The Man in my Dreams CHAPTER 16


Masayang masaya si Jera, sa wakas ay natupad din ang mga pangarap ni Jeralene na makasama ang pinapangarap niyang lalake, at ganun din si Jojo, at hanggang sa Umuwi si Jeralene sa bahay nila na kasama si Jojo at ipapakilala niya si Jojo sa mga magulan niya.
.
Jera : mama, nandito na po ako.!!(masaya niyang sabi)
Cristy : oh, maaga ka yatang bumalik akala ko aabutin ka ng paglubog ng araw duon, sabi mo, papanuorin mo ang sunset.
.
nagulat ng may nakita itong kasama ang anak.
.
Cristy : may kasama ka pala.?
Jera : opo ma.
Jojo : magandang hapon po!(nakangiti niyang bati)
Cristy : magandang hapon din naman.(nakangiti din niyang bati)
Jera : si papa po mama?
Cristy : nasa kusina yong papa mo, siya daw ang magluluto ng hapunan eh.
.
At narinig naman ni Ronald mula sa kusina na may kausap ang asawa niya.
.
Ronald : nandiyan na ba si Jera?
Cristy : oo nandito na. Halika at lumabas ka may bisita tayo.
Ronald : sandali lang mariyan na ako.
Jera : si Jennifer po ma nasaan?
Cristy : nagpunta sa, olongapo nagpasama kay Jomel.
Jeral : ah dumating na po si Jomel, akala ko po ay bukas pa ang uwi niya.
Cristy : oo, di daw sila natuloy mag-bonding ng bestfriend niyang si Sherwin, baka daw bukas umuwi si sherwin dito. Kaya dito na lang daw sila mag-bonding ni Jomel.
Cristy : paupuin mo naman Jera ang bisita mo.
Jera : Upo ka mahal!(bulong niya)
.
At hanggang sa naroon na din sa sala si Ronald, at nakita nga niya ang lalakeng bisita nila.
.
Ronald : o sino ba ang bisita natin?
.
Naupo din ang mag asawang Ronal at Cristy sa sofa.
.
Jera : papa, mama, naaalala niyo po ba yong lagi ko sa inyong kinukwento, yong batang lalake na nagligtas sa akin noong nalunod ako noong 10 yrs old ako?
Ronald ; syempre naman anak, hindi namin siya nakakalimutan, diba taon taon ka ngang nagcecelebrate, isinecelebrate mo yong araw ng pagkakakilala ninyo, taon taon naghahanda ka ng mga pagkain dahil yong araw na yun ay ang bagong buhay mo, dahil kamuntikan ka ng mawala sa mundo, at mabuti nalang ay sinagip ka ng batang lalake na iyon..yun nga lang hindi mo nalaman yong pangalan niya.
Jera : pero po nalaman ko na po yong pangalan niya..
Ronald : ganun ba?
Cristy : eh paano mo naman nalaman yong pangalan? Natagpuan mo na ba siya?
Jera : pero po bago natin pag usapan yun, gusto ko po munang ipakilala sa inyo si Jojo.
Cristy & Ronald : Siya si Jojo
Jeralene : opo mama, siya po si Jojo yong kasama kong nakatakas kay drake, at ang tumulong sakin sa masamang balak ni drake, at siya din po yong sinasabi kong lalaking minamahal ko.
.
Samantala naman si Jojo ay kinakabahan siya sa mga pasakalye ni Jera na pagpapakilala nito sa mga magulang nito.
.
Cristy : ikaw pala si Jojo, naku Hijo maraming salamat sa iyo, mabuti na lang at hindi mo pinabayaan yong anak namin.
Ronald : Masaya kami na makilala ka Hijo, hindi namin alam kung paano kami magappasalamat sa iyo Hijo.
Jojo : kung tutuusin po, ako ang dapat magpasalamat sa anak ninyo, kung hindi po dahil sa kanya, hindi din po ako makakaligtas sa kapahamakan.
Ronald : ipagpalagay na nating ganon, pero inilayo mo din si Jera sa mga masasamang pamilya, inilayo mo siya sa mga kriminal, dahil parang nasa bingit na rin ng kamatayan si Jera sa piling ni Drake, kaya salamat.
Jojo : May isa pa pong dahilan kung bakit hindi ko iniwanan si Jera noon, dahil noong nagawa niyang patakasin ako, ay minahal ko na po siya agad noon, hindi ko po alam kung bakit hindi ko kayang umalis at iwanan siya ng mga panahon na pinatakas niya ako, kung tutuusin po pwede ko na siyang iwanan, dahil napalaya na ako sa pagkakakadena sakin, pero hindi ko po alam kung bakit hindi ako makaalis kahit na may pagkakataon na akong tumakas noon.
.
Naliligayahan si Jera sa naririnig kay Jojo, sa isip ni Jera ay hindi talaga siya iniwanan ni Jojo noon, hindi totoong walang lakas si jojo noon para makatakas.
.
Jera : mahal, ibig mong sabihin, hindi ka talaga umalis noon dahil sa akin.
Jojo : oo, ayokong iwanan ka noon dahil, natakot ako na baka kung anong gawin sayo ng magakapatid, dahil alam kong mga halang ang kaluluwa nila, hindi ko kayang isipin na may mangyayari sayong masama dahil mahal na kita noon pa.
.
Sa sinabi ni Jojo ay yumakap siya dito,
.
Jera : Salamat mahal.
Ronald : kaya kami ng pamilya ko ay lubos na nagpapasalamat sa pagprotekta mo sa anak namin.
Jera : mama, papa, may isa pa po akong sasabihin.
Cristy : ano anak?
Jera : yon pong nagligtas sakin nong 10 years old ako.
Ronald : oo nga pala anak, paano mo bang nalaman ang pangalan niya, nakita mo na ba siya anak?
Jera : opo.
Cristy& Ronald : Talaga!!(sabayan nilang sabi)
Jera : opo.
Cristy : anak, dalin mo kami sa kanya.
Ronald : oo anak, gusto din namin siyang makilala.
.
Nakikita ni Jojo ang saya sa mga mukha ng magulang ni Jera ng malaman nila na nakita na ng anak ang batang lalaki na nagligtas sa anak.
