At ngayon tatlo na kaming nakangiti


At ngayon tatlo na kaming nakangiti🍂
“Anak! Ikaw muna ang mag laba ng mga damit ng papa mo huh! May lakad kasi ako ngayon at wala nang damit na masusuot yung papa mo sa trabaho!” Saad ni mama habang may inaayos.
“Mama naman eh, may modules pa akong tataposin! May projects pah! Tapos may-”
“Marami pang time na gawin yung module tina!” pag putol niya sa sinasabi ko bago umalis. Padabog kong kinuha yung mga damit ni papa at nilabhan nah.
Nakakainis naman! Badtrip na nga ako sa...


grades ko! Dadagdag pa toh!

Ilang minuto na akong nag lalaba pero di parin ako tapos, pano ba kasi eh ang dami nito!
Nilalabhan ko na ngayon yung favorite short niyang kulay yellow green.
Nang may bigla akong nakitang dalawang taong nakangiti sa loob ng bulsa
“Pag sinuswerte ka nga naman tina!” tanging bulong ko sa sarili.
At ngayon tatlo na kaming nakangiti 😁
_______________
May pera sa labada! Kaya itigil mo na yang kaka cellphone mo at mag laba ka muna baka mamaya may pang load kana😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top