DESTINED TO BE YOUR’S THREE


AUTHOUR:LEXIE ERA
GABING-GABI na hindi padin dalawin si axil ng antok. abalang abala ang isip niya kay jewel simula kaninang umaga pa mag pa hanggang sa mga sandaling iyon.
naalala pa niya nuong mga bata pa sila. ang dating paslit niyang kalaro nuon ay dalagang dalaga na ngaun at napaka ganda. si jewel ay may kakaibang ganda na hindi nakakasawang titigan. at ang labi nito na para bang napakasarap halikan. hindi niya alam kung ilang besis niyang pinigilan ang sariling gawin iyon kanina.
nanumbalik sa isip niya ang nangyari.
“senyorita nandito na ho tayo.. aniya sa babae pero di ito umimik.
sinilip niya ito sa likod nang sasakyan. nakatulog na pala ang babae. bumaba siya upang buhatin ito papasok sa loob ng kwarto. wala naman sigurong masama sa gagawin niya kesa iwanan ito sa loob ng sasakyan.
hinawakan niya ito sa isang kamay at isinampay sa balikat niya. saka binuhat.
alam niya ang kwarto nito dahil madalas silang maglaro nuon sa loob nuong mga bata pa sila.
damang dama niya ang mainit at malambot nitong katawan habang buhat ang babae at hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba..
marahan niyang ibinaba ang tulog paring dalaga, ingat na ingat siyang ibinaba ito upang hindi magising. dahil panigurado gyera nanaman ang aabutin niya kapag magising itong buhat niya.. nakahinga siya ng malalim ng mailapag ito.
palabas na sana siya ng mapatingin sa mapupula nitong labi.
uminit ang pakiramdam niya.
nanuyo ang kanyang lalamunan.
sinikap niyang paglabanan ang nararamdaman ngunit nagtatalo ang isip at puso niya.
yumuko siya at dahan dahan niyang nilapit ang mukha sa dalaga upang halikan ito sa labi pero narinig niyang umung+l ang dalaga. nagulat siya at agad napatayo sa pag aakalang nagising ito,
daig pa niya ang isang magnanakaw na biglang naglaho na parang bula sa kwartong iyon.
marahang bumangon si axil mula sa kinahihigaan sa isiping iyon. napahaplos siya sa mukha. matagal niyang tinitigan ang magkasalikop na mga kamay na para bang nandun si jewel
tumayo siya at lumabas ng kwarto.
“anak bat gising kapa? gulat ang kanyang ama ng lumabas siya sa pintuan.
“mag babanyo lang po itay. palusot niya.
siya may nagulat din sa pag sulpot ng ama.
“ganun ba? sige mauna kana. kumusta naman ang unang araw mo sa trabaho? pahabol nitong tanong.
“okey naman ho itay. tugon niya.
“pag butihin mo anak ha?
“makakaasa ho kau itay. tugon niyang naka dama ng guilty. dahil kanina lang may maiitim na spirito ang sumakop sa utak niya at sinunud iyon.
“ikumusta mo nalang ako kay mam franshal at sinyoreta jewel.
“sige ho itay..
napabuntong hininga siyang ng pumasok sa banyo. tinitigan niya lang ang sarili pag pasok sa loob dahil hindi maman talaga siya naiihi.
tinamaan talaga siya ng lint+k na pag ibig..
pagkalipas nang ilang sandali saka pa lamang siya lumabas nang banyo matapos mag flash dahil baka makahalata ang kanyang ama.
“tulog na uli ako tay. aniya pag labas ganong ang tutoo hindi pa siya nakaka idlip manlang.
tinapik lamang siya nang ama sa balikat at pumasok na nang banyo.
pag pasok sa loob nang kwarto nahiga siya at nakipag titigan sa kisame. marahil kung nakakapag salita itoy kina usap na siya. ingit tuloy siya sa kapatid na kanina pa nag hihilik.
hindi niya alam kung panu natapos ang gabing iyon pero pakiramdam niya gusto niya nang pumasok sa trabaho para makita lang ang babae.
madaling araw na nang maka idlip siya.