.
Jera : mama, papa, alam kong magugulat kayo na malaman na ang batang lalaki na nagligtas sakin noong bata ako, at si Jojo ay iisa.
.
Napanganga sa mangha sina Ronald at Cristy sa sinabi ng anak.
.
Cristy : S-si Jojo yong batang lalaki?
Ronald : Totoo ba?
.
Pinagpalit palit ang tingin sa dalawa.
.
Jojo : hindi nga din po ako makapaniwala.
Jera : opo papa.
.
At kinuha ni Jera ang kabiyak ng puso na nakay Jojo, at ipinakita niya iyon sa mga magulang.
.
Ronald : Siya nga!!!
.
Lumapit si Cristy kay sa kinauupuan ni Jojo.
.
Cristy : iho, hindi ko akalain na dadating yong araw na makikilala ka na namin.
.
Lumapit din si Ronald kay Jojo.
.
Ronald : ang tagal naming hinintay yong pagkakataong ito na makita ka at makapagpasalamat sa iyo.
Cristy : salamat sa Hijo, dahil hindi mo pinabayaan yong anak namin, siguro kung wala ka noon, nawala na ang aming anak na panganay, hindi na sana namin siya kasama ngayon..kaya sobra kaming nagpapasalamat sa iyo..(naiiyak niyang sabi at yumakap kay Jojo)
Ronald : maraming salamat Jojo, maraming salamat..(sabay tapik sa balikat)
.
Si Jera naman ay tumutulo ang mga luha dahil sa sobrang saya.
.
Jojo : ginawa ko lang po ang nararapat, hindi ko maman po kaya na panoorin lang na may taong nangangailangan ng tulong.
Cristy : (kumalas sa pagkgakayakap kay Jojo) napakarami naming dapat ipagpapasalamat sa iyo, tinulungan mo ang anak namin na makatakas kay drake.
Jojo : gaya nga po ng nasabi ko, ako po ang dapat magpasalamat sa anak ninyo, dahil kung hindi niya po ako kinalagan sa kadenang bakal na nakatali sa akin siguro po ngayon wala na din ako..kaya po nagpapasalamat din po ako una sa Diyos at pangalawa sa inyo dahil meron kayong anak na may mabuting puso, hindi po ako pinabayaan ng anak ninyo…kaya po mahal na mahal ko po ang anak ninyo, at sasamantalahin ko na po ang pagkakataon, hinihingi ko po ang inyong basbas, nais ko pong pakasalan ang anak ninyo.
Ronald : masaya kami, dahil nakilala ka na namin, alam mo bang mahal na mahal ka ng anak namin..kaya ibinibigay namin ang aming basbas.
Cristy : panatag kami, dahil ikaw ang makakasama ng anak namin, alam kong mamahalin mo si Jera, dahil mahal na mahal ka ng anak namin.
Ronald : hindi ka nakalimutan ni Jera, Buhat nong iniligtas mo siya noong malunod siya sa dagat, noong bata nga yan walang bukang bibig si Jera kundi ikaw, ipinagmamalaki pa nga niya na tinuruan mo pa daw siyang lumangoy.
Jera : papa, huwag ka ng magkwento.
Ronald : anak, ayos lang na malaman ni Jojo ang Lahat.
Jojo : oo nga mahal, gusto kong marinig–
Jera : huwag na, nahihiya ako eh!
.
Nagtatawanan na lang silang apat, ngunit hindi napigilan ni Jera ang papa niya na magkwento tungkol sa kanya, kung paano niya pinahalagahan ang alaala ng batang lalake na nagligtas sa kanya, na ngayong magiging kabiyak na niya.
.
Ronald : Jojo anak, ipinagkakatiwala ko sayo ang anak ko, alam kong mamahalin mo si Jera, gaya ng pagmamahal niya sayo.
.
Napakasaya ni Jojo nang tawagin siyang anak ni Ronald.
.
Jojo : mamahalin ko po ang anak ninyo na higit pa sa buhay ko, ipinapangako ko po yan, hindi lang po ako sa inyo mangangako pati na sa Poong may Kapal, pangako ko na mamahalin at poprotektahan ko po si Jera
Ronald : salamat anak!!( sabay tapik sa balikat)
Cristy : Jojo, Masaya kami na mapapabilang ka na sa pamilya namin.
Jojo : maraming salamat po tita-
Cristy : mama hijo, tawagin mo na akong mama.
Ronald : ako din Hijo.
Jera : pa, mama din po ang itatawag sa yo?(biro niya sa ama)
Ronald : syempre papa, batang to.
.
Nagtawanan na naman sila sa biro ni Jera, dahil doon ay wala ng dahilan para malungkot si Jera, dahil the search is over dahil ang man of her dreams ay natagpuan na ni Jera.
.
Cristy : hay naku, sa makakwentuhan natin, gutumin tayo, Jera bahala ma na diyan kay Jojo at kami ng papa ninyo ay magluluto muna.
Ronald : oo nga pala may niluluto ako.
Jera : sige po mama, papa, sarapan niyo po ang luto niyo.
Ronald : oo naman para aming mamanugangin.
.
Kinilig naman ang puso ni Jojo sa sinabi ng papa ni Jera, at samantala naman sa Mall ay naglalakad-lakad ang magkaibigang Andrea at Karen, sinama ni Andrea si Karen na magbakasyon, napagod silang maglakad lakad kaya, kumain sila ni Karen sa isang Fastfood sa Mall, nang maka-order na ang dalawa ng food nila ay kanya kanya silang bitbit ng tray, at humanap ng mapagpupwestuhang lamesa, at ng nkapwesto na sila sa lamesa, ay nag-umpisa na silang kumaing mag-kaibigan, at habang kumakain ay nag-kukwentuhan.
.
Andrea : alam mo best ang saya saya ko, kasi pupunta daw kami sa bahay ni Ate Jeralene, mamanhikan, magpo-propose si Kuya Jo ngayon.(kinikilig na sabi)
Karen : ah yong ate ni Jomel.
Andrea : oo, ang saya madadagdagan na ang member ng pamily namin.
