STEALING HIS INNOCENCE CHAPTER FIVE


By Yzabelah
🌺🌺🌺🌺CHAPTER FIVE🌺🌺🌺🌺
Nayayamot si Vivienne sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin at pinagmamasdan ang ayos niya nang gabing iyon. Kung hindi sana siya nawawalan ng pokus at kung hindi pa-sablay-sablay ang mga desisyon niya at reaksiyon ay hindi sana siya magkakaroon ng dahilan upang pagbigyan ang nais ni Maximillian hinggil sa date na hinihiling nito sa pagitan niya at ni Tobias Cailler.
Sa mismong terrace ng hotel na iyon na inayos at inihanda ng mga staff doon ang naging venue ng kanilang dinner.
Malawak ang ngiti ng lalaki nang dumating siya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at sinalubong siya. Inalalayan siya nito hanggang sa makaupo na siya.
Pinasadahan niya ng tingin ang mga nakahain sa mesa. Makikita sa menu na nakahain na iba ang panlasa at hindi basta-basta ang taste na mayroon ang lalaki. Mayroon doong East Lothian beef, braised truffle barley and Scottish giroles na isang scotish recipe. Dagdagan pa ng Moroccan recipe ng Chicken tagine makful, at ang waldorf salad na nasisiguro niyang ideya ni Maximillian. Batid ng kakambal niya na fruits and vegies salad lang ang kinakain niya sa gabi.
Lumapit ang isang waiter sa kanila at sinalinan ng red wine ang dalawang kopita na nakalaan sa kanilang dalawa. Tahimik lang si Vivienne, hindi talaga sya ang tipo ng tao na mag-i-enjoy ang sinumang makaka-date sapagkat hindi siya makuwento. Lalo na at hindi naman siya ang tipo ng babae na open sa mga lalaki. Sa driver niya nga lang siya nagiging taklesa.
Speaking of her driver, bigla niyang naisip kung saan ba ito kakain ngayon ng dinner. May pera kaya ito para gastusin sa fine dining? Teka, bakit ba siya mamo-mroblema pa kung saan ito kakain o kung may gagastusin man itong pera. Diskarte na nito ang sarili nito.
β€œThanks dahil hindi mo ako binalewala,” ngumiti si Tobias sa kanya matapos sabihin iyon.
β€œMaximillian told me, I have to dine with you.” Seryoso niyang wika ngunit may pagkamalumanay naman ang tono niya kaya kahit hindi siya gumanti ng ngiti sa lalaki ay halata pa rin ang breed at etiquette ng isang propesyonal ay kahali-halinang babae na tulad niya.
β€œMukhang bigla akong kinabahan, ah, kung may iba pa siyang nabanggit sa iyo bukod diyan.”
Sinalubong ni Vivienne ang pilyong pagkakatitig ng binata sa kanya. He is now trying to seduce her in his own unique way! Tulad ng ginagawa nito sa iba pang mga babae na halos magkandarapa rito matapos nitong maka-date ng isang beses.
β€œAnyway, belated happy birthday,” bati nito sa kanya sabay abot ng isang maliit na white box.
Alangan pa siya na kunin iyon.
β€œSige na, tatanggihan mo pa ba naman ako?” Napakalambing ng tinig na iyon ni Tobias.
Marahan niyang inabot iyon at binuksan. Tumambad sa paningin niya ang isang gintong kwentas na may palawit na jade stone. Matapos makita iyon ay tinakpan niya ulit ang kahong kinalalagyan nito.
β€œPero hindi ko ugali na tumanggap ng regalo kahit kanino,” deritsa niyang wika sa lalaki na tila hindi pinansin ang pagtanggi niya.
β€œConsider that necklace as a token of our friendship. Sorry, pero hindi ko naman ugali na bawiin o tanggapin muli ang mga bagay na naibigay ko na,” kumindat pa ito sa kanya at ngumiti.
Hindi siya nakaimik.