GOODMORNING!! nakangiting bati ni adel ng mapagbuksan siya ng gate, katulong ito ng pamilyang hernandez
“gising naba si sinyorita? tanong niya kaagad.
“kanina pa hinahanap ka na nga niya.tugon nito.
tumango siya.
tiningan niya ang suot na relo ang alam niya alas otso pa ang rehersal nito. bat kaya ang aga nito.?
saglit na nilinis ang sasakyan habang inaantay ang pinananabikang dalaga..
ilang sandali pay lumabas na si jewel sa main door, naka leather skirt ito na tinirnuhan nang blouse..at napa ka ganda nito.
malayo pay kita niya na ang nakasalubong nitong kilay.
bagaman malayo na ang pagbabago sa ugali nitong ubod ng taray ay wala iyon sa kanya.
“goodmorning nakangiti niyang bati dito.
tiningnan siya nito ng masama.
“your fired! mataray nitong sabi.. madiin.. give me the key at ako ang mag mamaneho, inulit nito ang sinabi sa kanya kahapon.
Alam niya ng gagagawin iyon sa kanya ni jewel, at napag handaan niya na ang bagay na iyon, sinabi na sa kanya ng ama nito na walang nag tatagal na driver dito dahil sa ugali ng dalaga.
pero ibahin siya nito.
nginitian niya lang ang babae, iyong ngiting di nito matatanggihan.
“hindi ikaw ang nag hire sakin kaya wala kang karapatang e fired ako senyorita. pang aasar niya,
nagsalubong ang kilay nito,
“pwes si dad ang ipag drive mo at hindi ako..bulyaw sa kanya.
“okey kunin mo nalang sakin tong susi kung kaya mo. pang uuyam niya.
namumula ito sa galit kaya natutuwa siyang pag masdan ito.
isinuksok niya ang susi sa bulsa matapos iwagayway sa harapan ng dalaga.
“fine! anitong walang anumang lumapit sa kanya saka dinukot sa bulsa niya ang susi.
nalanghap niya kaagad ang pabangong gamit ng dalaga at masarap iyon sa pang amoy niya. pabango ba o natural nitong Amoy ay hindi na yun mahalaga, dama niya rin ang Init na nag mumula sa katawan nito nang magsimula siyang hawakan.
habang gigil na gigil itong makuha ang susi sa kanya ay matiim niyang tinititigan ang mga labi nitong napakalapit lang sa kanya. mangani-ngani itong siilin ng halik kung hindi lang siya nag pipigil.
para itong batang inagawan ng laruan at gustong bawiin mula sa kanya.
“jewel what are you doing?? tanong ng mommy nito na ndi nila namalayang nakalapit sa kanila.
mabilis itong lumayo sa kanya. pulang pula ang mukha sa hiya.
“mom i tried to take the key from him just to drive my self alone.. at pinahihirapan ako ni axil. nasa tuno nito ang pag susumbong.
“you know what im thingking while ago. akala ko naghahalikan kayong dalawa. anito na bahagyang nakangiti.
“what?? no mom..it won’t happend! over react nitong sabi sabay irap sa kanya.
“next time dont do this to axil. maybe he could think something else about you. saway nito.
“oky mom. naka yukong tugon nito
maya mayay sinulyapan siya nito.
“lets talk inside the car. anito pagkaalis ng ina.
mabait siyang sumunod
“masaya kana ba pinahiya mo ako kay mom.? tanong nito.
“ikaw ang gumawa nun sinyorita hindi ako.
“galit ako saiyo kagabi pa. i cant forget what youve done tome. nakatulog ako at pagising ko nasa kwarto na ako and adel told me your the one who take me to my room. singhal nito sa kanya.
napatitig siya sa dalaga naalala niya ang nangyari ng muntik niya na itong halikan.
“yun ba ang dahilan kung bakit gusto mo akong e fired ngayong umaga?
“yah.. at aside from that ayaw ko sayo. masyado Kang…..
“gwapo? mapanudyo niyang putol sa sasabihin nito. nakangiti.
“what? excuse you me.. sinong nagsabi sayong gwapo ka..duhhhh..ang kapal..! nakataas ang isang kilay nito.
