✍ Shortie Wrìtès
👉COMEDY👈
“Nescafe o Kopiko?”
Masyadong seryoso itong tindero na ito, pakiramdam ko ay pasan nya ang problema sa mundo dinaig pa si Duterte eh. Ngayon ko lang sya nakita dito, bago ba sya? He look like just about my age.
“Great taste choco po kuya”
medyo natatawa kong sagot,napakamot naman sya sa batok, kyah kyut ni kuya pramis!
“Ano pang bibilihin mo” nakangiti nitong saad. Nahuli nya ang mga titig ko kaya agad akong napayuko. Enebey. Rawr.
“Ikaw sana”
*mental slap*
Napakagat labi ako sa kalandian ko. Pati sya ay nagulat at napakamot sa kilay. Hawtt.
” A-ano joke lang, hehe wala na akong bibilihin”
Pigil hinga kong bawi sa sinabi ko. Pasimple kong kinurot ang sarili ko dahil sa kahihiyan.
Phew! Anlandi mo Marinella!
Pero para takpan ang kahihiyang iyon ay nakaisip muli ako ng kalokohan .
“Kuya PERA o AKO?”
Pa cute kong saad habang nakangiti, napansin ko ang pamumula ng tenga at leeg nya. Kyah kinikilig ba sya???
Ngunit bago pa sya makasagot ay ibinaba ko na ang bayad sabay takbo pauwi.
“Oh bakit naman para kang hinabol ng aso?” Tanong ni mama.
Sapu sapu ko ang dibdib ko dahil sa pagod.
” Hinahabol ako ng mga puso Ma” nagda drama kong wika habang uma aktong mahihimatay.
“Ampogi ng tao sa tindahan noh” ani mama habang nag tutwinkle ang mata
Oh ngayon alam nyo na kung saan ko namana kalandian ko? Hshs.
Mamaya...