My Childhood Crush


ATOUR Ashren Writers
My Childhood Crush”
PROLOGUE
Zanaiya’s Pov.
“Zana, what are you doing with my notebook?” Umupo si Ares sa tabi ko at takang pinagmamasdan ang notebook niyang sinusulatan ko.
We’re bestfriends. Crush ko siya pero secret ko lang ‘yun.
I’m 11 years old, and he’s 12.
“Sinusulat ko lang pangalan mo at pangalan ko.” Nakangiting saad ko.
“Pero bakit may heart?”
“Syempre we love each other.” Kinindatan ko siya.
Agad naman siyang namula at umiwas ng tingin.
Ngumisi ako ng mapang-asar, “Uy, kinikilig siya.” Sabay sundot ko sakanya.
“No, I’m not.”
“Kinikilig ka eh!”
“Hindi nga sabi!”
“Kinikilig ka kaya, wag muna ideny!”
“Isang sabi mo pa ng ganyan Zana, malalagot ka sakin!” Inis niyang sabi.
“Bakit? Anong gagawin mo?” Mapanghamon kong tanong.
Tinitigan niya ako sa mga mata, “Hahalikan kita.”
Nagulat ako sa sinabi niya. A-Ano daw?
“S-Siraulo kaba?”
“Hindi.”
“Eh bakit mo sinabing hahalikan moko?” Taas-kilay kong saad.
“Para...


tumigil kana sa pagsabi na kinikilig ako, kahit hindi naman.” Aniya.
” Eh kinikilig ka naman talaga—-” Hindi pa natapos ang sasabihin ko ng maramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat habang nakadikit parin ang labi namin sa isa’t-isa.
While, Ares? Ayun nakapikit at damang-dama yung halik.
Ilang segundo ang tinagal at ‘dun nako nagkaroon ng lakas ng loob para makagalaw. Agad akong kumalas sa halikan namin saka siya sinampal ng malakas.
“Ouch! Why did you slap me?!”
“Magnanakaw ng halik!”
“What?!”
“First kiss ko yun!”
“First kiss ko rin naman ‘yun ah!”
“Wala akong pake! Bastos ka!” Sigaw ko sakanya at hinampas siya.
“What?!”
“What-whatin mo mukha mo! Damang-dama mo pa yung halik!”
“Edi sana dinama mo ren.”
“Tse! Magmula ngayon, wag muna ako kausapin!” Inirapan ko pa siya bago nagwalk-out.
Wala na yung first kiss ko! Nakuha na ng crush ko!





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top