Fallen for Grace Part 1


Hindi namin gusto ang mga mangyayari, pero kagaya po ng sabi ko, may ibinigay lang pong trabaho sa amin.
Wala hong personalan.”
May isang bahagi ng isispan ni Mary Grace ang naiintindihan ang mga sinasabi ng lalaki. Alam niyang ginagawa lang nito ang trabaho. Nakikita niyang Hindi Naman ito heartless at mukhang totoo ang sinasabi na magiging mahirap din para sa mga ito ang kailangang gawin.
“Maintindihan n’yo rin po Sana na ginagawa ko rin lang ang kailangan Kong gawin,” sagot ni Mary Grace. “Hindi ko hahayaang i-demolish ang komunidad na ito. Wala rin hong...


personalan.”
Marahas uling napabuntong-hininga ang leader. “Ma’am, huwag napo Sana nating palalain pa ang sitwasyon. Huwag na ho sana nating hayaan na magkasakitan pa ang mga tao.”
“Saan pupunta ang mga tao sa komunidad na ito? Saan sila maninirahan? Makakatulog ba kayo sa gabi knowing na may mga taong nawalan ng bubong na masisilungan?” Tanong ni Mary Grace.
“Tama!” Sigaw ng isang ginang sa kanyang likuran.
“Hindi namin basta-basta na lang isusuko ang lugar na ito.
Hindi n’yo kami matitinag.”
Nilingon ni Mary Grace ang mga kasama.
Binarikadahan nila ang entrada ng kanilang komunidad…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top