Karen : halata nga best, dahil yong mga mata mo nagniningning, at saka yun lang ba talaga ang ikinasasaya mo?
Andrea : oo..bakit?
Karen : aminin mo na kasi na–
Andrea : oo na best, ewan ko ba ngayon ko lang naramdaman ito, hindi na paghanga itong nararamdaman ko, parang mahal ko na yata si Jomel.
Karen : e pano yan best diba babalik kana sa canada.
Andrea : oo nga, pero mejo matagal pa yun, 2 mos. pa ako dito, gusto kong hintayin munang maikasal si Kuya bago ako bumalik ng Canada.
Karen : best naitanong mo na ba kay Jomel kung may girlfriend na siya?
Andrea : hindi best, nakakahiya naman kung itatanong ko ano!!
.
Hindi nagtagal sa pag-uusap nila Andrea at Karen ay bigla siyang nagulat ng makita si Jomel may kasamang babae.
.
Andrea : Jomel?
.
nagtaka naman si Karen kung bakit lumungkot ang mukha ng kaibigan, tiningnan ni karen ang direksiyon ng tingin ni andrea.
.
Karen : Best, okay ka lang? Sino ba yong tinitingnan mo?
Andrea : best si Jomel.
Karen : ha, saan?
Andrea : yong may babaeng kasama.
Karen : naku, may girlfriend na siya Best, tingnan mo naman yong babae nakapalupot na kay Jomel.
.
Nakaramdam ng kirot ang puso ni Andrea, nagseselos si Andrea sa babae, maganda ang babae, maputi, sexy, nakakapit pa sa bewang ang babae at naka-akbay naman si Jomel sa balikat ng babae, napaka-sweet ng dalawang naglalakad, at hanggang sa pumasok sa isang department store, na katapat lang ng fastfood na kinakainan nila, mukang bibili ng damit ang babae, at hindi nagugustuhan ni Andrea ang nakikita niya yumayakap pa ang babae kay Jomel, hindi na niya kayang makita si Jomel at ang babae, kaya kahit hindi pa ubos ang pagkain ay inaya na niyang umuwi si Karen.
.
Andrea : tayo na best,(sabay tayo at mabilis ang hakbang papalabas)
Karen : ah, best sandali, hintayin mo ako.
.
Mabilis na lumabas si Andrea at nagtungo sa parking area, di na niya nililingon si karen kung nakasunod sa kanya, gusto niyang makalayo doon, at hanggang sa makarating sa parking area, at sumakay na sila at umalis na sa lugar na iyon..
.
Samantala naman sa mall, si Jomel ay nagmamaka-awa sa kapatid na si Jennifer na huwag pabili ng pabili, naroon sila sa deprtment store..
.
Jomel : ikaw talaga, kaya mo pala ako isinama dito ay para ako ang pagbayadin mo ng bibilin mo.
Jennifer : hindi naman kuya, nagkataon lang na ikaw yong walang ginagawa, si papa busy eh, ayaw paistorbo.thank you kuya!(Sabay yakap sa kuya)
Jomel : hay naku, kung hindi ka lang mabait hindi kita ililibre..
Jennifer : thank you, thank you talaga kuya, pero last na lang kuya, may gusto akong pabango dun, kuya bilan mo ako, sige na kuya please!! Please kuya, sige na!!
Jomel : Jen!!! Pambihira ka naman, uubusin mo ba yong pera ko, may sarili ka namang pera, nagsusweldo ka na din naman ah.
Jennifer : sige na kuya, wala pa nga akong sweldo.
Jomel : hay naku talaga itong baby sister ko, napaka-utak!! Naku kawawa magiging boyfriend mo. Maghihirap!! Sige hali ka na nga, pero last na yun ah, umuwi na tayo at, napapagod na akong maglakad, halos ikutin na nating mall na ito.
Jennifer : thank you kuya.promise kuya last na yun, next month uli..(nakangiti niyang sabi)
Jomel : Next month!!(gulat niyang sabi)
.
Napapakamot na lang ng ulo si Jomel sa kapatid, sunod sa luho ang kapatid niyang si Jennifer, sa kanila ng ate Jeralene niya. Makalipas ang mga sandali ay umuwi na ang magkapatid ng matapos silang mamili..nang makarating si Jomel at Jennifer sa kanilang bahay ay napansin ni Jennifer na may bisita ang papa niya, kausap sa sala, si Jomel ay nasa labas pa lang at iginagarahe ang kanyang sasakyan, lumapit si Jennifer sa papa niya at nagmano.
.
Jennifer : may bisita po pala kayo pa.
Ronald : oo anak. Ang kuya Jojo mo..
Jennifer : omg..ikaw si kuya jojo, hi kuya kumusta!! Ako si Jennifer, ang bunsong kapatid ni Ate Jera.(nakipagkamay)
Jojo : hi!! (nakangiti niyang sagot)
Jomel : oh kuya Jojo, buti natagpuan mo ang address namin.
Jojo : oo madali lang naman hanapin itong address ninyo, malapit lang dito yong resthouse namin.
Jomel : ganun ba, kasama mo din ba sila tito max at tita flor?
Jojo : oo kasama ko sila, kasama ko din si Andrea kasama niya si Karen.
.
Tumalon ang puso ni Jomel sa tuwa ng malaman niyang kasama si Andrea, nahiya si Jomel na itanong kung pati si andrea ay kasama. Buti na lang at din ay nasabi din ni Jojo na kasama ang kapatid..
.
Jeralene : oh dumating na pala ang mag-kuya.mukhang madami kang binili jen ah??
Jennifer : konti lang yan ate.
Jomel : naku ate, ako lahat ang nagbayad niyan..kaya pala ako isinama, para ako ang pagbayarin ng mga binili.
Jennifer : grabe si kuya, wag kang mag-alala, babayaran ko ito, pag-nagkagirlfriend ka sagot ko ang isang beses ninyong date!!!
Jomel : isang beses lang?? Mukhang lugi naman ako diyan ah.
Cristy : tama na kayong mag-kuya, hindi na kayo nahiya sa kuya Jojo ninyo.