“kaya ba pag naka titig ka sakin hindi mo maawat ang sarili mo? muling usal niya.
“great…! can you please stop!! animong nauubusan ito nang pasinsya.
“okey senyorita dina ako mag sasalita. at next time pag nakatulog ka ulit dito sa sasakyan iiwan nalang kita para naman wala tayong problema.
“fine then tell if what did you do to me last night.?
lumapit siya nang bahagya dito saka ikinabit ang seatbelt sa dalaga, napamulagat pa ito sa ginawa niya at bahagyang umiwas ng tingin sa kanya..
saka walang tugon na binuhay niya ang makina nang sasakyan.
“im asking you.. anong ginawa mo sakin last night.? pangungulit nito sa kanya.
walang tugon na sinulyapan lang ito.
“axil did you hear me?
“sabi mo tumigil ako, ang gulo mo din sinyorita.
“now speak..
“wala akong ginawa sayo.. kung meron man akin nalang iyon. nakangiting sinulyapan ito muli saka itinuon na sa daan ang atinsyon.
“grrrrrrrr!!! gigil ni jewel.
lihim siyang napapangiti sa dalaga ang sarap nitong asarin. mukang mag e-enjoy siyang kasama ito.
pag dating nila sa studio mabilis itong bumaba mula sa kotse. hindi na nito inintay na pag buksan niya. nag iwan pa ito nang katakot-takot na irap.
maya-maya may humintong sasakya mula sa di kalayuan sa kinaroruonan niya.
“hey.. jewel.. wait.. kaway nang lalaking nagmamadaling humabol kay jewel.. kitang kita niyang umakbay ito sa dalaga at nakadama siya nang selos. nagtatawanan pa ang dalawa bago pumasok ng building.
bakit ngaba hindi niya inisip ang bagay na iyon. impossible nga namang wala pa itong boyfriend. napaka ganda ng babae.
malongkot na tumingin siya sa malayo. kung may boyfriend na si jewel hindi siya dapat mawalan ng pag-asa hanggat hindi ito naikakasal sa iba.
tama…
may ngiting sumilay sa mga labi niya. kilangan malaman ni jewel ang nararamdaman niya.. yun ngalang panu niya sasabihin kung napaka taray nito. muli nawalan siya nang pag asa.
πŸ’₯FOUR
PAG-PASOK ni jewel sa studio sinalubong kaagad siya ni lizel bitbit ang isang ponpon nang red roses. kasabay niya si Logan na isa ding model na nakaakbay pa sa kanya. lihim siyang natuwa sa ginawa nitong pag akbay kanina para asarin si axil. kasama si Logan sa rehearsal nila dahil isa ito sa napiling co model na gaganaping photo shots sa subic.
bakit ngaba niya naisip asarin ang lalaki?
dahil napakayabang nito.. akala siguro nang mukong na iyon porket nakikipag tagisan na siya nang titig Dito eh magkaka gusto siya sa lalaking iyon. at para lalong maasar ang lalaki nakipag tawanan pa siya kay Logan habang papasok sila nang studio.
umasa siya. kutkot ng isip niya.
“para sayo.. nakangiting sabi ni lizel na iniabot ang bulaklak.
“kanino galing? asik niya. na tinanggal ang kamay ni Logan sa balikat niya dahil parang wala itong balak tanggalin iyon. at naiinis siya.
“Ewan ko.. walang nakalagay kung kanino galing.
mabilis na kinuha ni Logan ang bulaklak mula sa kamay ni lizel at tinapon sa basurahan.
“don’t accept any flower from strangers its dangerous. siryosong saad nito bago tumalikod.
pariho sila napatanga ni lizel habang nakasunod ng tingin sa lalaking galit na tumalikod. para itong boyfriend na nag aalala para sa kanya.
