ANG SIRENA AT ANG BINATANG MANGINGISDA


Isinulat ni: Kim Elvina
[Basahing mabuti]
**************************
Sa isang malayong bayan nakatira malapit sa dalampasigan ang isang binatang mangingisda na nag-ngangalang Gregorio.
Ang tanging kabuhayan lamang ni Gregorio ay ang mangisda sa laot at ang mga nahuli niyang isda’y ibinebenta niya sa bayan para magkaroon ng pera pambili ng makakain dahil mag-isa nalamang siyang namumuhay, matagal ng patay ang kanyang ama at ina dahil sa isang malakas na bagyo.
Isang araw habang nasa kalagitnaan ng pangingisda si Gregorio’y may narinig na isang mahimigang kanta na kahit kailan ay hindi niya pa narinig sa iba.
Maganda ang boses ng kanyang naririnig at parang inaakit siya nito. . . Biglang umalog ang kanyang sinasakyang bangka at isang magandang dilag ang nagpakita sa harap niya.
“Kay ganda ng umaga hindi ba ginoo?” Tanong ng dalaga kay Gregorio kaya’t napalunok naman ang binata sa pagkabigla.
“A-Anong ginagawa mo sa gitna ng laot binibini?”
“Dito ako nakatira ginoo– matagal na kitang pinagmamasdan habang ika’y nangingisda,” nakangiting tugon ng dalaga, napatingin naman si Gregorio sa tubig at laking gulat niya nang makitang may buntot ang dalaga na hawig sa isda.
“H-Huwag mong sabihing i-ika’y isang sirena?”
“Tama ka ginoo, at narito ako upang tulungan kang manghuli ng isda,”
“T-Talaga binibini?”
“Oo!” Tumalon ang dalaga pailalim sa dagat at nang bumalik ito’y marami na siyang dalang isda at ibinigay ito sa binata.
“S-Salamat binibini,”
“Walang anuman ginoo,”
Simula noon hindi na nahirapan si Gregorio na mangisda sa laot dahil naging magkaibigan sila ng dalagang sirena– napansin rin ni Gregorio na ang dalaga’y parang may pagtingin sa kaniya kaya naman ginamit niya ito upang samantalahin ang kahinaan ng Sirena.
“Binibini? Maaari kabang sumama sa aking tahanan?” Nakangiting tanong ni Gregorio.
“N-Ngunit walang t-tubig doon ginoo maaari akong mamatay kapag nagkataon,”
“Alam kong may pagtingin ka sa’kin kaya’t sumama kana. . . Tatanggihan mo ba ang binatang gusto mo?” Malungkot na aniya ng binatang si Gregorio.
“S-Sige sasama ako ginoo basta’t ipangako mong ibabalik mo ako rito,”
“Pangako ibabalik kita binibini,”
Ini-uwi ni Gregorio ang dalagang sirena sa bahay niya— naghanda siya ng malaking palanggana kung saan kasya ang dalaga, nilagyan niya ito ng tubig alat at do’n niya pinatuloy ang dalaga.
Lingid sa kaalaman ng dalagang sirena na may masama palang binabalak ang Binata sa kaniya.
Lumabas ang binata mula sa isang pinto at napatingin sakanya ang nakangiting Sirena. . ....


Ngunit nawala ang ngiti niya nang makitang may hawak na latigo ang binata.
Hinampas ni Gregorio ang dalaga gamit ang latigo at tiningnan ito na parang may pagnanasa.
“MAGIGING MAYAMAN NA AKO HAHAHA!”
Paulit-ulit na hinampas-hampas ng latigo ang kawawang sirena, nanginginig ito at hindi alam ang gagawin.
“IKAW ANG MAGPAPAYAMAN SA’KIN HAHAHAHA!”
napaiyak nalamang ang sirena dahil sa sakit ng pagkakahampas sakanya– marami na siyang latay ng latigo at namamaga na ang kanyang makinis na balat. Nanlaki naman ang mga mata ng binata ng makitang ang mga Luha ng dalagang Sirena ay naging isang makikintab na Perlas.
“MAS MAGIGING MAYAMAN PA PALA AKO KESA SA INAASAHAN KO!” nagnining ang mga mata ni Gregorio habang nakatingin sa mga nagkikintabang perlas na nahuhulog mula sa mata ng dalaga.
“G-GINOO? K-KUNG GAGAMITIN MO AKO P-PAPAYAG AKO SA ALOK M-MO GAGAWIN K-KO LAHAT NG GUSTO MO B-BASTA’T PAYAGAN M-MO AKONG YAKAPIN K-KITA NG ISANG B-BESES MANLANG,” nanghihinang aniya ng kawawang dalaga.
“SIGE PAPAYAG AKO SA GUSTO MO! PERO PAGKATAPOS MO AKONG YAKAPIN SUSUNDIN MO LAHAT NG IPAGU-UTOS KO!” tumango ang sirena sa tinuran ni Gregorio.
Unti-unting lumapit ang binata sa dalaga– yumuko ito saka yumakap sa Sirena. Niyakap ng mahigpit ng sirena si Gregorio– kinuha niya ang pagkakataong ito para kunin ang may kahabaang patalim sa gilid niya.
“M-MAHAL NA MAHAL KITA GINOO P-PERO KUNG G-GANYAN KA NAMAN K-KAGANID SA PERA M-MAS MABUTI PANG TAYO’Y MAGSAMANG DALAWA PAPUNTA KAY KAMATAYAN,” Bulong ng sirena at walang alin-langang itinarak ang may kahabaang patalim kay Gregorio, tumagos rin ang patalim papunta sa dibdib ng sirena kaya’t silang dalawa ang nasak-sak ng patalim.
“AHHHK A-ANONG G-GINAWA MO?” huling tanong ni Gregorio bago siya malagutan ng hininga.
“M-MAHAL NA M-MAHAL KITA AT S-SA KAMATAYAN T-TAYO P-PARIN ANG MAGSASAMA,” ani ng sirena bago rin siya mawalan ng hininga.
Ang kaninang malinaw na tubig sa kinalalagyan ng sirena’y naging kulay pula na dahil sa dugong umagos sa kanilang dalawa.
WALANG MAIDUDULOT NA MABUTI ANG PAGIGING SAKIM AT GANID SA MGA BAGAY-BAGAY LALO NA ANG PERA DAHIL ANG MGA ITO’Y HINDI MO NAMAN MADADALA KAPAG IKA’Y NAMATAY NA. . .
AT ITO ANG KUWENTO NG DALAGANG SIRENANG UMIBIG SA MAPANLINLANG NA BINATANG MANGINGISDA NA GANID SA YAMAN AT PERA.
-Wakas-
Kathang-isip lamang
Ang Litratong ginamit ay hindi sa ‘kin
Ang mga kamalian sa kuwento ay makikita
Sundan ako para sa marami pang kuwento






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top