JEEP


Pasakay ako ngayon ng jeep pero nakaramdam ako ng kaba hindi ko alam pero ‘yon lang ang tanging nararamdaman ko.
Nang tuluyan na’kong nakasampa sa jeep at umupo ako sa gitna na di kalayuan sa driver seat.
“Manong bayad po!”ani ko sabay abot ng bente sa kay manong driver.
Kinuha din nito at nagsimula nang magdrive.

Kalagitnaan ng pagbyahe namin ay napansin kung medyo mabilis ang takbo ng jeep na akala mo nagkakarera. Pero medyo lng naman.
Hanggang sa nagsalita si manong driver na…
“WALA TAYONG PRENO!”Sigaw...


nito kaya nagpanic kaming mga pasahero.
“jusq!”Saad ng isang pasahero at pinagsaklop pa ang dalawang kamay nito.
Hanggang sa matanaw ko ang isang truck…
“MANONG BABANGGA TAYO!”Sigaw ko…

Ang sakit ng buong katawan ko at naramdaman kuding may isang maiinit init na likido ang dumadaloy sa ulo at noo ko papunta sa pisnge ko.
Pilit kung ginalaw at gumapang patungo kung saan si manong driver na duguan din.
“M-manong Yung s-sukli ko po sa b-bente ko. Estudyante lng p-po.”
🖊️:Nyctoarkylaw
Errors ahead
Plagiarism is a Crime






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top