β€œI won’t forget this evening, this dinner with a goddess of SantibaΓ±ez Empire,”pinapungay pa nito ang mga mata na lalong nagpalagkit sa tingin na iniukol sa kanya.
β€œWow, a goddess, huh!” Lihim siyang natawa sa sinabing iyon ng binata. Napakabolero talaga nito! Kung nasa kalapit lang niya ang kakambal ay mababatukan na niya ito. Napakarami talaga nitong pakanain sa buhay.
Makuwento ang lalaki at aaminin niyang nakukuha na rin nito ang interes niya. Kahit naman bolero ito at hindi mawala sa isip niya kung gaano ito kababaero at kapalikero ay hindi naman ito lumalagpas sa kabutihang asal at sa sukatan ng pagiging gentleman. He knows how to flatter a woman. Ang karisma nito na madalas kinababaliwan ng ibang babae na nakakasalmuha nito ay kaya pa naman niyang paglabanan. Kahit ano pa ang gawin nito sa kanya ay mananatili siyang hindi interesado lalo na at batid niyang isa ito sa candidate ni Maximillian upang mapangasawa niya. Ayaw niya ng relasyon na itinakda o sinasadya, gusto niya ay iyong hindi inaasahan at kusang dumarating. Iyong talagang itinalaga ng tadhana.
Matapos ang pagsasalo nilang iyon sa dinner ay niyaya siya ng binata sa botanical garden ng hotel. Tinangka niya na magdahilan at sabihing inaantok na siya ngunit hindi ito pumayag. Nakiusap ito ng sobra sa kanya upang pagbigyan niya. Sinabi nitong hindi naman sila magtatagal roon. Gusto lang daw siya nitong makasama pa ng ilang minuto na pinagbigyan naman niya.
β€œAng ganda ng mga bituin sa langit hindi ba?” humahangang wika ng lalaki habang pinapasadahan ng tingin ang mabituing langit.
β€œStar lover ka?” tanong niya rito.
β€œHindi naman, na-appreciate ko lang siya ngayon,” tugon nito.
Napakunot noo si Vivienne nang abutan siya ng kopitang walang laman ni Tobias. Nakita niya na may bitbit pala itong isang bote ng red wine at dalawang kopita. Hindi niya iyon napansin kanina. Sinadya pala nitong magdala upang doon ituloy ang pag-inom.
β€œHindi ako madaling malasing, pero ayaw ko sanang uminom ng marami ngayong gabi,” tanggi niya na pinukol lang ang kopitang iniaabot nito.
β€œSige na, light lang naman ito, hindi rin naman kita lalasingin dahil isa iyan sa ipinagbawal ni Maximillian sa akin,” wika pa nito.
Matipid siyang ngumiti at nailing na tinanggap na rin ang kopita na iniaabot nito. Sinalinan iyon ni Tobias ng alak. Nagsalin rin ito ng para sa sarili.
β€œAlam mo bang marami sa Gold Card ng Midnight Paradise ang nagnanais na makasama ka tulad ng nangyari sa atin ngayon?”
Ang Gold Card na tinutukoy ni Tobias ay ang mga miyembro ng Billionaire Bachelor Brotherhood na karaniwang matatagpuan sa Midnight Paradise.
β€œBakit? Ano naman ang mayroon ako para naisin nila na makasama ako?” balik tanong niya sa lalaki.
Bahagyang natawa si Tobias sa kaenosentehan ng tanong niya.
β€œYou’re such a jewel Vivienne!” seryosong wika nito.
Hindi malaman ni Vivienne kung bakit walang dating sa kanya ang mga linyahang iyon ng lalaki. Marahil kung katulad lang siya ng ibang babae baka kanina pa siya bumigay.
β€œAt alam mo rin bang hindi ang mga Gold Card ng Midnight Paradise ang tipo ko?” prangka niyang wika.
Dahil doon napatawa niya si Tobias.
β€œWow! Mukhang kailangan ko ng tumiwalag sa grupo,” natatawang wika nito na hindi seneryoso ang sinabi niya.
