UNWANTED LOVE CHAPTER FIFTEEN


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER FIFTEEN
Napasandal si Bryan sa kotse niya, nalamukos niya ang mukha niya at saka napaisip. Sa totoo lang natatakot na siya sa pwedeng mangyari kapag nalaman ni Trisha ang totoo. Bumalik sa alaala niya ang nakaraan kung paano niya minahal si Trisha, kung paano siya nasaktan at umasa, kung pano niya nagawa ang hindi niya dapat ginawa at ang paghihirap niya pagkatapos ang nangyari.
Noong nakita niya si Trisha sa reunion nila kasama si Cindy ay noon na niya unang naramdaman na mahal na niya ito. Ang buong akala ng lahat ay si Cindy ang gusto niya pero matagal na yun, noong nasa high school pa sila. Sa totoo lang ay ginamit niya si Cindy para lang mapalapit kay Trisha. Tinanggap niya ang alok ni Cindy na
Matagal na niyang kilala si Trisha pero hindi niya naramdaman iyon noong una. Nung nalaman niyang sila na ni Trisha at Leo ay nasaktan siya. Sinisi niya ang sarili dahil mahina siya, torpe siya pagdating sa pag-ibig. Sa gwapo at yaman niya ay wala pa siyang naging nobya dahil pangako niya sa sarili na ang tanging babaeng makakapagpatibok ng puso niya ang siyang unang magiging girlfriend niya.
Ayaw niyang patulan ang mga babaeng nagkakagusto sakanya. Mula nun napabayaan na niya ang sarili niya, subsub siya sa trabaho at sa negosyo niya. Halos lingo-lingo siyang nagkakasakit pero nagtratrabaho parin siya, bagsak na ang katawan niya.
Hanggang sa isang gabi pumasyal siya sa bar ng resort para icheck ang mga empleyado niya. Nakita niya si Trisha na lasing na lasing na, gusto niyang pigilan ang waiter na ibigay ang order ng babae pero nagwawala na noon si Trisha. Nung nakita niyang natutumba na ay agad niyang sinalo at napayakap ang babae sa kanya. Kinusap niya ang mga empleyado sa bar na kapag may nagtanong tungkol kay Trisha ay huwag nilang sasabihin kung nasaan ito. Gusto niyang bigyan ng privacy ang babae dahil alam niyang may problema ito.
Dinala niya si Trisha sa kaisa-isang penthouse room ng hotel niya, maganda ang kwartong yun dahil nasa dulo ng second floor kung kaya matatanaw ang dagat. Gusto na niyang umalis dahil ayaw niyang bumalik ulit ang nararamdaman niya. Pero nung oras na yun hindi na din niya mapigilan ang sarili dahil sa kinikilos ni Trisha.
Nangibabaw ang pagmamahal niya kay Trisha, pinangako na niya sa sarili niyang hindi na niya hahayaang mawala pa sakanya ang babaeng mahal niya. That time he can’t control his self and he make a mistake. Di dapat siya nagpadala sa emosyon at sa sensasyon ng alak mula kay Trisha.
Nakatulog na din siya sa tabi ni Trisha, yakap niya ito at ayaw na niyang umalis sa tabi ng babae. Hanggang sa madaling araw na ay nagising siya, balak niyang ipaghanda si Trisha ng almusal kaya tumungo siya sa restaurant. Sasabihin na din niya ang nararamdaman at ang nangyari sa kanila para maging fair ang lahat.
Sigurado siyang mauunawaan iyon ni Trisha, pero pagbalik niya sa room ay wala na ito. Agad siyang tumakbo palabas, nagbabakasakaling maaabutan pa si Trisha pero hindi na niya ito makita. Pinahalughog na niya ang kabuuan ng resort pero huli na, dahil nakita na niya sa cctv camera na umalis na nga si Trisha.
Bumalik siya sa penthouse room at doon na umiyak, kitang-kita pa niya ang dugo na naiwan sa bedsheet ng kama. Nagpaalaka iyon ng gabing pinagsaluhan nila ng babaeng mahak niya. Sa ikalawang pagkakataon ay nawala ulit si Trisha. Sa araw na iyon pumunta na siya sa NBI para kumuha ng badge para maging secret agent. Paraan niya iyon para makagamit ng computer para matrace kung nasaan si Trisha.
Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para malaman ang kinaroroonan ni Trisha pero hindi na...


niya matrace ang number ng babae. Hindi siya huminto hanggang sa wakas ay nalaman na niya kung nasaan ang babae. Sinundan niya ito, ng makita niya ay malaki na ang bata sa sinapupunan nito.
He knew that child was from him dahil sa ginawa niyang pagiwan ng semilya kay Trisha. Sinubaybayan niya ito hanggang sa manganak si Trisha. Hanggang sa nasilayan niya ang anak, at binantayan ng palihim hanggang sa lumaki na ito.
Nalaman din ni Bryan ang ginawa ni Leo kay Trisha, at inimbestigahan niya din si Leo. Hindi sila tunay na magkapatid, dahil ang ama ni Leo ay isang italyano. Pinaako siya ng kanyang ina kay Don Enricho dahil isang kilalang most wanted na sindikato ang ama nito. Mula noon inigian pa niya ang pagbabantay sa mag-ina niya.
Alam niyang may alam si Trisha tungkol sa lalaking nakaniig niya kaya nagbigay siya ng motibo para magduda ito sa kanya. Hanggang sa nakapasok na siya sa bahay ni Trisha at nakuha ang loob ng anak ay binitawan na niya ang pagiging secret agent dahil gusto niyang pagtuunan ng atensyon ang pamilya. Pinangako niya sa sarili na pagkatapos ng gulong dinulot ni Leo ay sasabihin na niya ang totoo.
“Bryan are you ok?”, tanong ni Trisha na kinagulat ng binata dahil sa bigla nitong pagdating.
“Oh yeah i was fine, nasaan si Brayll?”, wika ni Bryan.
“Nasa loob pa kausap ang lolo niya”, usal ni Trisha.
“Sabi ko na nga malalaman mo din ang totoo”, wika ni Bryan.
“You mean alam mo ang tungkol sa ama ko?”, nagtatakang tanong ni Trisha.
“Everything about you”, wika ni Bryan at wala itong siglang nakikipagusap.
“Everything about me? So ibig mong sabihin you already know about Brayll’s real father?”, interesadong tanong ni Trisha.
Inayos ni Bryan ang tayo niya at humarap kay Trisha, nangungusap ang mga mata na tila nagmamakaawa.
“The truth is. . . “, hindi na naituloy ni Bryan ang sasabihin.
“Daddy! Daddy!”, patakbong sigaw ni Brayll papunta sa kinaroroonan niya.
Sinalubong niya ang anak at saka yinakap ng mahigpit, may pumatak na luha sa mga mata niya at pinunasan niya iyon agad. Mabuti nalang at walang masamang nangyari sa anak dahil kung meron man mapapatay niya si Leo.
“Let’s go home daddy pagod na po ako”, wika ni Brayll at saka sumandal sa braso ni Bryan.
Binuhat na niya ito at saka isinakay sa kotse niya. Saka siya lumabas para kausapin ulit si Trisha, pero pumasok naman ito agad at tumabi sa anak. Wala ng magawa si Bryan kundi pumasok na din para maiuwi na niya ang mag-ina. Sa byahe ay nakatulog si Trisha kaya hindi nagkaroon ng oras si Bryan na magtapat.
Nakauwi na sika at nagpahinga na din, dahil sa pagod at pagaalala ay nakatulog ulit si Trisha. Kinabukasan ay maaga na siyang pumasok, yung mga lalaking nakabantay sa kanya ay malaya na silang nakakalapit sakanya dahil iyon din ang utos niya para masiguro na hindi na manggulo pa si Leo. Ayaw na niyang isipin na si Leo ang ama ni Brayll.
Hapon na noon ng biglang tumawag si Manang Saleng at umiiyak ang tono ng boses nito.
“Si Brayll iha si Brayll. Nahilo siya at nawalan ng malay, andito na kami ngayon sa ospital kasama ko si Bryan”, umiiyak na wika ni Manang Saleng.
Hindi na nagsalita si Trisha at agad na umalis, pinagdrive niya ang mga tagabantay niya dahil hindi na niya kaya ang nangyayari sa anak.
“Anong nangyayari sayo Brayll, please anak hintayin mo si mommy”, humihikbing sabi ni Trisha.
Ano kaya ang nangyari kay Brayll, tuluyan na kayang mawawala ito sa mga magulang niya? Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top