Biglang nag dilim ang anyo ni Ace
Lumabas na ng kwarto si Nice. Kinuha ang bag,
Sumunod ang binata pero naupo lang sa sofa.
“Uuwi na ako Ace.”
Tsaka ito tumayo at Kinuha ang cp at susi ng sasakyan. Pero patakbo itong lumabas at inilock ang pinto..
“Hoy Ace!! Buksan mo to!! Ano ba!?”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top