β€œKaya itong kuwentas tatanggapin ko. . .” itinaas pa niya ang maliit na paper bag na kinalalagyan ng kahin ng jade necklace na bigay ng lalaki. β€œ. . . dahil sabi mo it will serve as a token of our friendship at wala ng iba pang kahulugan.”


/> β€œSure,”mabilis na tugon ni Tobias.
Tama nga ang sabi ng lahat na si Vivienne ang tipo ng babaeng hindi basta-basta bumibigay sa isang lalaki at napatunayan iyon ni Tobias. Ramdam din niya ang pagiging aloof nito sa tulad niya. Marahil hindi pa lang nito natatagpuan ang lalaking magpapatibok talaga at makakabihag sa puso nito. Hindi pa rin siya naniniwala na may sariling pader na nakabakod sa pagkatao nito na nagiging dahilan upang ilayo nito ang sarili sa tulad niyang nagnanais na makuha ito.
Hindi pa sana sila babalik sa loob ng hotel kung hindi pa nila naramdaman ang mangilan-ngilang pagpatak ng ambon. Agad ng niyaya ni Vivienne ang lalaki pabalik dahil baka lumakas pa iyon at abutin pa sila ng ulan. Pinagbigyan naman siya nito dahil ramdam na rin nito ang manaka-nakang pagpatak noon.
Sinalubong naman sila ng staff ng hotel upang bigyan ng payong. Iniabot na rin nila rito ang bote ng red wine at ang dala nilang kopita.
Nag-presenta naman si Tobias na ihahatid na nito ang dalaga sa silid nito. Tatanggi sana siya ngunit alam niyang magpipilit pa rin ito kaya pinayagan na rin niya itong ihatid siya hanggang sa tapat ng pinto ng suite niya.
β€œThank you,” pasasalamat na muli ng lalaki dahil pinagbigyan nito na makasama siya ngayong gabi.
β€œYou’re welcome,” tugon naman niya.
Pipihitin na sana noong ni Vivienne ang door knob ng pinto nang biglang magsalita ang lalaki. Sa biglang paglingon niya rito ay hindi niya inaasahan na nasa likod na pala niya ito at napakalapit na sa kanya. Tila bigla siyang nakorner nito at napasandal na lang siya sa nakapinid na pinto ng suite niya.
β€œCan I have a goodnight kiss?” lakas loob na tanong ng lalaki.
β€œW-What?” Hindi niya malaman kung mao-offend sa tanong ng lalaki, kung papayag o kung babalewalain na lang iyon.
β€œPlease,” may pagsamo sa tinig nito.
β€œT-Tobias,” wala siyang maisagot. Hindi rin naman niya masabing hindi.
Nakita niya ang dahan-dahang pagbaba ng mga labi ng lalaki patungo sa labi niya. Noon bigla niyang nakita na parating ang driver niya. Noon lang siya tila nakabawi nang magtama ang mata nila ng lalaki. Bahagya niyang naituon ang mga palad niya sa dibdib ni Tobias upang magkaroon sila ng pagitan. Isang hudyat rin iyon ng pagpigil niya sa nais nitong gawin.
Nahalata naman ni Tobias ang pagtanggi niya. Umurong ito ng isang hakbang palayo sa kanya.
β€œI’m sorry,” wika nito.
Napabuga pa ng hangin ang binata na tila napahiya rin sa ginawa niyang pagtanggi. Matapos iyon ay nagpaalam na ito at iniwan na siya.
Nakita naman niyang tila balewala sa driver niya ang nakita nito. Walang sabi-sabing pumasok na rin ito sa silid na katabi lang ng suite niya.
Mag-iisang oras ng pabaling-baling sa pagkakahiga si Vivienne. Nais na niyang matulog sapagkat maagap pa silang aalis bukas pababa ng Baguio. Inuukopa pa rin ng tagpo kanina ang kanyang isip. Tagpo kung saan nahuli ng driver niya ang tangkang paghalik sa kanya ni Tobias sa mga labi. Kita niya kanina kung paano siya nito tingnan. Hindi niya maipaliwanag kung paano pero batid niyang may kahulugan ang tinging ipinukol nito sa kanya bago pa ito tuluyang pumasok ng silid nito.
