woman in love “chapter 1”


woman in love
“chapter 1”
Bakit kailangang doon pa ako tumira kay tita Rachel habang nasa amerika ka. tita Danna? may tampo sa tinig na tanong ni Anna Maris Sandoval sa tiyahin.
Mas mapapanatag kasi ako sa aking pupuntahan kung nandoon ka sa kanya, katwiran nito na nasa tinig ang pangungumbinsing pumayag siya.
Maari mo naman akong isama sa amerika kung gugustuhin mo, tita.
Nawalan ito ng kibo.
hija, sayang naman ang natapos mo kung hindi mo mapapakinabangan dito sa pilipinas. find a job, utos nito.
napatitig siya dito ng matagal. tapos nga siya ng accountancy course at hindi mahirap para sa kanya ang makahanap ng trabaho pero ang malayo sa taong nakasama na niya sa loob ng twenty one years ay hindi yata niya kaya.
Tell me the thruth. Tita Danna. Ano ang talagang sadya mo sa amerika? tanong niya na nasa tinig ang determinasyong malaman ang tunay na dahilan ng tiyahin.
K-kuwan, gusto kong doon magpagamot.
Bakit sa Amerika pa? malala na ba ang sakit mo?
Hindi. agad nitong sagot. Moderno...


kasi ro’n.
saka ito ngumiti. at nandoon nama ang iyong tita Rea at tito Nes ang tinutukoy nito ay ang mga kapatid.
Kapatid ng kanyang ama si Danna at si Rachel naman ay kapatid ng kanyang ina.
Nilapitan siya nito at hinaplos ang maitim at unat na buhok na hanggang beywang ang haba.
Huwag kang mag alala sa akin. im sure . hindi nila ako pababayaan.
kayo na ngang bahala. matamlay niyang sagot.
niyakap siya nito. ayaw mo bang makasama si Anna Marie? tanong nito na ang tinutukoy ang kanyang identecal twin. kumalas siya sa pagkakayakap ng tiyahin.
Hindi ako sanay na kasama siya sa iisang bobong, tita.
Panahon na sigurong magkasama kayo, nakangiti nitong sagot. mag impake ka na. Maaga tayong luluwas ng maynila. ihahatid kita sa bahay ng iyong tita Rachel.
napatango na lamang siya bilang pagsang ayon.
Malapit lamangang Cebu sa Maynila pero dahil parehong abala sa trabaho ang kanyang dalawang tiyahin ay madalang pa sa patak ng ulan kung magkita kita sila.
kumusta na kaya ang kapatid kong iyon?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top