“anyare dun??
nagkibit balikat nalang siya, hindi lang naman iyon ang kauna-unahang pagkakataong naka tanggap siya ng bulaklak mula sa isang secret admirer. marami siyang fans at hindi naiiwasan yun.
nag simula na siyang ayusan ni lizel dahil malapit na ang rehearsal.
saktong eight o’clock naka ready na ang photographer at lahat nang co model niya.
tatlong oras bago natapos ang rehearsal.. diritso siya sa dressings room para magbihis.. kasunod niya ang mga co model.
masaya ang mga itong nag kukwentuhan para sa pag hahanda papuntang subic.
maya-maya pumasok si maneger kim. pumalakpak ito para kunin ang atensyon nilang lahat dahil maingay ang ibang co model niya. strikto ito pagdating sa trabaho kaya lahat nang model ay takot dito.
“girls be ready on Monday may oras pa kayo mag pahinga tomorrow so kailangan insaktong ala sais nang umaga lahat ay nanadito na para sabay-sabay tayong aalis papuntang subic understood? naka taas ang kilay nang matabang babae.
“yes madam kim.. korong sagot nang nila.
pagkatapos ng announcement na yun ay lumabas na ito.
balik ingay ang lahat. masayang nag tatawanan at nag kukwentuhan maliban sa kanya na mabilis isinilid sa paper bag ang personal niyang gamit gusto niya nang umuwi,, dahil natutulili siya sa hiyawan nang mga ito, wala ni isa mang gustong kumausap sa kanya sa pagiging mataray niya. may sarili siyang mundo.. ganun man masaya siyang walang friend.
“eh anu kung wala siyang friends hindi naman niya iyon ika gugutom. ayaw niya lang makipag plastikan sa mga ito.
“pauwi kanaba? pag labas niya nang dressings room sumalubong sa kanya...


si logan.
“ahm yes.. mag aayos ako nang gamit na dadalhin para sa photo shots..why?
“aayain sana kitang mag lunch. nakangiting sabi nito.
tiningnan niya nang deretso si Logan sa mga mata. baka nag take advantage ito nang hinayaan niya kaninang akbayan siya.
“hindi ako nagugutom at naghihintay ang driver ko sa labas. tugon niya. Alam niya ang kasunod nang lunch date na iyon. bibigyan siya nang flower.. manliligaw sa kanya. at pag naging sila aayain siyang pakasal at pahihintuin siya nito sa trabaho.. at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari.
nadismaya ito sa narinig mula sa kanya.
“jewel… ahm..
“i have to go.. putol niya sa sasabihin nito. daig pa niya ang hinabol nang magnanakaw sa bilis nang mga hakbang niya palabas sa studio. hindi na nilingon pa ito.
hindi naman sa ayaw niya kay Logan dahil gwapo din naman ito maganda ang katawan may pinag aralan.. pero hindi siya kinikilig dito.
pinag buksan siya nang pinto ni axil habang nakangiti sa kanya. pag dating niya ng parking space, saglit pa muna siyang nakatitig dito habang may naglalaro sa isip niya. para kasing nakay axil ang hinahanap niya sa isang lalaki. pinapakilig kasi siya nito, anu ba ang basihan para hindi ito magustuhan.
gwapo, macho, okay lang sa kanya kahit hindi mayaman.
“no.. hindi pwedi.. hindi sa lalaking ito.. bulong ng utak niya.
“staring at me that way is a big mistake.. makahulugang sabi nito matapos siya tapunan nang tingin.
nahalata nitong kanina pa nakatitig dito. tuloy umusbong nanaman ang kakaibang galit niya sa lalaking may malaking bilib sa sarili.
“mayabang.. hmp!
walang imik na umupo matapos itong tapunan nang masamang tingin na obviously walang talab sa lalaki. pati pagtataray niya wala ding epikto dito. anu bang klaseng tao ito.
mabilis nitong binuksan ang sterio niya.
halatang mahilig sa music si axil dahil sa tuwing mag babyahe sila hindi ito kontento kapag hindi pinapakialaman ang radyo niya na hinayaan nalang din niya. nakasanayan nalang niya makinig nang music kahit nun paman wala siyang hilig dito besides wala siyang choice.
pagdating sa bahay nagulat siya nang makita ang ama sa mansiyon. maaga pa nun hindi ba ito pumasok sa opisina.
“wala Kang pasok bukas., pero sa Monday maaga tayo i want you to be here at exact five in the morning. okay ba iyon. aniya sa lalaki bago bumaba nang sasakyan.
