KATE’s POV:
LUTANG NA LUTANG AKO.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang sarili.
Wala na kasi yung taong nagpapalakas lagi ng loob ko.
Wala na yung inspirasyon ko para labanan lahat ng problemang dumating sa akin.
INIWAN ko muli si Michael dahil inaayusan pa siya para ilagay sa kabaong.
Balak ko na kasing pumunta ng Mancion at kunin ang mga gamit ko para umalis na sa demonyong lugar na ‘yon.
Alam ko kasi na wala pa do’n si David.
Ayoko muna siyang makaharap at makita dahil tiyak mandidilim lang ang paningin ko sa lalaki.
Pinapasok naman ako ng guard sa loob.
Pagkatunton ko roon, nakikita ko agad ang lungkot sa mukha nila.
Maging sila kasi, napamahal na rin kay Michael. Patuloy silang nagsosorry at sinisisi ang kanilang sarili dahil hindi nila nagampanan ng mabuti ang trabaho.
Kaya ngumiti lang ako ng pilit kahit ang totoo, wasak na wasak na ang dibdib ko.
Ayoko rin naman magalit sa kanila dahil aminado akong may kasalanan din ako kung bakit namatay si Michael.
Kung hindi ko sana inatupag si David, siguro buhay pa siya ngayon.
Kung sana, sinama ko siya sa kompanya, siguro hanggang ngayon, hawak ko pa rin ang kamay niya.
Ang dami kong pagkukulang.
Kaya sobra-sobra tuloy ang pagsisisi ko sa nangyari.
“Gusto kong makita ang pagkain na pinadala dito. Ang pagkain na may lason.”, bigkas ko na may galit sa pananalita.
I want to see the food that caused my son into death.
“Sige po Ma’am.”, mabilis na tugon ng isa.
Agad siyang pumunta ng kusina para sundin ang utos ko.
Pagkabalik niya, isang pizza ang pinakita nito. Pizza na paborito ni Michael. Pizza na pinapangarap lagi ng anak ko na matikman.
Araw-araw din kasi bumibili si David ng ganito. Kapag nanonood kami, pizza lagi ang kinakain namin.
Pero imposible na si David ang may gawa nito. Imposible naman kung patayin niya ang anak ko.
“Namukhaan niyo ba ang nagdeliver ng pagkain?”, pag-uusal ko.
“Hindi po Ma’am. Halos mata lang kasi ang nakikita sa lalaki. Tsaka, tiwalang-tiwala po kami dahil yung suot niya, halatang nagtatrabaho siya at taga-deliver talaga.”, wika nito bilang kasagutan.
Hindi ko pa matukoy kung sino ang may pakana ng lahat.
Pero isa lang ang nasisiguro ko, babalikan ko sila.
Hindi ko sila titigilan hanggat hindi ko nakukuha ang hustisya para maging malaya ang anak ko.
“ANO PA BA ANG TINUTUNGANGA NIYO? DIBA, SINABI KO SA INYO NA ITAPON NIYO SA LABAS ANG MGA GAMIT NI KATE?!”, sigaw ng Ginang mula sa likuran ko.
Sa tingin ko, galing ito sa taas kaya hindi nito nahalata ang presensya ko nang pumasok.
Lumingon naman ako para harapin siya habang gigil na gigil ang aking kamao.
Ang Ginang na tinutukoy ko ay ang ina ni David.
Hindi na ako...
yes….taban kate