MGA PUSO NATING NAGTUTUGMA PERO HINDI PINAGBIGYAN NI TADHANA


MGA PUSO NATING NAGTUTUGMA PERO HINDI PINAGBIGYAN NI TADHANA
SINULAT NI: Sophia Bianca
Photo not mine po.
CTTO.
I’m Irish and I have a boyfriend. His name is Jastine. We’re only 14 years old nung niligawan niya ako. Naging patago ang panliligaw niya dahil strikto sina Mama at Papa. Buti na lang talaga at matyaga siyang tao. Naiintindihan niya ang sitwasyon ko sa mga panahon na ‘yun. Tanging tatlong kaibigan ko lang ang nakaalam ng relasyon meron kami.
Dumating naman sa point na umiyak sa harap ko si Jastine dahil nga ayaw niya akong nakikitang nasa mahirap na sitwasyon.
“Irish ayaw kong sumuway ka kina Tita para lang sa akin. Huwag. Huwag kang mag-alala, maghihintay naman ako para sa’yo eh kung hindi ka pa talaga handa,” wika niya habang umiiyak sa harap ko.
“Napaka-worth it mo para hindi ka maging parte ng buhay ko Jastine. Sumuway na kung sumuway pero sigurado ako sa’yo.”
Medyo corny para sa iba pero walang nakapigil sa nararamdamn namin. Sinunod namin ‘yung nararamdaman namin at worth it naman nga.
Si Jastine, si Jastine ‘yung nasa tabi ko habang umiiyak ako sa hindi ko pagpanalo sa isang competition. Puro sermon ang binigay sa akin nina Mama noon pero si Jastine sobrang proud pa sa akin.
Sumuway ako kina Mama at Papa pero sa pagsaway kong ‘yon, hindi naman ako naging pabaya sa pag-aaral bagkus ay mas pinagbutihan ko pa ang pag-aaral ko kahit minsan nape-pressure na ako. Alam ko ang limitasyon ko sa mga oras na iyon kahit ang bata pa namin ni Jastine that time. Maybe sasabihin ng iba na napakasaway kong bata pero wala eh, kay Jastine ko nahanap ang tahanan. He never made me feel that I’m alone in every battle.
Halos lahat nga ay patago. Masakit para sa akin ‘yun, iyong hindi ko siya maipagmalaki sa lahat pero hindi naman ako nagkulang na iparamdam sa kaniya na sobrang swerte ko sa kaniya.
I love him so much kahit pa ang bata pa namin noon. Imagine 14 years old kami noon but napaka-seryoso namin sa isat isa. Sabihin man ng iba na masyado pa kaming bata para sa relasyon, hindi namin ininda iyon kase alam namin na totoo kami. Maaring hindi pa kami ganun matured mag-isip pero alam ninyo kung ano ‘yung naging nagpatatag sa’min? Iyon ay ang kahit kailan, hindi namin iniwan ang isa’t-isa. Oo hindi kami naging perpekto pero ang mahalag is nag grow kami together. Sa kaniya ko nalaman ang totoong definition ng relasyon at pagmamahal.
Umabot ang relasyon namin ng apat na taon and we’re now stronger than before kahit patago ang relasyon meron kami. Oo patago pa rin ang relasyon na meron kami dahil isang pagbabawal nina Mama ang pumasok ako sa isang bagay nap masyado pang maaga.
We’re now 18 years old.
“Kailan kaya tayo magiging malaya no? ‘Yung mapupuntahan kita sa inyo anytime. Iyong mahahawakan ko ang kamay mo sa harap ng lahat ng taong makakakita sa atin. Iyong makakapag-mano ako sa mga magulang mo. Iyong maipagmamalaki kita sa lahat,” boses ni Jastine sa napaka-seryoso. Nakaramdam ako ng awa sa tono niya kaya agad ko siyang niyakap.
“Darating din tayo d’yan,” wika ko. Andito kami sa classroom at kami na lang dalwa. Baka kase may makahalata sa amin.
“Sana nga. I can’t wait Love,”
And he kissed my hand habang ngumingiti sa akin.
“Sa ngayon, mag-review muna tayo ha,” pagiiba ko ng usapan bago siya nginitian.
Wala akong pinagsisihan. Ni kahit kalian ay hindi ko ata pinagsisihan na pinapasok ko sa buhay ko si Jastine sa maling panahon.