Ronald : naku, huwag na silang mahiya sa kuya Jojo nila, kailangan masanay si Jojo sa kakulitan ng bunso natin na yan. E paano binibeybi naman kasi ni Jera at Jomel ang kapatid nila, ayan nawili naman..
Jennifer : papa naman, nextime kayo nalang po ang kasama ko.
Ronald : busy ako anak.
.
Nagtawanan na lang sila sa reaksiyon ng ama.
.
Cristy : siya nga pala, Jomel, Jennifer, si ate Jeralene ninyo at si Kuya Jojo ninyo. Ay may balak ng magpakasal..
Jomel&Jennifer ; talaga po!! (Sabay pa nilang sabi, at tumingin sa ate nila)
Jera : (ipinakita ang kamay na may singsing) ganda oh!!
Jennifer : ayyy, sa wakas totoo na to, salamat naman at, hindi ka na magpapantasya sa Lalakeng nagligtas sayo nong 10 yrs old ka— (tinutop ang sariling bibig.) Ay sorry ang daldal ko. Bulong sa ate niya.
Cristy : kaya nga masaya kami para sa ate ninyo dahil ang pinapangarap niyang lalake ay siya din ang makakatuluyan niya.
.
Natigilan ang dalawa sa kanilang narinig sa ina.
.
Jomel&Jen : ano po?(sabayan nilang sabi)
Ronald : magugulat kayo, pag nalaman ninyong si Jojo at ang batang lalakeng nagligtas sa ate ninyo ay iisa.
.
Nagulat ang dalawa sa nalaman, hindi makapaniwala, walang nakapagsalita sa dalawang magkapatid dahil sa sobrang pagkamangha.
.
Ronald : hindi kayo makapaniwala ano!
Cristy : tadhana ang tawag diyan.
.
Napansin na lang ni Jojo na naiiyak si Jennifer.
.
Jennifer : Kuya Jojo ikaw yun!(umiiyak na sabi)
.
Saksi kasi si Jen sa mga pantasya ng ate niya sa batang lalake, saksi siya sa mga lungkot ng ate niya dahil sa pagkasabik ng ate niya sa batang lalake, kaya hindi niya napigilan ang luha sa labis na tuwa.
.
Jomel : alam mo ate kuya jojo, hindi ko alam yong nararamdaman ko ngayon. Yong may halong kilabot, tas saya, biruin ninyo pinagtagpo kayo.
Jojo : oo Jomel, kahit kami ni ate mo, nabigla kami.
Jera : Wala naman kasing imposible dito sa mundo.
Cristy : tama anak, nangyayari talaga yong mga imposible.
Jennifer : wow!! Ate kayo na talaga ang nakatadhana, grabe kinikilig ako!!!papa, pwede na ba ako mag-biyfriend?(tanong sa papa niya)
Ronald : oo naman anak, pwede na.
Jomel : naku, kawawa naman.
Jennifer : sino kuya ang kawawa?
Jomel : yong magiging bf mo!!
Jennifer : si kuya talaga.
Cristy : tama na ang kulitan, tayo na dito at magmeryenda tayo, nagluto ako ng meryenda natin.
Ronald : pasensiya kana sa mga kapatid ni Jera, at makukulit masanay ka na sa kanila lalo na jan kay Jennifer, sobrang kulit niyan, pero mabait naman, at yan namang si Jomel, wala akong masabi diyan sa anak ko na yan, mapagmahal yan sa mga kapatid, at ganun din sa amin, kami din lagi ang inuuna niyang bata na yan, ni hindi man lang nanliligaw, abay nasa edad naman na ayaw pang mag-girlfriend.
.
Masaya si jojo dahil natagpuan na niya ang babeng pinangarap din niya noong siya ay bata at masaya siya dahil nakilala na niya ang pamilya ni Jera, wala siyang masabi sa mga ito, napakaswerte niya at ang babaeng minamahal ay may perpektong pamilya, at hindi nagtagal ay pinagpaalam ni Jojo si Jera kina Ronald at cristy na isasama niya muna si Jera upang ipakilala sa magulang niya, pumayag naman agad ang mga ito, at hindi nga nagtagal, ay nakarating na sila sa bahay nila Jojo, excited nang makilala ni Jeralene ang mga magulang ni Jojo, sinalubong agad nila Max at Flor sina, Jojo at Jera sa may pinto at niyakap agad si Jera.
.
Flor : Jeralene, iha masaya kami at nakita ka na namin.
Jojo : mahal si mama, at ito si Papa,(pagpapakilala sa magulang)
Jera : kumusta po kayo!!
Max : masaya kami, dahil ipinunta ka na ni Jojo dito samin.
Flor : Halika tumuloy ka.
Jera : salamat po.
.
Nagtungo sila sa sala at naupo sa sofa.
.
Flor : hija, nagpapasalamat kami sayo, dahil hindi mo pinabayaan ang Jojo namin.
Max : humahanga kami sa katapangan mong pinamalas na kahit babae ka at walang kalaban laban ay sinuong mo pa rin ang kapahamakan, matulungan lang ang anak namin.
Flor : habang buhay kaming magpapasalamat sa iyo Jera.
Jera : wala po yun, ang totoo po ako din po ay dapat magpasalamat sa anak ninyo, dahil iniligtas din po ako ng anak ninyo, noong bata po ako.
Jojo : ah mama, papa naalala niyo po yung lagi kong kinukwento sa inyo na batang nalunod, noong bata pa ako.
Flor ; ah oo anak naaalala ko pa yun, yong sabi mong crush mo..oo naman natatandaan ko pa.
Jojo : siya po yong batang babae na yun ma!!
Flor : talaga hijo? (at nakita ni Cristy ang kwintas na may palawit na kabiyak ng puso)…oo nga siya nga, nasa iyo ang kabiyak na puso ng anak ko.
Jera : opo, hindi nga din po ako makapaniwala, sa totoo po buhat noong bata ako ng makita ko ang anak ninyo di ko na po siya nakalimutan, hanggang ngayon, pinangarap ko po nun na sana balang araw magkita parin kami, kaya ito po masaya ako dahil, pinagtagpo po uli kami ng Diyos.
