Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 18.1


Tulad nga ng plano ko ay sya ngang ginawa ko..
Di ako pumasok ngayong araw. Sa isip ko ay dinadahiLan ko lng ang regLa ko para hindi na ko makonsensya pa.
Kumain muna ako dahil sa gutom.. Habang kumakain ay nasa kanang kamay ko ang pocketbook.. Kaliwete po kse ako. Napapahinto ako sa pagsubo ng pagkain sa tuwing nsa part na ko ng kwentong may love scene ..iniimagine ko sa utak ko ang eksena. Iwan ko ba pero naadict na nga ako sa pagbabasa neto.. Kaya kong matapos ang 10 piraso ng pocketbook sa loob ng dalawang oras. Ganyan ako katindi.
BigLang dumating si Long kaya dali dali kong tinago ang pocketbook ko sa ilalim ng paldang uniform ko. Di pa kase ako nagbibihis. Sumabay sa pagkain ko si Long. Bumili kse ako ng lutong uLam sa tindahan ng isa kong guro na si mrs. Cora …lahat halos ng studyante ay dito bumibili ng ulam kse masarap na’y mura pa. Limang piso lng pwede na kameng dalawang mabusog ni Long .
Ginataang langka ang binili ko. Tahimik na tumabi si Long sa akin at nag umpisa ng kumain..
“Kamusta ang araw mo? ” tanong ko dito
“Ok lang. ” sagot neto.
“di ako papasok ngayon.. Nagka mens na kse ako kaya subrang sakit ng puson ko “, pagdadahiLan ko dito..
Di ito umimik at patuloy lang sa pagkain.. Hinayaan ko nlg sya at inunahan ng ilagay sa lababo ang pinggan.. Sya na ang maghuhugas kse scheduLe nya ngayon.
Humiga ako patalikod kay Long at tahimik na nagbasa ng pocketbooks.
Naramdaman kong tumayo na sya kaya tinago ko saglit ang binasa ko.
Maya maya pa’y wala na kong naramdamang tao sa likod ko. Hinayaan ko nlng at masayang nagbasa ng pocketbooks
Pagkalipas ng ilang minuto ay napansin kong di pa bumabalik si Long. Malapit ng mag ala ona. Pasukan na dpat ay umalis na sya para pumasok pero wala pa din sya..
Pumunta ako sa tindahan...


ni Nanay Mercy pero wala sya dun.kaya nagtanong tanong akosa mga nakakasalubong ko. May batang nagturo sa akin sa isang computershop na nasa isang tagong lugar ..nagpasama ako dun at nakita ko si Long may hawak na dalawang bilog na hawakan na nasa harapan din ng screen. Di ko alam ang nilalaro nya pero parang nagkakarate yung nakita ko sa screen.
Nilapitan ko sya ng makita kong naghuLog sya ng piso sa butas ng nsabing computer daw.
Tinawag ko sya at naguLat sya saglit pero agad din itinuon ang mga mata sa laro.
“Di ka ba papasok?anong oras na baka malate ka “,sabi ko dito
“tatapusin ko lng to saglit. “,sabi nya habang busy ang kamay nya sa paggalaw ng nsabing biLog na hawakan.
Nanood ako sa kanya. At nalaman kong magaling sya sa paglalaro neto. Lagi nyang K.O ang kalaban..
Maya maya pa’y natapos na syang maglaro kaya umuwe na kame at pumasok na sya. Pinadala ko sa kanya ang excuse letter na gawa ko at mahigpit kong ipinagbilin na ibigay sa teacher ko.
Tumango sya at nagmamadaling umalis ..
Tiningnan ko ang orasan at nakita kong pasado ala una na..
Nagbasa muna ako ng pocketbook. Mamaya na ko pupunta kela Nanay Mercy para manood ng Tv. Maganda kse ang abangan nun kahapon..
Mabilis na lumipas ang oras at hapon na.. Naiinip ako sa pag uwe ni Long ..bat kse parang ang tagaL nya.. Kunsabagay wala pa nman ang mga kabordmate ko dito at sa pa saktong alas singko palng ng hapon. Ibig sabihin ngayon palang sila mag oout sa klase
Aantayin ko nlng si Long mamayang pag uwe nya at magpapaturo ako sa kanya nung nilaro nya kanina.
Mukha kaseng masaya ey ..
Hayyyyy.. NAIINIP NA KO [!]
-itutuloy
Ano po ang napansin nyo sa kwento?
Itutuloy ko pa po ba o wag na lng.?
😭 Ayaw ko po kayong Saktan. Kaya di ko nlng po itutuloy.
Sorry po talaga.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top