UNWANTED LOVE CHAPTER ONE


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE (Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER ONE
Kasalukuyang inaayos ni Trisha ang mga bagong diliver na bulaklak sa shop niya. Isa siyang may-ari ng flower shop malapit sa plaza ng isang bayan sa Manila. Malaki din ang kinikita niya dahil karamihan sa mga bumibili ay ang mga magkasintahan na namamasyal sa plaza. At mga ama na bumibili para i ibigay sa mga asawa at anak nilang babae.
Hindi na siya kumuha ng makakasama dahil maliit lang naman ang shop niya, saka kailangan niyang makaipon para sa anak niya. Naupo si Trisha sa mesa na nasa labas ng shop at masayang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro kasama ng mga magulang nila.
Bagay na hindi niya maibigay sa anak niyang si Brayll. Ang buo at masayang pamilya, ang makasama ng anak ang kanyang ama. Dahil malabo na itong mangyari sa buhay nilang mag-ina.
Noong bata pa si Trisha madalas na tinatawag siya ng mga kaklase at kalaeo niyang bastarda. Dahil wala siyang ama at ang ina na lamang niya ang kasama niya, si Mrs. Mercedes. Dayuhan sila sa Manila at doon na pinanganak at lumaki sa Trisha. Pero hindi niya maiwasan ang nga taong mapanghusga kung kaya naisip ng kanyang ina na iuwi siya sa lugar ng kanyang Tito.
Pasukan na ng High School ng tumira siya sa Tito niya, mahal siya ng pamilya ng tito niya at itinuring siyang tunay na anak nila. Naiwan sa Manila ang kanyang ina at nagpapadala nalang ito para sa pangangailangan niya.
Hindi din naging madali ang pinagdaanan ni Trisha, dahil sa trauma sa pambubully sakanya ay hindi na siya palakaibigan. Mas gusto niyang mag-isa kesa makisalamuha dahil baka kapag nalaman nila ang totoo niyang pagkatao ay lalayuan din siya.
Hanggang sa isang araw habang nakaupo si Trisha sa bench ng kanilang school ay may tumawag sa kanyang pangalan.
“Pssst! Trisha Rocaforte!”, ang tawag ng lalaki sa kanya.
Pero hindi na niya iyon liningon at hinayaan nalang na mapagod ito sa pagtawag sa pangalan niya.
“Hoy bastarda!”, ang sabi ng lalaki ng lumapit ito at umupo sa tabi ni Trisha.
Dahil sa inis ni Trisha ay binatukan niya ng malakas ang lalaki at saka umalis at iniwan niya itong namimilipit sa sakit.
Ng mga sumunod na araw ay palagi siyang sinusundan ng lalaki, hindi naman niya ito kaklase. Sa kabilang room ang klase ng lalaki pero kabag nakikita nito na mag-isa si Trisha ay linalapitan niya.
“Ano ba kasing kailangan mo huh!”, ang inis na sabi ni Trisha ng minsang sundan siya ng lalaki sa canteen. Kasalukuyan na siyang kumakaen.
“Ako si Bryan, at ikaw si Trisha diba”, ang sabi ni Bryan.
“Pano mo nalaman ang tungkol sakin?”, ang nagtatakang tanong ni Trisha.
“Sinple lang, nagresearch ako”, ang sagot ni Bryan.
“Eh yung bastarda na tinawag mo sakin, pano mo yun nalaman?”, ang nagtatakang tanong ulit ni Trisha.
“Secretttt”, ang nakangising sagot ni Bryan.
“Please naman huwag mo ng ipagkalat ang tungkol dun. Alam mo naman siguro kung bakit ako lumipat dito diba?”, ang paki-usap ni Trisha.
“Oo naman alam ko, pero hindi ko ipagsasabi sa isang kondisyon”, ang sabi ni Bryan.
“Ano? Lahat gagawin ko basta huwag mo lang ipagkalat”, paki-usap muli ni Trisha.
“Nakikita mo yung dalawang yun?” ang tanong ni Bryan...


