πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ ℕ𝕀ℕ𝔼 ✍︎


ISANG LINGGO na ang nakakalipas nung dumating sa school si Angenica. Isang linggo din siyang hindi ginugulo ni Rain, hindi rin niya makita sa school. Madami siyang naririnig na baka nagbago na raw ulit si Rain at hindi na magbu-bully dahil dumating si Angenica.
Sa totoo lang nangangati na si Claire na puntahan si Rain sa hide out nila o kaya itanong sa BTS Group kung kamusta na siya pero inuunahan siya ng hiya.
Kung tutuusin dapat magpasalamat siya na hindi siya ginugulo at inutus-utusan pero bakit hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapakali at ang kalooban niya sa pananahimik ni Rain.
‼️ Maghanda ka, mas lalo kitang pahihirapan. ‼️
Napailing nalang si Claire sa biglang naalala. πŸ’­ Ano kaya ang dahilan ng pananahimik ni Rain? πŸ’­ Kinakabahang nasaisip niya.
Lagi siyang binabagabag ng konsensya sa tuwing naalala niya ang lungkot at sakit sa mga mata ni Rain. Gusto niyang makausap si Angenica at ipaliwanag ang side ni Rain, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.
“Mukhang hindi kana guguluhin ni Rain, ah! Palagi siyang nakakulong sa kwarto niya at hindi lumalabas.” sabi ni Mark at umupo sa tabi niya.
Napangiti siya sa sinabi ni Mark. “Sana magdilang anghel ka…… pero galit pa rin siya sa akin, eh. Hindi pa sila kasi nagkakaayos ni Angenica.” sabi niya at uminom ng juice.
“Dapat siya na ang gumawa ng paraan sa ex niya para magkaayos sila hindi yung ikaw ang sinisisi niya, lalaki siya eh. Dapat gumawa siya ng paraan para mapatunayan don sa ex niya na mahal pa talaga siya. Hindi yung sayo binubuntong yung galit niya.”
“Tama ka naman diyan, pero may kasalanan din naman kasi ako.”
“Wag mo na lang siyang masyadong isipin, Claire. Ako na lang ang isipin mo.”
Napakunot noo si Claire at napahalakhak ito sa reaksiyon niya.
Infairness din naman dito kay Mark, gwapo siya lagi pag nakangiti. Hindi rin siya mahirap pakisamahan. Hindi rin siya natatakot sa BTS Group kahit bago pa lang siya. Bawing bawi din kasi ito sa kaguwapuhan.
πŸ’­ Pero mas guwapo pa rin si sir ulan. πŸ’­
Natigilan siya sa biglang pumasok sa isip niya, agad siyang napailing.
πŸ’­ Ano ba tong iniisip ko? Bakit bigla ko namang naisip yung ulan na yon na walang gawin kundi sirain ang araw ko? πŸ’­
Muli siyang napailing at sinampal sampal ng mahina ang sarili.
“Hoy, bakit sinasampal mo ang sarili mo?”


/> Natigilan si Claire. “Inaantok kasi ako. Pampagising lang. Heheheh.” palusot niya.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
NAGTAKA si Claire nang hindi niya makita si Lara. Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ito.
Nasa library siya at inihanda niya ang dadalhing libro habang hinihintay na sagutin ni Lara ang tawag.
“H-Hello Claire?”
“Nasaan kang babae ka? May pasok ka diba ngayon?” para siyang nanay kung magtanong. πŸ˜…πŸ˜
“Nandito ako sa bahay nila Ace.”
Nagtaka si Claire. “Ha?”
“J-Joke i mean, nandito ako sa bahay namin. Pasensya kana kung hindi ako nakapagpaalam nanay claire.”
Napairap na lang siya kahit hindi yun nakikita ni Lara. “Okay, ingat ka ha! Bye!”
Pumunta muna siya ng banyo pagkatapos nilang mag-usap ni Lara.
Natigilan siya nang maalala niya si Rain. Wala talagang araw na hindi niya naiisip ang ulan na yon. Dapat hindi niya na iniisip yon, wala naman siyang dinulot na maganda kay claire. Bakit niya naiisip?
Lumabas na siya ng banyo.
“Ay, palaka!” napasigaw siya sa gulat nang makita niya si Rain.
Nakatayo siya sa harap ng banyo habang tinitignan niya ang libro na regalo pa ng nanay niya.
Nag-angat ng tingin sakanya si Rain. Napalunok si Claire habang lumapit sakanya si Rain, ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib at pagbigat ng hininga niya.
πŸ’­ Bakit ganito ang epekto ng ulan na to sakin? πŸ’­
Tinignan siya sa mata at binalik ang libro kung saan ito nakalagay.
Nanginginig na napaatras siya habang lumapit ito sakanya.
“S-Sir Ulan….. B-Bakit nandito ka?” nauutal na sabi niya, habang sinasalubong niya ang mga tingin ni Rain.
“You’re not allowed to smile and laugh with some f*cktard, your not allowed to flirt or date anybody, your not allowed to be happy…… You’re not allowed to do anything until I say so.”
“A-Ano bang——–”
“Akala mo yata nakawala kana sa akin dahil lang hindi ako nagpakita ng ilang linggo.” nakangising sabi ni Rain.
“B-Bakit bawal ba ako makipagdate? Bakit pati yon bawal? Sobra naman yata yon.” pagrereklamo niya.
πŸ’­ Ang tagal naming hindi nagkita, bakit yon pa concern ko? Ang sarap namang batukan ng sarili ko. πŸ’­
“You’re not allowed to ask questions.”
Tinalikuran na siya ni Rain. Tila nakahinga naman ng maluwag si Claire habang palayo si Rain.
“And by the way…… Hindi ka sexy.” Napangisi siya habang tuluyan nang lumabas.
Napaawang naman ang labi ni Claire.”Ang kapal talaga ng ulan na iyon!”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top