CRAZY EX-WIFE CHAPTER 7


CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 7
– LARA –
Nanginginig Ang mga kamay ko habang kumukuha ng gamit para Kay Lorraine at sa anak nya. Katatapos ko Lang makatanggap ng tawag galing sa doktor tungkol sa kalagayan ni Lorraine ngayon. Paulit-ulit akong nagdadasal para sa kaligtasan nila. Nakalimutan ko pa Kung San ko nailapag Ang Susi ng sasakyan ko.
” Ngayon pa! Magpakita kana sakin! ” Natataranta nako sa pagmamadali
” Lara! Sakin kana sumakay papuntang hospital matatagalan lang Kung maghahanap kapa”
” Mabuti nalang dumating ka alex salamat ha? ”
Alam Kong dapat maging kalmado lang ako pero hindi ko talaga maiwasang matakot sa pwedeng mangyare. Pumunta agad ako Kay Doc Ben pagkarating ko sa hospital
” Lara, bakit ngayon kalang ? Sabi nya sakin saglit Lang syA dahil tatawagan ka nya pero Hindi na syA bumalik sakin. Mabuti nalang may nakakita sa kanya sa labas ng comfort room”
” Wala akong natanggap na tawag galing sa kanya . Anong nangyare sa kanya? Kamusta na syA? ”
” Wala syang Malay. Tumaas Ang blood pressure nya at kelangan na namin syang icaesarian pero kelangan mo munang pirmahan Ito. Alam mo naman Kung para San yan Diba? Ikaw naman Ang nag-aalaga sa kanya Kaya sayo ko na binigay Yan ”
Tumulo Ang luha ko sa Nabasa ko at Kung para San Ito. Gusto nilang Wala Silang maging sagutin Kung sakaling may mangyare Kay Lorraine
” Doc hindi ko pipirmahan to. Gawin nyo lahat ng makakaya nyo. Kahit magkano babayad ako iligtas nyo Lang si Lorraine at anak nya. ” Hinagis ko Ang papel at sinubukang pumasok sa loob ng operating room pero Hindi Nila ako pinayagan.
” Gagawin namin lahat pero Hindi namin maipapangako Ang pwede mangyare dahil tao Lang din kami. Hindi namin kayang dugtungan Ang buhay nya Kung sakali”
” Hindi ko kelangan ng Ibang sasabihin mo. Do your job now! ” Hindi ko man gustong umasta ng ganito Hindi ko mapigilan dahil sa labis na pag-aalala.
” Relax Lara. Magdasal nalang tayo” mabuti nalang talaga at nasa tabi ko si Alex ngayon
– MARK-
Masaya ako at hindi maselan Ang pagbubuntis ni Jane Kaya wala akong dapat ikatakot
” Jane kailangan mo parin mag ingat kahit walang problema Ang baby natin. Umiwas kana Rin sa mga junk foods mahilig ka pa naman sa maaalat na pagkain. Masama yon ok? ”
.
” Pwede naman siguro kahit minsan ”
” Anong pwede? Ang kakainin mo mga masusustansyang pagkain para healthy si baby. Prutas at gulay lang kainin mo wag mo ding kalimutan uminom ng vitamins mo”
” Napaka caring naman talaga. Ang tanga Lang ng Ex wife mo no ? Hindi ka iningatan at hindi nya pa pinahalagahan Yung pangarap mo Yan tuloy nawala ka sa kanya . Anak Lang pala gusto mo tatanga-tanga pa sya! Tama Ang ate mo. She’s stupid! ”
...


” Ayan ka nanaman Jane. Magsisimula ka nanaman tapos Ang ending magagalit ka sakin kahit Hindi naman ako nagsimula . Wag mo ng painitin Ang ulo mo sa walang kwentang bagay ha? Ang mahalaga, tapos na kami ni Lorraine at para Malimot ko na syA ng tuluyan gaya ng gusto mo wag na wag mo na syang babanggitin sakin kahit kelan”
” Baka kasi, syA parin iniisip mo nagsisiguro lang ako. Gusto ko ng gatas pwede mo ba ako ipagtimpla?”
” Kahit ano pa Yan Basta gusto ng baby ko ”
Pagkuha ko ng baso bigla nalang dumulas sa kamay ko Kaya nabasag. Bigla akong kinabahan ng wala namang dahilan. Agad Kong inimis ang mga bubog dahil baka maapakan ni Jane.
” What’s wrong? Si manang nalang paimisin mo nyan baka masugatan kapa”
” Hi lovely couple mabuti naman at nagkabalikan kayo. Masayang-masaya ako para sa inyo! ”
” Hindi mo na ako best friend ngayon Mitch. Sister mo na ako. ” Nanlaki Ang Mata ni ate dahil nagulat syA sa sinabi ni Jane. Ito naman talaga Ang gusto nyang mangyare.
” Totoo ba Mark? Kung totoo Ito Hindi ko na pauuwiin si Jane. ” Tumango ako
” Buntis ako Mitch” masayang balita ni Jane Kay ate
” Oh my gosh!! May pamangkin nako! Mark sunod-sunod ata Ang masayang balita na natatanggap ko ngayong araw! Matutuwa si Mama nito! Excited na agad ako! ”
– LARA-
Lumabas si Doc sa operating room at agad ko syang pinuntahan .
” Doc ano na? Kamusta na Ang lagay ni Lorraine? ”
” Nakuha na namin Ang bata sa katawan nya Kaya Lang Wala parin syang Malay. Nasa NICU din Ang anak nya para maobserbahan medyo mahina kasi ang tibok ng puso ng bata ”
” Sana magising na syA. Gusto Kong Makita Ang anak nya Doc”
” Sige sasamahan Kita saglit sa loob pero sandali lang tayo don. ”
Tumulo Ang luha ko ng Makita Ang anak ni Lorraine. Kamukhang-kamukha syA ni Mark. Naaawa lang ako sa sitwasyon nilang dalawa ng Ina nya.
” Kumapit ka baby para sa mama mo . Mahal na Mahal ka nya Kaya Sana magising na syA agad para Makita ka nya. Magiging masaya na ulit si Lorraine dahil finally, may anak na syA. ”
” Ok na ba? Labas na tayo Doc Lara ”
” Sige Po. Salamat Po Doc Ben. Pasensya narin Po Kayo sa mga sinabi ko kanina Hindi ko Po sinasadya”
” No problem , I understand ”
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng Makita Kong lumalaban naman Ang baby nya. Ayaw nya Rin sigurong malungkot ulit Ang mama nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top