Jojo : sabi ko nga po sa kanya ma, na kaya niya ako iniligtas sa kadenang bakal dahil kilala ako ng...


puso niya, hindi man niya ako nakilala sa itsura pero yong puso niya kilala ako.
Max : Naku mga anak, talagang kayo ang magkapalaran, alam mo bang hindi nagpapakilala yan ng girlfriend niya, ikaw lang ang ipinakilala sa amin niyan..at masaya kami ng mama niyo sa pasya niong magpakasal na.
Flor ; masaya kami para sa inyo mga anak, Darling, tayo nang mamanhikan, at nang maitakda na ang kasal nila Jojo at Jera.
Max : sige Ling, ngayon na halika na!
Jojo : ah mama, papa, masyado naman po kayong nagmamadali, baka po pwedeng mag-dinner na po muna tayo..at saka bukas nalang po, para makapag-handa kayo.
.
Excited kasi ang mga magulang ni Jojo, mas excited pa sa kanya, kaya mga natataranta ito.
.
Flor ; oo nga pala..teka at ihahanda ko na ang pagkain natin, Ling tawagan mo nga si Andrea kung nasaan na, kakain na tayo wala pa.
Max : sige at tatawagan ko na..abay ayan na pala sila eh..tamang tama.
.
Pagpasok ni Andrea at karen sa pinto ay nasalubong nila si Max..dumiretso sila kay max hindi nila napansin sila Jojo at Jera na naka-upo sa sofa sa may sala..pagkabeso ni karen kay Tito max niya, ay pumunta siya agad kay Tita Flor niya.
.
Andrea : papa..wala pa po si kuya?
Max : ayan na sila kuya mo, pati ang ate Jera mo.
.
lumingon sa kinaroroonan ng dalawa, lumapit siya sa mga ito at bumeso sa kuya niya at kay Jera.
.
Andrea : hi ate!
Jeralene : hello andrea.
Andrea : ano kuya, approve na ba?(ang proposal ang tinutukoy)
Jojo : syempre naman, approved na!
Andrea : wow congrats to both of you, ate, kuya, this is it kuya, finally si Jojo Maravilla mag aasawa na!!
Jojo : Happy ka ba para sa kuya mo?
Andrea : syempre naman kuya, happy ako.
Jojo : siguro mas happy ka kung malalaman mong si Jera ang batang babae nun na kinukwento ko.
Andrea : omg..wait si ate Jera yong batang niligtas mo noon, yong sinabi mong babalikan mo dito sa pilipinas, at liligawan mo.
Jojo : yap!
Andrea : omg!! Its a destiny!!
Jojo : exactlly!!
Andrea : hay, grabe totoo pala ang destiny, oh my God, tumatayo ang balahibo ko!!
.
Manghang mangha si Andrea sa nalaman.
.
Andrea : ay grabe talaga, kinikilig ako!
.
Hinawakan ni Andrea ang kamay ni Jera.
.
Andrea : Ate Jera, masayang masaya ako dahil nakilala na kita, welcome to the family, ate, sinisiguro ko sayo na hindi ka paiiyakin ni kuya, dahil si Kuya mabait yan, maaalalahanin, mamamahalin ka niyang ng sobra.
.
Natuwa naman si Jojo sa kapatid.
.
Jojo : ang sweet naman ng sis ko, sabihin mo may kailangan ka ano.
Andrea : wala kuya, totoo naman kasi yong sinasabi ko.
Jojo : salamat.
.
Makalipas ang mga sandali ay nakadulog na silang lahat sa hapag kainan, masya nilang pinagsasaluhan ang inihandang pagkain ni Flor, at hanggang sa biglang lumungkot ang mukha ni Andrea ng marinig ang pangalan ni Jomel, at pansin ni Max ang pagbabago ng mood ng anak, dahil kanina lang daw ay masayang nagkukwento, ngayon daw ay parang tumamlay.
.
Max : Andrea anak, bakit may problema ka ba anak?
Andrea : (nagulat sa tanong ng ama, napatingin siya kay karen)..ah wala po papa.
Flor : masama ba yong pakiramdam mo anak?
Andrea : ah hindi po ma, medyo busog po kasi ako, kumain po kasi kami ni karen sa mall kanina.
Max : ganun ba.
Andrea : opo pa, siya nga po pala papa, mama, babalik na po ako ng canada nextweek, tinatawagan na po ako.
Flor : naku ganun ba. Akala ko ba hindi ka pa babalik?
Max : oo,nga anak, ikakasal pa si kuya mo.
Andrea : babalik na lang po ako sa wedding day nila kuya at ate Jera.
Kailangan na daw po kasi ako doon, kaya bukas po babalik na po ako sa manila, mauuna na po ako sa inyong umuwi.
Max : teka anak, mamamanhikan pa tayo bukas ng gabi kila ate Jera mo, gusto ko kumpleto tayong pamilyang pupunta doon.
Flor : oo nga naman anak, matitiis mo ba ang kuya mo.
Jojo : oo nga naman, Andrea, diba ikaw pa mismo ang may sabing magrerelax relax tayo dito, ni Hindi pa nga tayo nakakalibot dito oh, hindi mo pa naililibot si Karen.
Karen : best diba sabi mo, mag stay ka pa dito hanggang kasal ni kuya.
Andrea : may sinabi ba akong ganun!
Jojo : basta, Andrea dapat kasama ka namin bukas.
Max : at saka paano kayong magkikita ni Jomel kung aalis ka na bukas.
.
Nasamid si Andrea ng banggitin ang pangalan ni Jomel ng papa niya.
.
Flor : oo nga pala, diba sabi ni Jomel, bukas ang dating niya.
Jera : ah, dumating na po siya, hindi daw po natuloy yung lakad nila ng Bestfriend niyang si Sherwin.
Jojo : opo ma, yong pulis na tumulong na irespondi si Jera at ako.
Max : ah si Sherwin, bestfriend niya pala yun.
Jera : opo, taga dito din po yun, uuwi din po yun dito bukas, at dito nalang daw sila mag-bobonding na magkaibigan, bihira po kasing magkita ang magkaibigan dahil sa mga hectic ang schedule sa trabaho.
