“Ma, you should add chessecake stuffed strawberries, strawberry pretzel, strawberry mousse, and anything with strawberry toppings on it for the dessert.” Sabi ko nang nasa terasa sila ni Papa.
Nang magising ako kanina hinanap ko agad si Mama para sa mungkahi kong idagdag sa menu sa Maricela, pati sa Sentro. Magulo pa ang buhok ko nung nilapitan ko sila ni Papa. Umupo ako sa tabi ni Mama, at kumalambitin sa braso niya.
“What’s with strawberry?” naguguluhang tanong niya.
Hindi ko pinansin ‘yong tanong niya, pinagpatuloy ko lang ulit, “And please, Mama, from now on put some strawberries in our refrigerator. I’ve love to eat all of that.” I dreamily said.
“Kung maka-utos ‘to. Why don’t you go to Baguio instead, brat?” Si Kuya Dartian, palapit sa amin habang inaayos nito ang nakalislis nitong long sleeve sa braso.
I rolled my eyes at him. Akmang magsasalita sana nang inunahan ako ni Papa, “Stop annoying your sister, Dartian.”
I stucked my tounge out to my brother. Sumimangot siya. Bumaling ng tingin sa akin si Papa. “You’re in the right time, Hija. Patungo ako ngayon sa Baguio para sa convention. What else do you want?”
Napalakpak pa ako sa pahayag ng Papa ko. Sa sobrang saya lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi. “A lot of strawberries po. You’re the best! I love you, Papa!” I giggled.
“Bakit bigla ka nalang nagkainteres sa strawberry, Hija?” my mother’s asked.
“Don’t tell me you’re pregnant, Candace?!” paratang niya, namilog pa ang singkit niyang mga mata.
Tumawa lang ako doon at tumayo na, “ Mama nga! I’m still young!”
“Exactly! No to sexual intercourse without marriage first.” Paalala niya.
Sumipol naman paalis si Kuya, mukhang natamaan sa sinabi ni Mama.
“Opo.” Pero bumaling muli ako kay Mama.
“Do you have perfume-“
She cutted me off. “Strawberry?” Taas kilay niyang dugtong sa sasabihin ko sana.
“Yes, Mama.” Tukoy ko ay ang collection niyang mga pabango.
“Just check in my closet.”
At tuluyan na akong umalis doon, tinungo ko ang kwarto nila ni Papa, at hinahanap ang sadya ko sa mga pabango niya. Pagkatapos naligo ay nagbihis na ako at hinarap ang salamin.
Buntis agad? Hinalikan lang ako hindi inano. Napailing nalang ako nang maalala muli ‘yon.
“You taste like strawberry, Candace.” Pagkatapos ng halikan namin.
Ngumuso ako hindi dahil gusto kong umisa pa kundi sa sinabi niya, “Maasim ‘yon, e.”
He chuckled. “That’s not how I tasted it. It’s actually sweet.” Sabay tingin sa labi ko.
And that’s the reason why I’ve come this morning craving for strawberry. Tila gusto kong malasahan muli iyon… From this day on magiging favorite ko na ang strawberry sa lahat ng prutas.
Kasalukuyan akong nagsusuklay nang mahagip ng mata ko mula sa repleksyon sa salamin ang umiilaw kong cellphone sa ibabaw ng kama ko.
Kinuha ko ito, ganoon din sa katabi nitong shoulder bag ko upang makaalis na papuntang school. Habang pababa sa hagdan, inabala ko ang sariling tinignan ang mensahe ni Travis, at ng kung sino dahil hindi rehistrado iyon sa cellphone ko.
Unknown number;
Good morning, Candace. Nandito na ako sa school. I want to talk to you. Hintayin kita dito sa gate 2.
Unknown number;
This is Keith, by the way.
Travis;
Good morning, baby.
Dali-dali akong bumaba pagkatapos ko sila ni-reply-an isa-isa, at hinanap agad si Mang Isko upang magpahatid sa kanya sa school.
Gusto ko na ring makita si Keith. I already miss her.
“Sa gate 2 niyo nalang po ako ibaba, Mang Isko.” Tukoy ko sa gate sa may bandang likod ng school.
Pagkaapak ko sa mabatong daanan tinahak ko agad ang nakabukas na gate. Walang masyadong dumadaan dito. Bukod sa hindi sementado ang bandang kalsada rito ay wala ring masyadong kabahayan, nabibilang lang sa kamay ang may bahay dito.
Nang makapasok ng tuluyan, akala ko mahihirapan pa akong hanapin si Keith ngunit nakatayo siya sa harapan ng kyosko kung saan bakante.
Nakangiting lumapit ako pero agad din nabura at napatigil sa paglalakad. I can’t explain what I’m feeling right now, seeing my friend looked very pale.
Maputla ang kulay, hindi ko akalain na sa ganoong patpatin niyang katawan ay may ikakapayat pa pala.
Mas lalong nabahag ang nararamdaman ko nang ngumiti siya sa akin. Sa ngiti niyang ‘yon, alam kong pilit lang iyon.
Nang hindi ko magawang kumilos sa kinatatayuan ko ay siya na mismo ang lumapit sa akin.
I looked closely at her… chapped lips… swollen eyes in her thin face. Malayong-malayo sa kakilala kong Keith.
“What’s going on, Keith? Kailan mo pa balak sabihin sa amin ang totoo.”
“Ngayon.” Nakangiti pa rin siya. “Halika.” Nagpatiuna na siya sa may kyosko, at umupo na gawa sa kahoy.
Sumunod naman ako, “Don’t you trust me? Si Bana? Us? Bakit ayaw mong magsabi, Keith?!”
Kahit hindi pa niya sinasabi sa akin ang totoo, may kung anong hinala na ako ngayon dahil sa nakikita kong itsura niya.
“Natandaan...