“yes. babe.. anitong may halong biro. kasalukuyan nitong ipinaparada ang sasakyan at hindi ito nkatingin sa kanya.
parang lumihis ang kinalalagyan ng puso niya matapos marinig ang sinabi nito. Alam niyang biro iyon nang lalaki Pero bakit parang ang sarap pakinggan.
binaliwala nalang iyon saka nag mamadaling lumabas.
sinalubong siya nang ama.
“dad.. why are you here? tanong niya sa ama habang humahalik sa pisnge nito.
“sumama kasi ang pakiramdam ko.. pero okay na ako. niyakap siya nito.
“okay dad mag bibihis lang ako sa room ko.. paalam niya sa ama nang makitang palapit na si axil sa kanila. umiiwas siya. para kasing tambol ang dibdib niya sa munting presinsya nito. naiinis siya sa sarili.
pag dating sa main door nilingon pa niya ang dalawa. mukang seryoso ang pinag uusapan nang mga ito, naka akbay pa ang dad niya kay axil at para bang may importante itong sinasabi sa lalaki.
“anu naman kaya iyon? mukang seryoso.
nag kibit balikat nalang siya saka dumiritso na sa kwarto.
πŸ’₯FIVE
NAGKAKASAYAHAN silang magkapatid nang pumasok sa kwarto ang kanyang ama. tanghali na nuon. bonding nilang magkapatid ang kumanta dahil pariho silang may magandang boses na namana nila mula sa butihing ama.
dati siyang vocalist sa isang Banda noong nasa high school palang siya. at dahil dun kumikita siya nang pera. malaking tulong iyon sa pag aaral niya. Pero pagud at puyat ang kalaban nila kaya naman huminto siya nang tumongtung siya nang kolehiyo.
nakatapos siya nang korsong automotive pero sa halip na mag aply sa kompanya ay tinutulungan nalang niya mapalago ang business ng kanyang ama na talaga namang naging insperasyon niya para makapag tapos ng pag aaral. at kahit hindi naman sila mayaman atleast nakakaraos naman sila araw-araw.
malaki din naman ang offer ni sir fred na twenty five thousand per month kaya kumagat na siyang ipag maneho ang mataray nitong anak. kahit araw-araw pa siya nitong awayin.
“mukhang nagkakasiyahan kayo nak ah..! puna nang ama nila nang sumilip sa kwarto nilang magkapatid.
“halika tay sabayan mo Kami ni kuya kumanta. ani jiNo.
“naku mga anak hindi ako tumatanggi pag dating sa kantahan. natatawang pumasok ang kanilang ama sa kwarto nilang magkapatid.
kapag linggo sinasara nito ang shop upang makapag Simba sila ng sabay-sabay at dahil araw nang linggo iyon may time ito para sa kanila. sugsug kasi din ito sa trabaho mula lunes hanggang sabado lalo ngayong wala siya. kumuha ito nang isang makaktulong sa pag kukumpuni nang mga sasakyan.
nagsimula nang patunugin ni axil ang gitara. isa iyon sa pinaka gusto niyang gawin pag nag papahinga silang mag pamilya.. bonding din nilang mag aama ang mag kantahan.
paborito nitong kantahin ang kantang pinamagatang “LADY” na kinanta nang isang singer na si Kenny roger inaalay iyon ng ama nila para sa butihin nilang ina.
“lady I’m your knight in shining armor
and i love you.
you have made me what i am,
and im yours..
my love theres so many ways
i want to say i love you
let me hold you in my arms
for evermore
nag simulang kumanta ang kanyang ama sa malamig at malambot na boses. habang siya nama’y nag gigitara. sinisyasan nito si jino na siyang kumanta sa sunod na linya. nag approved naman ang kapatid niya.
“you have gone, and made me such
a foo, l im so lost in your love
and ohh, we belong together
won’t you believe in my
soul,
matapos kantahin ni jino ang sunod na lyrics ay tinuro naman siya nang ama na nag sasabing siya ang sunod na kumanta. wala pamay pumalakpak na ang kapatid dahil Alam nitong mas maganda ang boses niya sa dalawa.
mayabang niyang nginitian habang kinikindatan ang dalawa saka bumwelo para kumanta.