Flor : ganun ba. Tamang tama pala ang pamamanhikan natin, dahil nandiyan na si Jomel.
Max : alam mo jera, sobra din ang pasasalamat ko kay Jomel, kung hindi dahil kay Jomel, ay baka napahamak na din ang dalaga namin.
Jera : nagulat nga din po ako ng ikwento sakin ni Jomel yong nangyari kay Andrea.
Max : kaya sobra kaming nagpapasalamat sa inyong magkapatid.
.
natapos ang kanilang dinner at hindi nagtagal ay inihatid na ni Jojo si Jera sa bahay ng dalaga, habang nasa byahe sila ay naguusap sila.
.
Jojo : mahal sobrang saya ko, ikaw ba masaya kaba?
Jera : oo naman, sobrang saya ko hanggang langit ang lundag ng puso ko, dahil hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko ito, ang makasama ang minamahal kong lalake ng buong buhay ko, at mula pa pagkabata ko ay pinangarap ko na.
Jojo : thank you mahal..
Jera : thank you saan?
Jojo : dahil sa hindi mo ako kinalimutan, dahil sa ako ang nilalaman ng puso mo.
Jera : salamat din dahil, minahal din ako niyan (tinuro ang tapat ng puso)
Jojo : nakilala ka din ng puso ko mahal, kaya kita minahal agad, sinabi niya sakin na ikaw ang nakaukit doon…I love you mahal!!!(kinuha ang kamay ni jera at idinikit sa kaniyang mga labi)
Jera : i love you too mahal!!
.
At sumapit ang kinabukasan, ay abala si Jera sa paglilinis ng bahay, sa kinagabihan kasi ay mamamanhikan na ang mga magulang ni Jojo sa kanila, wala siyang katulong na maglinis, ang mama at papa niya ay umalis, namalengke ang mga ito, si Jennifer naman ay pumasok ng trabaho, at ganun din si Jomel, mamayang hapon na ang balik ng mga kapatid, at hindi nagtagal ay may kumakatok sa may gate nila, at tiningnan niya kung sino.
.
Jera : Mae!!!(dali dali niyang binuksan ang gate)
Mae : hi, (nagbeso ang magkaibigan).. namiss kita sis!
Jera : ako din sis!! Halika pumasok tayo sa loob marami akong ikukuwento sayo na tiyak na magugulat ka!
.
At ayon gulat na gulat nga si Mae sa mga nalaman tungkol kay Jojo, hindi makapaniwala ito makapaniwal.
.
Mae : ay pambihira, ako kaya kailan dadating ang itinadhana sakin..
.
Nagtawanan ang mag kaibigan.
.
Samantala naman sa mall, lunch break ni Jennifer.
.
Sherwin : Jen. Thank you ah pinaunlakan mo yong inbitasyon kong mag-lunch tayo.
Jennifer : youre welcome, thank you din sa masarap na lunch.
Sherwin : kumusta ka na?
Jennifer : eto okay lang, ikaw?
Sherwin : ok lang din. Ah Jen, kumusta nga pala yong tinatanong ko noon sayo?
Jennifer : H-ha!! A-ano ba yong tinatanong mo sakin??
Sherwin : kung pwede mong tugunin yong pagmamahal ko sayo.
.
Nasamid si Jen. At mabilis naman siyang inabutan ng tubig ni Sherwin.
.
Sherwin ; eto yong tubig uminom ka muna..(inabot ang tubig na may baso)
Jennifer : (kinuha ang baso at inimum) salamat, pasensiya ka na, naalala siguro ako ng mama at papa ko kaya ako nasamid, o kaya baka si Kuya o ate ang naka-alala sa kin, alam ba ni kuya na dumating kana?(pag-iiba niya sa usapan)
Sherwin : oo, alam niya, alam din niyang magkasama tayo.
Jennifer ; talaga ba!
Sherwin : Jennifer. Mahal kita, kaya kahit gaano katagal mag-hihintay ako.
.
Hindi makapaniwala si Jennifer na hanggang ngayon ay hinihintay siya ni Sherwin, matagal na itong nagtapat sa kanya ng pag-ibig noon pang 1st yr college siya, sinabi niya dito na kung makakahintay ito hanggang sa makatapos siya, at ngayon nga graduate na siya at nagtatrabaho na, kaya heto na uli si sherwin at hinihintay ang kasagutan niya, hindi nawala ang kumunikasyon nila mula ng madestino ito ng manila, lagi silang nagkukumustahan, noong nag-aaral pa si jennifer ay hindi nagtatanong si Sherwin o nagbabanggit tungkol sa panliligaw nito sa kanya, kaya nga ngayon na itinatanong ni sherwin kay Jennifer kung ano ang sagot nito, dahil tapos na ng pag aaral ito, masaya si Jen na makilala ang kaibigan ng kuya niya, napalapit na ang loob niya dito dahil mabait naman si Sherwin, isa pa kilala na ng pamilya ni si Sherwin, at kilala din niya ang pamilya ni Sherwin, hanga din naman si Jen sa pamilya ni Sherwin dahil mga mabubuting tao ang mga pamilya nito, at isa pa, nahulog na din naman ang loob ni Jen kay Sherwin.
.
Jennifer : Sherwin. Mahal din kita!!
.
Gulat si Sherwin sa sinabi ni Jen.
.
Sherwin ; Mahal mo na ako??
Jennifer : oo, matagal na kitang mahal sherwin.
Sherwin : talaga!! Ibig bang sabihin, tayo na??
Jennifer : oo tayo na!!
Sherwin : totoo ba?
Jennifer : oo nga!
Sherwin : e di girlfriend na kita??
Jennifer : oo (nakangiti niyang sabi)
.
Napasigaw si sherwin sa tuwa.
.
Sherwin : Yes!!! (Sigaw nito)
Jennifer : hoy ano kaba, huwag kang maingay, nakatingin na sayo yong mga tao oh.
Sherwin : (napayakap kay Jennifer) thank you!
.
At sa di kalayuan ay nakita ni Andrea at Karen ang babaeng kaakbay ni Jomel ng makita din nila ito doon, hindi makapaniwala si Andrea sa nakita,
.
