BULAG NA PAG- IBIG .”
Sa pagpapatuloy ng KABANATA 1…
Ako si Ramon, isa akong Nurse pero hindi sa Hospital ang lugar ko, mas pinili ng mga paa ko na magpunta sa maraming lugar dito sa pilipinas at maging sa ibang bansa…
Matagal na akong Miyembro ng isang organisasyon na tumutulong sa mga may karamdaman at kapansanan, ito ang misyon ko sa buhay, ang mabigyan sila ng agarang lunas, mga simpleng gamot na alam kong malaki ang maitutulong para sa kanila at ang palakasin ang loob nila at bigyan sila ng pag-asang makabangon.
At Si Ana ang isa sa aking mga misyon…
Minsan, pinilit ni Ana na makapunta siya sa bahay ng kanyang mga pinsan dahil malapit lang naman ang bahay ng mga ito sa kanila…
Ngunit sa di inaasahang pangyayari may dalawang binatang nagbibiruan pagkatapos ay naghabulan hindi nila napansin si Ana na malapit na sa kanila, nasanggi nila ito na halos madapa na ito sa daan, pauwi na ang aming grupo ng mga oras na iyon hanggang sa nagkahiwa-hiwalay na kami sa paglakad…habang ako’y naglalakad na mag-isa, nakita ko ang pangyayaring iyon…Agad ko siyang tinulungan para alalayan.
Simula noon pagkakatapos ng aming grupo na magmisyon ay dumaraan ako sa bahay nila Ana.
Kinaibigan ko siya at pinalalakas ko ang loob niya…
” Ang Diyos ay tunay na makapangyarihan Ana.”
Habang sinasabi ko ito sa kanya ay taliwas naman ito sa paniniwala ni Ana.
” Hindi ako naniniwala sa iyo, alam mo ba simula ng isilang ako hindi ko man lang nasilayan ang daigdig kasi nga bulag ako…pero salamat parin sa kanya dahil sa mga panaginip ko lang nakikita iyon, sa panaginip…dito ko lang nararamdaman na di ako nag-iisa, sa panaginip…dito ko lang naaabot lahat ng pangarap ko, sana hindi na lang ako isinilang sa mundong ito dahil para akong isang patay na buhay, wala akong silbi, hindi ko magawa ang mga...