RIZAL


— By : Xiashi xia ༊ ᎒ Error ahead
Nagmamadali akong tumakbo sa bus station ng may biglang dumaan na kalesa sa gilid ko kaya nagulat ako ng tumigil ito mismo sa harap ko
“ Binibini sumabay kana sakin ” Aya niya sakin kaya agad akong nag dalawang isip kung sasakay ba ako sa kalesa o hindi
Nakita ko siyang ngumiti at iniunat ang kamay para abutin ako wala na akong nagawa dahil ma-lalate na ako sa klase ko
“Mukang ika’y nagmamadali ” Pagbasag niya sa katahimikan
“Ah opo ma-lalate na po kasi ko sa school” Saad ko sabay kamot sa batok ko
Maya-maya dumaan kami sa Rizal park kaya ngumiti ako at nag salita
“ Napaka ganda talaga ng Rizal park ” Saad ko sa likod habang punong-puno ng saya
“ Oo Kung saan ako pinatay ” Seryoso niyang sabi na ikinagulat ko
“p-po?” Nauutal kong sabi hindi niya ako sinagot kaya hinayaan ko na lang
Ibinaba niya ako sa gate ng school ko
“Eto po bayad” Sabay abot ng 50 pesos ngumiti lang siya sa akin at umalis
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa mga mata ko kaya agad ako pumasok sa gate at tumakbo papuntang classroom
_____________
Natapos ang klase kaya nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na uuwi na ako
Dumaan mo na ako sa Rizal park ng makita ko yung lalaking nag hatid sakin kaya agad akong lumapit at tinabihan siya
“ kanina pa po kayo dito?” takang tanong ko patuloy lang siyang nakatitig sa rebulto ni rizal


/> “Umaasa parin ako na kayo ang pag-asa ng bayan” tugon niya sakin kaya agad akong humarap sa kanya
“Ano po bang sinasabi niyo?” tanong ko habang patuloy na naguguluhan sa sinabi niya sumandal ako sa upuan at agad na sumeryoso ang muka
“ Hindi ito ang bansang pinag-laban namin noon” Sabi niya habang may dala-dalang lumang papel
“Naguguluhan po ako sa mga sinabi niyo” Saad ko sa kanya
Tumingin ako sa paligid at nakita kong maraming mga bata ang tutok na sa kanya-kanya nilang cellphone mga mag karelasyon na ang edad ay nasa 13 pataas mga taong kulang sa tela ang damit mga 16 pataas na natuto ng manigarilyo mga 13 pataas na may laman na ang tiyan o karga-kargang mga Bata
“Pagmasdan mo silang lahat” Seryoso niyang sabi sakin agad akong sumimangot sa sinabi niya
“Lahat ba ng kanilang ginagawa ay tama” Tanong niya sakin kaya agad akong yumuko
“Alam pa ba nila na ang edukasyon ang importante?” Saad niya sakin bakas sa mga salita niya ang galit patuloy lang akong naka-yuko
“Anong silbi ng aming pag-kamatay kung ang magiging dulo neto ay ang pag-gawa ng mga walang kwentang bagay” Galit niyang sabi at agad na tumayo at umalis
Sa lahat ng sinabi niya tiyaka ko lang nalaman na si rizal ang kanina ko pa kausap
Sa pag alis niya duon na bumuhos yung luhang kanina ko pa pinipigilan.
— END —
– Work of fiction
– Written by : Xiashi Xia
– plagiarism is a crime if you want to copy please put proper credits thank you for reading.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top