Andrea : grabe yong babae na yon, ang landi naman, nagtataksil kay Jomel.!
.
Inis na inis si Andrea sa babae, niloloko daw nito si Jomel, nakikipagyakapan pa ang babae sa ibang lalaki.
.
Andrea : best pigilan mo ako, sasabunutan ko yong babae na yun, niloloko pa yata si Jomel.
Karen : best, maghunos dili ka, wala kang karapatang sugurin ang babae, di mo siya kilala, at wala ka nang paki-alam dun..bahala si Jomel sa buhay niya, kung niloloko siya..
Andrea : hindi best, may paki-alam ako, kasi mahal ko si Jom, ayokong masasaktan siya.
Karen : eh kung ganun best, ipaglaban mo.
Andrea : oo best, sandali at kukuhanan ko ng picture at ipapakita ko kay Jomel yong ginagawa ng babae na yan.
.
At kinuhanan nga niya ng picture.
.
Andrea : Bruha kang babae ka, sasaktan mo pa yong mahal ko.
.
At Hanggang sa sumapit na ang gabi, ready na ang Pamilya Adair para sa pagdating ng kanilang mga bisita, excited si Jera. Pero mas excited pa si Jomel, dahil alam niyang kasama si Andrea.
.
Jennifer : kuya Jomel, parang exited ka ah.
Jomel : Oo, syempre, ipapamanhiman na si Ate.
Jennifer : talaga ba! Baka naman excited ka dahil kay Andrea.
Jomel : sige, biruin mo ko, bahala ka sa next month, huwag mo akong aayain sa mall.
Jen : kuya naman biro lang.
.
Samantalang sa sasakyan habang nagbibyahe ang pamilya Maravilla, ang nasa isip ni Andrea ay si Jomel, nasasabik na siyang makita ulit si Jomel, at ipapakita niya ang picture nong babae.
.
Andrea : Jomel hindi ako makakapayag na sasaktan ka ng babae nayun.
.
At hindi nga nagtagal ay inihinto na ng kuya Jojo niya ang sasakyan sa tapat ng gate, sa isip niya ay baka doon na ang bahay nila Jomel, kaya bumibilis ang tibok ng kanyang puso. At hindi nga nagtagal ay may lumabas na lalaki sa bahay, para bukasan ang gate, at nakilala nga ni Andrea na si Jomel ang nagbukas nun, ipinasok ng kuya niya ang sasakyan sa loob mg bakuran, at nang makababa sila ay nakaabang si Ate Jera niya sa may pinto at may kasama doon sa tantiya niya ay ito ang mga magulang nila Jomel, at lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng pagbaba niya ay naroon sa tabi niya si Jomel, nang makababa siya ay kasunod naman niyang bumaba si Karen, mejo nahuli sila na pumasok sa bahay, nauna ng pumasok ang kuya niya at Mama at papa niya, pati ang mga kasama nilang kasambahay na naghahakot sa loob ng mga inihandang pagkain ng mama niya na pagsasaluhan nila.
.
Jomel : hi, Andrea!(nakangiting bati niya)
Andrea : hi, ah Jomel si Karen, bestfriend ko, natatandaan mo si Karen?
Karen : hi!!
Jomel : hi, oo naman natatandaan ko siya, tara pasok tara sa loob.
.
At hanggang naroon na ang lahat sa loob.
.
Max : magandang gabi po sa inyo!(masayang bati niya sa mga magulang ni Jera)
Ronald : magandang gabi din po.
Flor : nandito po kami ngayon, para hingin ang kamay ng anak niyong si Jera..
Cristy : opo, wala po kaming tutol diyan.
Max : napaka-swerte niyo po na magulang, dahil ang mga anak ninyo po ay may mabubuting puso, labis po kaming nagpapasalamat dahil iniligtas nila ang mga anak namin, si Jera ay iniligtas si Jojo, at ganun din si Jomel iniligtas niya ang aming Andrea.
Ronald : kami din po ay labis na nagpapasalamat kay Jojo at iniligtas niya din ang aming anak noong sampung taong gulang palang si Jera..
Flor : opo, naikwento nga po ni Jojo yan, noong bata siya na may iniligtas nga daw siyang babaeng nalulunod,.talagang sila po ang magkapalaran ano po.
Criaty : opo nga.
Max : e di paano po balae, pagusapan na po natin ang kasal ng mga bata.
Ronald : sige po, balae.
.
At nakapasok na din sila Andrea at Jomel at karen sa bahay.
.
Andrea : good evening po!
Ronald&Cristy : good evening din.
Max : ah balae ito ang anak kong dalaga, si Andrea!!
Cristy ; ah ikaw si Andrea, napakaganda mo naman hija
.
Bumeso si Andrea kay Cristy at Ronald..
.
Ronald : kay gandang bata nga, kaya pala nabighani ang aking binata eh.
Jomel : papa!! (Dinilatan ang ama)
Ronald : biro lang anak..(natatawa niyang sabi) nasaan ba si Jennifer nandito na ang bisita natin hindi pa bumababa dito.
Cristy : tawagin mo Jomel ang kapatid mo.
Jomel : opo ma.
Max : aba balae, mukhang magdodoble balae tayo ah.
Ronald : sana na nga balae.
.
Namumula si Andrea sa mga biruan ni Max at Ronald, sa isip niya baka hindi mangyayari yun, dahil may Girlfriend na si Jomel, nakita ng dalawang mata niya, pati mata ni Karen ay saksi sa nakitang may kasamang babae si Jomel sa mall at magkayapos pa ang mga ito habang naglalakad, pero ang babaeng iyon ay isang manloloko, kaya mamaya pag may pagkakataon siyang makausap ng sarilinan si Jomel ay ipapakita niya sa cp niya ang babae na kinuhanan niya ng picture na may kasamang ibang lalake.
.
Flor : unahin muna kaya natin ang pagkain.
Max : oo nga pala, kumain muna tayo.
Cristy : sige po balae, kumain na po tayo, napakadami naman po ng dinala ninyong pagkain, nagluto din po ako.
Flor : okay lang yan. Marami naman tayo dito, at para may merienda pa tayo mamaya, dahil matagal tagal na usapan.
