THE MAFIA OBSESSION SEVEN


“Congrats po miss hailey napakaganda mo po..” nakangiting bati ni marsie sa among babae ,ngunit kahit paanong make up pa ang idikit sa maganda nitong mukha ay nababakas parin ang pamumutla nito “aammh miss hailey ayus lang puba kayu ,parang maputla po kayu?” Di nya naiwasang iTanong dito
“Ang totoo nyan marsie nahihilo talaga ako ,pero kakayanin ko kahit hanggang matapos lamang ang kasal namin ni bruno.. ,heto na kc ang hinihintay namin at ayaw kong maudlot pa dahil lamang sa konting hilo..” ngiti nitong sabi na tinanguan na lamang nya.
ilang sandali lamang ay dumating na ang mga taong aalalay sa bride kasama sya ,ngunit napatigil sya sa kanyang paglalakad ng may mabangga syang tao
“Sorie!…oh Hi…ikaw ung maid of honor?” Turo nito sa damit nya
“Yes po sir!”
“Aah …you’re so pretty bagay na bagay sayu ang suot mo..” hagod nito ng tingin sa kabuuan nya “lanther nga pala ,bestman.. kapatid ko ang groom ,nice to meet you—”
“Marsie po ,thank u sir lanther ,mauuna na po ako sa inyu ,doon po kasi ako sasakay kay miss hailey..” wika nya dito at nagmadaling naglakad palabas
“Wait marsie ,kung gusto mo sumabay kana lang saakin tutal doon din naman ang punta ko, tyaka isa pa wala akong kasabay ,magisa lang akong babyahe kaya doon kana lang sa kotse ko kung ok lang naman sayu..” pagpiprisinta ng lalaki.. sa halip na sumagot ay nilingon muna nya ang brides car dahil baka hinihintay na sya ni hailey, pero ang kausap nya ay bigla na lamang umalis sa harapan nya at tumakbo palapit sa sasakyan kung saan naroon si hailey nakita nyang kinakausap nito ang bride at pagkatapos ay ang pag andar na ng kinalululanan nito ,nakita nyang papalapit nuli sakanya ang lalaking nagngangalang lanther habang may malaking ngiti sa labi nito
“Ok na ..lets go.” Nakangiti nitong yaya sakanya ,nagdalawang isip syang sumama dahil kay ralp ,kabilin bilinan kc nito sakanya na hwag nakikipag usap sa mga lalaki o sasama manlang ngunit wala syang choice ,bukod sa wala na syang masasakyan ,malayu pa ang highway mula sa mansion ni bruno “bahala ka mahuhuli tayu nyan.” Paalala nito ssakanya
“S-sige na nga..” pilit ang ngiti nyang saad bago sumunod sa paglalakad nito patungo sa kotse nito
Pagdating sa simbahan ,sa paglabas nya mula sa sasakyan ni lanther ay si ralp agad ang bumungad sa paningin nya ,papalapit ito sakanya kaya ganoon nalang ang kabang nadarama nya ,lalo nat hindi na maipinta ang gwapo nitong mukha
“Dapat sumabay kana saakin kanina!” Tiim nitong sabi sakanya na sa likod nya nakatingin
Kung saan alam nyang naroon ang kasama nya...


kanina “tara na.” Hapit nito sa bewang nya at halos kaladkarin sya nito papasok sa loob ng simbahan.. katabi nya ito sa upuan pakiramdam nya ay gwardyado sya sa araw na ito kahit na wala naman itong karapatang pakelaman at paghigpitan sya
“Marsie!”
“Ate..bakit?” Tanong nya sa ate maria nya
“Maguumpisa na pumunta kana doon sa likod..” pabulong nitong wika sakanya
Maglalakad na sana sya paalis pero bago paman ay hinigit na sya ni ralp sa kanyang braso saka nito idinikit ang sariling mukha sa kanyang pisngi “one more marsie.. makikita mo Papatayin ko ang lalaking kakausapin mo pagkatapos ng kasal na ito.” Banta nito sakanya na ikinanginig ng labi nya
“Sir ralp!!”
“Go…hinihintay kana doon..” tiim nitong titig sakanya ,banaag nya ang galit sa mga mata nito kaya naglakad sya paalis na nanginginig ang mga kamay
pinilit ni marsie na maging kalmado hanggang sa mag umpisa na ang kasal.. nang maglakad sya sa gitna ng simbahan patungo sa harapan ay nakatitig parin sakanya si ralp ,ang isipin na papatay ito dahil sa mababaw na dahilan ay naghahatid sakanya ng kilabot ,sa halip na sa tabi mismo ng mga abay ang tutunguhin nya ay kaagad syang hinarang ng isa sa mga tauhan ni ralp na nakapormal din gaya ng amo nito ,inalalayan sya nito patungo sa kinauupuan ni ralp na iiwasan nya sana
“Pagkatapos ng kasal ,kunin mo si raffy at umuwi na tayu agad ok..” bulong nito sa punong tenga nya na naghatid sakanya ng libolibong kuryente sa simpleng pagkakadikit lamang ng bibig nito sa kanyang balat
“Sir ralp pwede puba dumistansya naman po kayu saakin ,tyaka gusto kopong pumunta sa reception para—-” rinig nila ang sigawan sa paligid at ang pagkakagulo ng lahat kaya natatarantang nagpalinga linga sila pareho ni ralp ,naglakad ito palayu ngunit hila hila naman sya nito sa kamay kaya hindi rin sya makapagsolo at makalayu ,sa di kalayuan ay nakita nila ang sentro ng kaguluhan si bruno hawak hawak nito si hailey na waring nawalan ng malay ttao
“Hailey no..baby…” malakas na tinig ni bruno habang pilit na ginigising ang kasintahan nito naukol ang atensyon nya kay ralp ng bitawan sya nito at patakbo itong lumapit sa kinaroroonan nila bruno ,umawang ang bibig nya ng makitang binuhat ni ralp ang bride saka patakbong inilabas ng simbahan.
Lahat sila ay nag uwian na ngunit matutuloy parin daw ang kasal kahit na gabi pa basta daw magising agad ang bride iyun ang sabi ng mommy ni hailey kaya imbis na sa mansion ni ralp sya uuwi naisipan nyang sumama nalang muna sa ate maria nya pauwi sa mansion ni bruno.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top