The Choosen ONE Continuation of Chapter Syete


S-sa akin?nauutal pa sya at di makapaniwala sa sinabe ng binata.
“You heard what I’ve said so I will not repeat it.”seryuso na naman ang boses nito.
“Dress you’re self before you take you’re rest.”pagkasabe nito ay tumalikod na ang binata.Hindi na sya nakapagsalita pa ng tuluyan na itong lumabas ng kwarto.
Kaagad na rin syang nagbihis, simpleng pantulog lang ang sinuot nya.Tsaka lumabas muli sa nkabukas na wall.Authomatic itong nagsasara basta walang tao sa loob.
Dahan dahan syang humiga ng kama.Napakalambot Naman ng kamang ito.
Wala sa loob na nabanggit ng dalaga habang nakatitig sa kisame.
Naalala na Naman nya ang kanyang mga kapatid pati na rin ang kanyang mga magulang na walang awang pinatay sa harapan nya.
Tumagilid sa pagkakahiga ang dalaga at doon din ay hindi na napigilan pa ang humikbi.
Hindi naman sya napasaya sa karangyaan na ibinigay ni Lord Thriod sa kanya.
Magiging masaya lang sya Kong maipaghiganti nya ang...


kanyang mga magulang at makita lang ang dalawang kapatid.
“Hahanapin ko ang gumawa nito sa atin.”bulong nito sa sarili tsaka pilit na ipinikit ang mga mata.
“Akin na yan!!!!!Akin na yan Sabi eh!!!!!sigaw ng isang batang babae sa tatlong binatilyo na may hawak hawak na supot ng pansit.
“Ito ba?Abutin mo muna hahahahaha!!!Sabi nito tsaka pinasa sa isa pang kasamahan ang supot.Para itong bolang pinagpasa pasahan ng tatlo habang umiiyak ang batang babae sa kakahabol.
Madumi ang damit nito tsaka gusgusin na ang mukha.
“Isusumbong ko kayo sa kuya ko”.Saad nito habang umiiyak.Maya maya ay may biglang sumigaw Mula sa likuran.
“Hoy anong ginagawa nyo sa kapatid ko?matapang na tanong nito.
“Aba!!!Ito ba ang pinagmamalaki mong kuya mo ha.Eh patpatin lang nman yan eh”sabay tawanan ng mga ito.
Habol hininga ang bagong dating sa sobrang galit.Nakakuyom ang mga kamao.
“Wahida,ano ba ang nangyare?Kausap nito sa kapatid habang ang mga mata ay nasa tatlo.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. 온라인바카라 안전 온라인바카라 이벤트 온라인바카라 특징 온라인카지노 안전

Leave a Reply


top