“May pinabigay akong tsokolate kay Kitty, natanggap mo ba Love?” tanong ni Jastine mula sa kabilang linya ng tawag.
“Yes Love. Thank you so much. I love you!” pabulong kong sagot dahil baka magising sina Mama sa kabilang kwarto.
“I love you more. Sige na it’s time to sleep na. Bye Love. Payakap!” malambing niyang boses na halatang inaatok na.
Ang sarap pakinggan ng boses niya. Parang mawawala lahat ng stress.
“Good night Love.”
Kumapit kami sa tiwala sa isa’t isa. Mas nag-matured kami mag-isip dahil sa experience. Pinakilala nga ako ni Jastine sa mga magulang niya. Matagal na talaga dapat niya akong ipapakilala eh kaso hindi ako pumayag dahil nga sa takot na baka malaman iyon nina Mama.
“Nay, Tay ang napakaganda ko nga po palang girlfriend, si Irish.”
Halos abot langit ang ngiti ko nung marinig iyon mula sa kaniya. Ramdam ko ‘yung word na pinagmamalaki niya ako.
“Iyan ba anak ‘yung Irish na bukang bibig mo noon pa man?” tanong ng Tatay niya. Halos mamula ang pisnge ko. Hindi ako nagkamali sa taong pinili ko. Simula noon hanggang ngayon, walang nagbago.
Dumating din ‘yung araw na pinakilala ko na din si Jastine sa bahay ng may lakas ng loob pero naduwag na naman ako sa huli.
“Mama, Papa, si Jastine nga po pala.”
“Boyfriend mo?” tanong agad ni Papa na kanina pang iba ang mood. Doon ako mas lalong kinabahan kaya naduwag na naman ako.
“Best friend ko po.”
Halos magalit ako ng lubusan sa sarili ko nung nasabi ko ‘yun. Jastine looked at me with his serious face. Na-guilty ako kase nasaktan ko ang damdamin niya.
“Hello po Tita, Tito.”
Pagkatapos agad naming kumain, kinausap ko siya. Ito na naman ang mga iyak ko.
“Love sorry sa kanina,” halos hindi ako makatingin sa mukha niya dahil ang sikip sa dibdib na ‘yung taong mahal ko tinan0ggi ko.
“Ano yun? ‘Yung tinanggi mo ako sa...


kanila?” tanong niya mula sa kakaibang boses.
“Love sana maintindihan mo naman. Nagawa ko lang naman ‘yun kase kapag nalaman nila may relasyon tayo, ilalayo ka nila sakin. Hindi ko kaya,” patago ko na namang iyak dahil nasa salas lang kami..
Huminga siya ng malalim bago ako niyakap.
“Okay, I understand.”
“Love sorry talaga ha,” ulit ko pa.
“Okay. Tumahan kana d’yan. Naiintindihan ko.”
Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Ang tanga-tanga ko, ang duwag ko.
Lumipas ang tatlong buwan, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang itago ang lalaking handang ipagsigawan ako sa mundo kaya naman sinabi ko na kina Mama.
“Irish naman! Magbo boyfriend ka na nga lang, don pa sa isang katulad ni Jastine!” sigaw ni Mama sa harap ko.
Harap harapan ‘yung sinabi ni Mama na hindi ko alam na nasa tapat pala ng pinto si Jastine.
Agad tumakbo si Jastine ng umiiyak kaya agad ko siyang sinundan. Ang gulo ng isip ko. Ang sakit. Ayaw ko makita si Jastine na ganito. Ako ‘yung nahihirapan.
“Love! Hintayin mo naman ako please?” sigaw ko na parang mapapaos na.
Nagmamahal lang naman ako ah, bakit ganito pa kadaya ang tadhana?
“Love bumalik ka na sa inyo, hayaan mo na ako. Tama nga siguro ‘yung Mama mo na hindi ako bagay sa’yo.”
Halos madurog ako nung sinabi niya iyon. Alam kong nasasaktan siya ng sobra. Yayakapin ko pa sana siya nang bigla siyang umatras.
“Irish naipaglaban mo na ang nararamdaman mo para sa akin. Huwag mo na ako ipaglaban sa kanila kase kahit anong gawin natin, hindi din naman nila ako matatanggap eh.”
Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng paghagulhol niya sa iyak. Ang sakit. Ang sakit makita na ganito siya.