.
At nagpuntahan na sila sa hapag kainan.
.
Sa kwarto ni Jennifer..
.
Jomel : (kumatok) Jen!!
Jennifer ; kuya bukas yan.
Jomel : (pumasok sa kwarto) wow ang ganda naman ng baby sister ko.
Jennifer : ano ka ba kuya, di na ako baby ano!! Bagay ba sakin kuya isinuot ko na yong ibinili mo sa akin.
Jomel : oo bagay sayo..uhhm ang bango nang pabango mo ah.
Jen : talaga kuya mabango? Thank you kuya ha..hayaan mo pag nagsweldo ako. Ikaw naman ang ililibre ko.
Jomel : hayaan mo na, masaya din naman ako pag nakikita kong masaya ang kapatid ko, oh halika na nasa baba na ang mga bisita.
Jen : ganun ba kuya, sandali lang, check ko lang uli ang face ko, alam mo na baka mamaya dumating na siya.
Jomel : hay naku, hindi na nga baby ang kapatid ko, naunahan pa akong magka-lovelife!!
Jen : manligaw ka na kasi kuya.. ligawan mo na si Ate Andrea.
Jomel ; nahihiya nga akong manligaw, natutupi yong dila ko pag sasabihin ko na kung pwede akong manligaw..
Jen : hay naku! Problema nga yan. Sige tayo na sa baba.
.
At bumaba na nga silang magkapatid. Naka-kapit pa siya sa braso ng kuya niya, nag-uusap sila habang bumababa ng hagdan.
.
Jomel : paano mong ipapakilala si Sherwin na boyfriend mo kila mama at papa?
Jen : sinabi ko na kanina pa kila mama at papa, kaya alam na nila..si papa ang nag-imbita kay sherwin ngayon, pinatawagan sakin si Sherwin at sabihin ko daw na pumunta ngayon, alam mo na, para makapagpasalamat sa tulong niya sa pagresponde kila ate.
Jomel : ganun ba. Ok ha.,lakas talaga ni Pareng sherwin, kaya lang goodluck sa kanya!!
Jen : at bakit naman kuya!!
Jomel : wala lang, baka mamulubi(tumatawa niyang sabi)
Jen : kuya naman eh!!! Ibubuking kita kay Ate Andrea sabihin ko gusto mo siya(tumatawa din niyang sabi)
Jomel : uy, huwag naman!
Jen : excited na akong makilala si Ate Andrea.
Jomel : behave ka ah, kasi hindi ko alam ang gagawin ko, nahihiya talaga ako.
.
At nagtatawanan silang magkuya hanggang sa makababa sila.
.
Cristy : ano ba kayong mag-kuya kayo, napaka-tagal niyong bumaba.
Ronald : oh hali na kayo at kumain na tayo.
.
Hindi agad napansin ni Andrea ang magkapatid at busy siya sa celpon, sinisikaran ni Karen ang paa ni Andrea para ituon ang atensiyon sa magkapatid, napatingin si Andrea sa gawi ni karen dahil magkatabi sila sa lamesa, at ngumunguso si Karen sa gawi nila jomel at Jennifer, at napatingin na nga si Andrea sa gawi ni Jomel at Jennifer, ganun na lang ang gulat niya sa nakita, nandoon ang babaeng pinicturan niya na may kasamang ibang lalake.
.
Ronald : eto ang anak kong bunso balae, si Jennifer!!
Jennifer : magandang gabi po sa inyong lahat!!
Max : maganda din pala ang bunso ninyo balae.
Jen : ay thank you po!!
.
At dumako ang tingin ni Jennifer kay Andrea at Karen nagtatanong ang isip ni Jennifer kung sino ang Andrea sa dalawa.
.
Jojo : ah Jen, siya nga pala, eto si Andrea ang kapatid ko.
Jen : Hello ate Andrea.
.
Lumapit si Jen kay Andrea at bumeso dito, hiyang hiya naman si Andrea sa mga sandaling iyon, hindi siya makapag salita, dahil mali pala ang kanyang iniisip, mali ang kanyang akala..
.
Andrea : hi Jennifer!
Jennifer : sa wakas nakilala ko na din yong laging kinukwento ni Kuya.
Jomel : Jen!(pinandilatan ng mata)
Ronald : siya nga pala anak, wala pa ba si Sherwin?
Jomel : si sherwin na po siguro yong dumating pa, salubungin ko lang.
Cristy : sige anak at para sabay sabay na tayong kumain.
Jen : ah papa. Salubungin ko din po ah..
Ronald : sige anak.
.
Nagbubulungan si Andrea at Karen.
.
Karen : best, mali yong iniisip mo!!
Andrea : oo nga best, (pinagbubura ang picture sa cp niya)..mali ako, buti nalang di ko pa sa kanya napapakita..nakakahiya kung sakaling napakita ko ito sa kanya, siguradong pagtatawanan ako nun.
Karen : sobrang katawa-tawa ka nga.
.
At Hanggang sa naroon na sa loob ng bahay si Sherwin.
.
Sherwin : good evening po,(nagmano kay Ronald at Cristy)
Jera : hi sherwin, (bumeso)
Sherwin ; hi ate, pamanhikan pala ito ano.
Jera : oo nga eh, buti at nakapunta ka.
Ronald : oo sherwin, mabuti at dumating ka..siya pala si Jojo ang mapapangasawa ng ate Jera ninyo, at sila yong mga magulang ni Jojo.
Sherwin : opo, si sir max po..magandang gabi po sa inyo. Sir Max,Ma’am–?
Max : Flor ang pangalan ng Misis ko..
Flor : ah ikaw pala si Sherwin, salamat sayo sherwin ah, dahil natapos na ang kasamaan ng George na iyon.
Sherwin : wala po yun, trabaho po naming mga pulis ang tumugis sa mga masasamang tao.
.
At pumwesto na sila sa kani-kanilang upuan, binigyan ni Jennifer ang kuya jomel niya ng puwang upang maka-upo si Jomel sa tabi ni Andrea, napangiti na lang si Andrea sa ginawa ni Jennifer sa kuya, na nag-thumbs up ito.
.
itutuloy ..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top