“lady for so many years i thought
i never found you,
you have come into my life
made me whole
let me wake to see you each
every morning, let me hear
you whisper softly
in my ear,
pagkatapos nang stansang iyon ay sabay-sabay nilang kinantang tatlo ang pinaka huling lyrics.
“in my eyes i se no one else
but you, theres no love like our love
and yes, oh yes, ill always want
you near me
I’ve waited for you for so long
lady when you love
the only love i need
and besides me is we
i want you to be, couse
my love there’s something
i want you to know
your the love of my life
your my lady..
pagkatapos nang madamdaming kantang iyon ay napansin nilang umiiyak ang kanyang ina habang nakatayo sa may pintuan at pinapanuod sila. pumalakpak itong nagpapahid nang luha habang papasok nang kwarto.
lumapit ito sa ama nila at yumakap.
sininyasan niya ang kapatid na lumabas Muna sila sa kwartong iyon para mapag isa ang mga magulang nila.
marami sigurong masasayang alaala na pumasok sa kanilang ina habang kinakanta nilang tatlo ang teamsong nang mga ito.
“ayyeeeeii…si inay pabebe.. mapang asar na sabi ni jiro na tinawanan nang kanilang ama habang yakap ang asawa.
dumiritso sila sa sofa habang bitbit parin ang kanyang gitara. muling pinatugtug iyon at kumanta Naman ang kanyang kapatid na sadyang binago ang lyrics para asarin ang iyaking ina.
Maya-maya lumabas ang dalawang sa kwarto.. hindi na umiiyak ang kanilang ina. galit na ito.
“wala Kang baon bukas jiro.. anito sa kapatid niya. na dumiritso sa kusina.
“inay naman joke lang yun… na ang tinutukoy nito ang pang aasar sa ina. sinundan ito sa kusina sabay yakap sa ina.
nagkatinginan silang mag ama at sabay na humagalpak nang tawa.
pagkatapos nilang magsimba kumain sila sa labas tulad nang nakasanayan na nilang gawin, namasyal saglit saka dumiritso na sa bahay.. nagpapahinga ang kanilang magulang sa kwarto habang siya nama’y nag simulang mag impaki nang mga gamit na dadalhin patungong subic.
abala naman si jiro sa cellphone nito.
“Sino to kuya? ang ganda!!!! palatak ni jiro habang nanlalaki ang mga mata.
pahablot niyang inagaw ang cellphone ng mapag alamang kanya pala ang hawak nito.
“kalalaking tao tsismoso. aniyang habang nilalagyan nang password ang cellphone.
si jewel ang tinutukoy nito. patago niyang kinukuhanan nang litrato ang modelo para pag masdan bago matulog.
“umamin ka nga kuya si ate jewel ba yan? tanong nito na hindi niya sinagot.
tumayo ito sa harapan niya saka kumanta.
Ooh,,, i love you…
ohhh, my jewel..
mabilis niyang tinakpan ang bibig nito at baka umabot ang boses nito sa kwarto nang magulang.
“sabihin mo Kasi kuya kung sino yun… natatawang sabi nito
wala siyang tiwala sa kapatid hindi ito pweding sabihan nang secreto kaya bumunot siya ng isang libo sa walet. at ini abot dito.
“oh.. hayan baon mo.. manahimik kana kung ayaw mong bawiin ko yan.
mabilis siya nitong yumakap.
“i love you kuya… yes may baon na ko!!!
nagmammadali itong lumabas nang kwarto. napapailing na itinuloy niya ang ginagawa.
Con…






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. What i do not realize is actually how you are not really much more well-liked than you might be right now. You are very intelligent. You realize therefore significantly relating to this subject, produced me personally consider it from numerous varied angles. Its like men and women arent fascinated unless it is one thing to accomplish with Lady gaga! Your own stuffs outstanding. Always maintain it up!

  2. I think this is among the most vital information for me. And im glad reading your article. But want to remark on some general things, The site style is ideal, the articles is really great : D. Good job, cheers

Leave a Reply


top