sabay turo sa masayang kumakaen na sina Lester at Cindy. Tumango naman si Trisha bilang sagot.
“Kailangan mong akitin yung lalaki si Lester, at kailangan magselos yung babae si Cindy”, ang patuloy ni Bryan.
“Bakit ko naman gagawin yun eh bagay naman sila. Ano ako panira?”, ang mataray na sabi ni Trisha.
“Kung hindi mo gagawin bahala ka”, ang sabi ni Bryan sabay tayo sa kinauupuan niya.
“Teka teka ito naman para lang nagtatanong, kailan ba ako magsisimula?”, ang sabi ni Trisha.
Umupo naman ulit si Bryan at lumuwang ang ngiti niya kay Trisha.
“Ikaw kung kailan mo gusto basta sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi malalaman ng buong kaklase mo ang tungkol sayo”, ang pagbabanta ni Bryan.
“Tanong ko lang hah, bakit gusto mo silang maghiwalay?”, ang tanong ni Trisha.
“Hindi naman sila, pero type ko si Cindy at gusto ko magkatampuhan sila ng Lester na yun”, ang sagot ni Bryan.
Kinabukasan, ng makita nga ni Trisha na dumaan si Lester mag-isa ay linapitan niya ito at humawak sa balikat ng binata. Nag pasweet pa siya para halatang may gusto talaga siya kay Lester. Nakita niya na sumilip si Cindy mula sa pintuan ng kanilang room at halatang nagselos ito dahil sumimangot ng makita ng dalaga ang ginawa niya.
Pagkatapos nun ay naguilty siya, hindi naman niya dapat ginagawa iyon pero nakasalalay doon ang dignidad niya. Kinausap na siya ni Bryan na umepekto nga ang ginawa niya dahil umiiwas na si Cindy.
Pero di nagtagal ang pagtatampuhan ng dalawa kung kaya inutusan siya ulit ni Bryan. Sa JS Prom ay mag aartista na naman siya, at kailangan na naman niyang sulutin si Lester.
“Hay naku Bryan talaga”, ang nasambit nalang ni Trisha.
Lumapit nga siya ulit kay Lester, at tulad ng inaasahan niya ay nagselos ulit si Cindy. Naisip tuloy niya na nagkaroon na siya ng kaaway dahil sa ginagawa niya.
Pagkatapos ng Prom na iyon nalaman niyang hindi na nagpapansinan sina Lester at Cindy. Naguilty siya kung kaya kinausap niya si Bryan.
“Ano masaya kana?”, ang inis na sabi ni Trisha kay Bryan.
“Oo naman Thank you ha”, ang nakangiting sabi ni Bryan. Pero hindi naman alam ng binata na dahil sa narinig ni Cindy na pinagpustahan lang siya ng mga kaibigan ni Lester para ligawan siya nito.
“Tapos na tayo sa usapan Bryan, kaya kung nalaman ko na pinagkalat mo ang tungkol sakin. Hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang totoo kina Cindy at Lester!”, ang madiing sabi ni Trisha.
“Aba matapang ka hah!”, ang sabi ni Bryan.
“Huwag mo akong subukan Bryan, hindi mo alam ang pwede kong gawin. Kaya kung ako sayo magenjoy ka nalang sa pagsama-sama kay Cindy at kalimutan mo ang nalalaman mo tungkol sakin”, ang galit ng sabi ni Trisha.
Hindi naman na nakaimik si Bryan dahil matapang ang mukha ni Trisha habang nagsasalita. Kaya pinangako nalang niya sa sarili na kalimutan nalang ang tungkol sa dalaga. Pinagmasdan nalang niya itong lumalayo sa kanya.
Nasa ganong pagiisip si Trisha ng mapansin niya ang sariling napapangiti nalang ng balikan niya ang kabataan niya. Masaya siya noon, noong hindi pa nadurog ang puso niya at nasira ang buhay niya.
Up next. . . .
Ang pagkikita ng magkaibigang Trisha at Cindy.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next poπŸ€—πŸ€—πŸ€—πŸ€—πŸ€—

Leave a Reply


top