“Jastine no. I can’t. Jastine ‘yan ang hindi mo alam. Justine wala kang alam kung paano kita ipaglaban! Kase masakit din para sa akin na kung ano ano ang pinagsasabi sabi nila sayo! Akala mo ba ganun lang kadali ‘yun?”
I can’t believe na aabot kami sa ganito. Bakit sa amin pap nangyayare ‘to?
“Pero Irish..” hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya dahil agad na akong tumakbo palayo. Ang bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit ang daya ng tadhana pagdating sa amin ni Jastine. Ano bang ginawa kong masama? Masama ba na ipaglaban ‘yung totoo nating nararamdaman?
Isang Linggo akong umiwas mula sa pagpaparamdam niya pero makalipas ang limang araw, walang Jastine ang nagparamdam.
Sinukuan na niya ba ako ng tuluyan? Paulit-ulit kong tanong iyon sa0 sarili.
Hanggang sa isang araw may natanggap akong message mula sa Nanay ni Jastine.
Halos mapaupo ako sa daan nung nabasa ko ang message ni Tita habang naglalakad ako.
Hindi pupwede. Hindi!
Walang pagdadalwang isip, mabilis akong pumunta sa bahay nila. Sobrang miss ko na siya.
Bumungad sa akin si Jastine na nakahiga sa kama, mahina ang katawan. Halos hindi ako makahinga habang pinagmamasdan siya. Ang sakit. Agad ko siyang niyakap at ganun din siya.
Doon kami nakapag-usap ng maayos.
“Alam mo kung bakit kita niligawan ng maaga? Alam mo kung bakit kita niligawan kahit ang bata pa natin noon? Kase gusto ko na makasama ka sa mas matagal na panahaon.”
Nagtaka ako. Anong ibig niyang sabihin?
“Anong ibig mong sabihin?”
Kusang tumulo ang luha ko.
“Kase Love, may sakit ako. Sa ngayon, napupuno na daw ng tubig ang baga ko kaya walang kasiguraduhan kung hanggang kelan pa ako mananatili dito.”
“Jastine bakit ngayon mo lang sinabi? Nagsinungaling ka sa’kin. Bakit? Bakit? Ang daya mo naman eh! Love hindi ko kaya!”
Niyakap niya ako para pakalmahin.
“Siguro kaya nga ang daming hadlang sa pagmamahal natin eh kase nga hindi talaga ako yung para sa’yo. Siguro nga hindi ako ang nararapat para sa’yo.At kahit kailan hindi natin kayang ipagsigawan sa lahat na nagmamahalan tayo.”
Napatulala ako at doon dumaloy ang mga luha kong hindi mapigilan.
“Ayaw ko na mas lalo pang sumakit ‘yang ulo mo Irish so please let me go. Hayaan mo na lang ako. Sundin mo yung mga magulang mo at umalis ka na. Ayaw kong nakikita kang ganyan na lugmok ng dahil lang sa akin. So please umalis ka na,” wika niya habang nagsisimula na ding tumulo ang mga luha niya.
Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang iwan eh.
“Love walang iwanan hindi ba? Ngayon pa ba tayo susuko? No, kaya ipaglalaban kita. Ni hindi mo nga ako iniwan sa mga oras na ang tanga tanga ko kase tinanggi kita tapos iiwanan lang kita? Hindi na. Hindi ko kayang dagdagan ang kasalanan na ginawa ko sayo. I love you so much!” sagot ko bago uli siya niyakap ng mas mahigpit.
“Masaya ako na ikaw ‘yung babaeng minahal ko. Love promise me na ga-Graduate ka ha. And isa pa, mahalin mo sina Tita ng sobra. Sabihin mo sa kanila, sorry.”
Akala ko madami pang oras pero hindi pala.
Jastine died.
Iyon ang pinaka masakit na nangyare sa buhay ko. Halos malugmok ako at magwala nung araw na sumuko siya, iniwan niya ako mag-isa. Ni ayaw ko na mawala ang kabaong niya sa harap ko. Ni ayaw ko na hindi ko siya nakikita. I’m so lost. Parang nawala ‘yung kalhati ng buhay ko.
“Jastine mahal na mahal kita! Sana naririnig mo ako ngayon! Love magpkita ka naman sa panaginp ko oh! ” sigaw ko sa tuktok ng bundok. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak.
Ang daming nangyare pero kahit ganun kailanman ay hindi mawawala at mabubura ang ala-ala naming dalwa.
Hanggang sa muli, Love.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top