DEAR SANTA


Sumasabay ako sa kanta habang naglilinis sa kwarto ko. Medyo matagal ko na din itong hindi nalilinisan kaya marami ng alikabok sa bawat sulok.
Ano ba ‘to?
Tahimik kong tanong nang makakita ng medyo may kalakihang kahon. Walang salita, binuksan ko ito.
Bumungad agad sa akin ang mga laruan na ang iba ay sira-sira at may kalumaan na.
Pamilyar sa akin ang nag-iisa kong manika na si Leaf. Leaf ang pangalan niya, dahil maberde ang buhok niya parang dahon lang .
Muli kong kinalkal ang loob nito. Nakita ko agad, si Pinky. Ang teddy bear kong kulay pink. Pinky yung pangalan niya kasi pink yung kulay niya.
Tangek, ang bobo ko magbigay ng pangalan. Binabase ko sa kulay, gagi.
Marami pa akong nakita na laruan. ‘Yung iba hindi ko na pinansin, maalikabok ang loob. Feeling ko, isang balde ang nalunok kong alikabok dahil halos magkanda ubo-ubo ako sa rami.
Isasarado ko na sana yung kahon pero napahinto rin ako nang may nahagip ang mata ko.
Sa tingin ko, isa itong lumang papel. Nakasuksok ito sa isa ko pang laruan.
Kinuha ko ito at binuksan. Hmm, ano kayang laman nito? Sana lang hindi landi ang laman nito. Ang landi ko pa naman noon, bwahahaha.
Napatawa ako sa sinabi ko pero napahinto rin ako nang mabasa ko na ang nakasulat.
Dear Santa,
Totoo po ba kayo? Sabi kasi ng kalaro ko totoo ka raw, Santa. Di nga? Uy, santa. Sabi ng kalaro ko, kapag hihiling raw ako sayo matutupad ang hiling ko. Kasi, yung hiling niya raw tinupad mo. Binigyan mo siya ng laruan at maraming kendi. Weh, talaga ba? Uy santa. Pag si Thea ba hihiling sayo tutuparin mo? Kapag hindi talaga, bubunutin ko ‘yang maputi mong balbas. Sige...


ka, ibang klaseng mainis si Thea, rawr. Biro lang santa. Santa, ito po ang una’t huli kong hiling sayo. Hinding-hindi ako magsasawang paulit-ulit itong hihilingin.
Santa, sana kompleto po kami sa pasko. Sana iparanas mo naman sa’kin ang maging kompleto sa pasko oh. Sige na po, gustong-gusto ko napong makita si papa oh. Simula po kasi pagkabata hindi ko na siya nakita, iniwan raw po kami.
Salamat po Santa! Sana’y tuparin mo ang hiling ko kung hindi bubunutin ko ‘yang balbas mo!
–Thea
Tulala ako pagkatapos kong mabasa ito. Isa isa ding nagsibagsakan ang mga luha ko.
Gagi, natakot ko ata si santa kaya hindj niya tinupad yung hiling ko, haha.
O kaya’y napakaimposible ‘nyon na mangyayari? Totoo ka po ba talaga Santa?
Bakit hindi mo tinupad yung hiling ko?
Pagak akong tumawa sa sariling tanong. Kasi, Thea napakaimposible ng tanong mo. Ano ‘yun? Iniwan kayo tapos muli siyang babalik? Gago ba siya.
Simula pagkabata, wala akong ama na nakasama. Ayoko mang tanggapin pero habang ako’y lumalaki na at nagkaisip kinalimutan ko na siya.
Itinatak ko sa isip ko na, ‘Wala kang ama, Thea okay? Patay na siya. Kaya sana wag mo nang hanapin pa ang wala.’
Nasasaktan man pero unti unti ko namang nagawa.
Pero ngayon, nang dahil lang sa isang papel na laman non ay kahilingan ko, nagbago ang lahat sa isang iglap.
Ilang taon kung nakaya na walang ama.
Pero sa isang iglap lang,
muli ko na namang hiniling na sana’y ngayong taon na ito, bago ang pasko maranasan kong magka-ama at makompleto kami sa kauna-unahang pagkakataon.
At ‘yun ay sa araw ng pasko.
Pumikit ako at huminga ng malalim, “Tama na Thea, kahit anong hiling mo pa, ayaw rin naman niyang makita ka dahil disgrasya ka lamang.”
_____
words by; Sirene Sirene






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top