ISANG MALING NAGAWA KATUMBAS NG MILYONG MASASAKIT NA SALITA


“Palagi ka na lang nakaasa sa ‘kin!,”
“Matuto ka namang gumaod para sa sarili mo!,”
“Ang tanda tanda mo na hirap ka pa rin umintindi!,”
Mahirap magkamali lalo na sa mata ng mga taong mali mo lang ang s’yang napupuna.
“Dahil sa kalandian mo, nagpabuntis ka pa sa kung sinu-sinong lalaki d’yan na hindi ka naman kayang panagutan,”
Napalunok na lang ako habang hinehele ang 1 month old baby ko nang marinig ang bulyaw ni Mama sa ‘kin. Kanina pa kasi umiiyak ang anak ko at hindi ko na ‘rin alam ang gagawin.
“Shhhh baby, tahan na. Shhhh!,”
“Tingnan mo ngayon, imbes na nag aarala ka o ano? nganga! nagpapatulog ka ng anak mong maligaleg!,” bulyaw muli ni Mama.
Halos araw araw ko namang naririnig sa kaniya ang mga katagang ‘yon pero paulit ulit pa rin akong nasasaktan. Hindi pa rin ako nasasanay.
“Hindi ko naman po ginusto, Ma,” mahinahon kong tugon.
“Hindi ginusto? Eh ano ‘yan? Bakit may bunga? Bakit may sanggol kung hindi mo ginusto?! Palibhasa bobo ka! Wala kang pag-iingat!,” galit na tugon niya.
Yumuko ako at hinayaang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi naman ganito ang pakikitungo sa ‘kin ni Mama nung nag aaral pa lang ako pero mula ng ipanganak ko ang sanggol na ‘to ay nag iba ang trato niya sa akin.
Hindi isang anak kun’di isang hayop, alipin, alila.
“Oy Tarsing kamusta ka na? Tagal natin ‘di nagkita ah. Sino ‘yan anak mo?,” sabay turo sa akin ng isang babae.
“Ha? Hindi ah! Bagong kasambahay namin,” pag tanggi ni Mama sa akin.
Wala ng sasakit pa na itanggi ka ng nanay mo sa ibang tao.
Sinusubukan ko namang mapalapit sa kaniya ulit tulad ng dati pero si Mama na ang kusang lumalayo sa ‘kin. Para akong may malubhang sakit na nakakahawa na hindi dapat lapitan.
“Ma? Nakapasa po ako sa bar exam,” nagtatatalon kong tugon kay Mama.
“Oh? Edi mabuti,”
“Para sainyo ‘to Ma....


Katulad ng pangarap niyo na maging isang doctor, ako ang tutupad ng pangarap na hind niyo nakamit,” nakangiting tugon ko.
“H’wag kang mag salita ng tapos, Diane. Matagal mo na akong nabigo kaya hindi ko na gustong makita ang deploma mo,” tugon niya at binangga ang balikat ko.
Kahit minsan ay hindi niya pinakinggan ang mga paliwanag ko, ang mga dahilan at mga pagpapatawad na hinihingi ko. Para s’yang nabinggi.
“Tito h’wag ngayon,” walang emosyong tugon ko ng maramdaman ang paghinga niya sa balikat ko.
“Tapang mo naman, bakit may magagawa ka ba?,”
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
“Ano ba, tama na! Napakababoy mo!,” umiiyak kong tugon. Wala si Mama kaya walang pwedeng tumulong sa akin.
Pinilipt kong makawala nang marinig ang iyak ng anak ko. Sinampal ko siya at nanakbo para kunin ang baby ko pero hinigit niya ang buhok ko at sinikmuraan ako.
Wala na akong nagawa at naisagawa niya na naman ang maitim niyang balak.
“Diane! Diane buksan mo ‘tong pintuan,”
Dinig ko ang namamaos na boses ni Mama. Umiiyak siya at pinipilit akong buksan ang pintuan pero hindi, sigurado na ako.
“Patawad anak, magusap tayo. Alam ko na ang lahat, alam ko na ang ginawa sayo ng tito mo, patawarin mo si Mama,”
“Buksan mo ang pinto. Tutulungan ka ni Mama,” dugtong niya pa.
Hawak ko na ang lubid at handa ng itulak ng mga paa ko ang upuan.
“Hindi mo ako pinakinggan, Ma. Inuna mong husgahan ako, hindi mo manlang inalam ang totoong nangyari. Hinayaan mo akong mag-isa sa madilim na kwarto’ng ‘yon. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ‘yon, hindi na, Ma! Pagod na pagod na ang katawan ko, binaboy niya ako!,–”
Dinig ko ang iyak ng anak ko na naghahabol ng hininga habang nakasabit sa lubid. Isasama ko s’ya ayokong maiwan siya sa mundong ‘to.
Sinipa ko na ang upuan at sabay kaming nawalan ng hininga.
Tired of being the one who keeps trying.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top