ANG BABAENG NABALIW NANG DAHIL SA PAG-IBIG


By: Kim Elvina
[Take time to read]
*********************
Ako si Grace at si Jason naman ang boyfriend ko for almost 6 years.
Mahal na mahal namin ang isa’t isa, hindi ko siya kayang iwan at gano’n rin naman siya sa’kin.
“Mahal na mahal kita Jason, huwag na huwag mo akong lolokohin ha?”
“Mahal na mahal rin kita at hinding-hindi ko magagawa ‘yon.”
“Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa’kin ikaw lang ang gusto kong pakasalan,”
“Ako rin Grace ikaw lang ang mahal ko,”
————
Lumipas ang mga araw na masaya ngunit ika-nga nila lahat ng saya ay may kaakibat na kalungkutan.
“Anak? Alam mo bang ikakasal na si Jason?” Bigla akong napatayo sa kama ko ng sabihin ‘yon ni mama.
“Totoo ba ‘yan ma!?” Bulalas ko.
“Oo anak.” Yumuko si mama at halata mo ang lungkot sa mukha niya.
Natulala ako at parang hindi magsink-in sa isipan ko ang sinabi ni mama. Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko saka ulit bumaling kay mama.
“K-Kanino daw ma?” Nakatulala ngunit umiiyak kong tanong.
“K-Kay Alicia,” sagot ni mama na mas lalong nagpaiyak sa’kin.
Napapikit ako at parang nahihirapang huminga dahil sa iyak.
Umagang-umaga ito na agad ang bubungad sa’kin? Na ikakasal na ang taong mahal ko at sa kaibigab ko pa? Hahaha.
Tahimik akong umiyak at bigla naman akong niyakap ni mama.
“Shhh, pasensiya na anak wala tayong m-magagawa tradisyon natin iyon eh,” pagalo niya sa’kin kaya mas lalo pa kong umiyak.
‘Yon nga eh tradisyon kaya’t wala talaga akong magagawa kung hindi ang tanggapin nalang.
———————
Dumating ang araw ng kasal ni Jason at Alicia, invited ako siyempre dahil kaibigan ko ang ikakasal.
Inayos ko muna ang sarili ko. . . Ayaw kong ipahalatang umiyak ako.
Ang sakit makitang ang taong mahal ko no’ng nakaraang linggo ngayon kasal na sa ibang tao at ang masakit sa kaibigan ko pa.
Nanginginig akong lumapit sa kanila. . . Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko.
Nang makalapit na ako’y agad rin akong ngumiti ng malapad na para bang wala lang sa’kin ‘to.
Kalma kaya ko ‘to!
“C-CONGRATS!” Nakangiti kong bati sa kanila saka yumakap.
“Salamat bes, Halika picture tayo!” Masayang ani ni Alicia.
Napatingin ako kay Jason at kita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nakatingin sa’kin. Nilakasan ko ang loob ko at...


saka ngumiti sa kaniya.
“CONGRATS!” napaiwas naman siya ng tingin.
“S-Salamat,” nang sagutin niya ako ng gano’n parang babagsak na ang luha ko dahil ang sakit lang pero kailangan ko munang magpakatatag matatapos rin ‘to.
Lumakad na ako papunta sa Gilid nila at saka ngumiti sa Camera.
Mukha akong masaya sa camera pero sa kaloob-looban ko, ako’y durog-na-durog na.
————
Ilang araw na ang nakalipas matapos ang masakit na kasal na nasaksihan ko sa tanang buhay ko.
Ilang araw na rin akong tulala, malalim ang iniisip, umiiyak ng walang boses, nakatingin sa kawalan, hindi kumakain ng maayos at parang nasisiraan na ng ulo.
“A-Anak?” Tulala akong tumingin kay mama. Naka-upo ako ngayon sa sahig at parang wala sa sariling nakayakap sa tuhod.
“A-Anak nahihirapan akong makita kang ganiyan– k-kumain kana oh,” naiiyak na ani ni mama saka ako nilapitan at hinaplos-haplos ang buhok.
“M-Mama?” Nakatulalang tawag ko.
“Hmm?”
“M-Mama? Mahal a-ako ni J-Jason diba? ‘Di niya a-ako iiwan ‘di ba? A-Ako ang pakakasalan n-niya no’n eh? K-Kami dapat ‘yon ‘di ba ma? M-Mama! S-Sabihin mo naman oh! M-Mahal na M-mahal niya ako ‘di ba!? A-Alam niyo ‘yon ma! S-Siya lang ang mahal k-ko s-siya lang rin ang gusto ko ma!” Sabi ko habang hinihigit ang laylayan ng damit ni mama at nakatulalang umiiyak.
“A-Anak p-please? Tama na oh, kasal na siya sa iba anak h-huwag ka nang ganiyan nasasaktan ang mama’t papa mo nawawala kana sa katinuan nang dahil sa pag-ibig na ‘yan!” Niyakap ako ni mama. Umiiyak na rin siya.
Bigla namang sumulpot si papa sa likod ni mama agad akong nakipag-hiwalay sa yakap at bumaling kay papa.
“Papa? Gusto mo ikuwento ko ang l-love story namin ni J-Jason?” Nakangiti pero umiiyak ko paring ani. Tumango si papa at halata mong awang-awa siya sa’kin.
Kinuwento ko nga sa kaniya ‘yon na para bang ‘yon ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko.
“Mahal na mahal ko siya,” nakangiti kong aniya habang tulala at yakap-yakap ang tuhod ko.
“Sabi niya ‘di niya ako iiwan,”
“S-Sobrang masakit Ma, Pa, na ang mahal mo nakikita mong ikinasal sa iba,” tulala kong aniya.
“A-Anak tama na,” niyakap ako ni mama ng mahigpit. Napapikit naman ako at pinabayaang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
AKO LANG NAMAN ANG BABAENG NABALIW NANG DAHIL SA PAG-IBIG.
-End-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top