Ano ba naman siya? Bakit ba pati ang iisipin ng lalaking iyon sa kanya ay po-problemahin pa niya? Wala naman itong pakialam pati sa buhay niya kung sino man ang lalaking bigyan niya ng pahintulot na humalik sa kanya. Pero bakit nagi-guilty siya na nahuli siya nito sa ganoong tagpo?
Asar na bumangon siya at naupo sa kama. Ilang segundo rin siyang nakatigil bago tuluyang tumayo. Kailangan niyang kausapin ang lalaki sa kabilang silid. Ayaw niyang pinag-iisipan siya nito ng masama.
Lumabas siya ng suite niya at makailang beses na kumatok sa pintuan ng silid na inuukopa nito. Hindi naman nagtagal at bumukas iyon. Kahit hindi pa siya nito pinapapasok ay nangahas na siyang pumasok nang magkaroon ng espasyo para makapasok siya.
Nagtataka namang sinundan ni Julian ng tingin ang dalaga.
β€œMag-usap tayo,” wika agad ni Vivienne nang harapin siya ng driver niya.
β€œAno bang sasabihin mo?”
Nahalata ni Vivienne na tila kagagaling lang sa pagtulog ng lalaki base sa hitsura nito. Bagaman at medyo gulo ang buhok ay hindi nawala ang kaguwapuhan nito.
β€œNakatulog ka na?” tanong niya sa lalaki, samantalang siya ay hindi makatulog man lang.
β€œOo, nagising lang ako sa ingay ng pagkatok mo,” tugon nito. β€œmay importante ka bang sasabihin?”
β€œIyong tungkol kanina,” hindi malamn ni Vivienne kung paano bubuksan sa lalaki.
β€œI’m sorry kung hindi ko na napigilan na makatulog sa kotse mo kanina na hindi ko tsene-tsek kung nakalock ba ang mga pintuan nito.
β€œHindi iyon, iyong kanina mo lang nakita, iyong tagpo sa pagitan namin ni Tobias sa harap ng pinto ng suite ko.”
β€œAnong tungkol doon?”
β€œActually, siya iyong itinawag sa akin ng kakambal ko kanina noong kumakain tayo. Hiniling ni Maximillian na makipag dinner date ako sa kanya, kay Tobias Cailler, wala kaming relasyon, just a friendly date. Iyong nakita mong muntik niyang paghalik sa labi ko—”
β€œPumarito ka ng ganiyan lang ang suot para lang sabihin sa akin iyan at magpaliwanag?” putol ni Julian sa mga sasabihin pa niya.
Sukat doon ay parang natauhan si Vivienne. Ngayon lang niya napansin na lumabas siya ng suite niya at pumunta sa silid ng lalaki na tanging manipis na nighties lang ang suot.
Ibinaling naman ni Julian sa ibang direksyon ang kanyang paningin lalo na at hindi na malaman ng dalaga kung paano tatakpan ang nakabakat nitong dalawang munting korona sa ibabaw ng tigkabila nitong dibdib.
β€œHindi ko iniisip iyon at wala akong iniisip tungkol doon, kaya makabubuting bumalik ka na sa silid mo. Hindi mo ako nobyo para magpaliwanag sa akin na tila ba nahuli kitang nagtataksil,”wika pa ulit ni Julian sa tonong nagbibiro. Hindi pa niya ito pinupukol ng tingin upang bigyan ito ng privacy.
Hindi na nagtangka pa si Vivienne na sumagot sa lalaki. Ibayong kahihiyan na naman ang inabot niya rito. Buo pa naman ang kumpiyansiya niya at malakas pa naman ang loob niya na harapin ito para kausapin ngunit dahil doon ay hindi na niya nagawa man lang magpalit ng damit o ibabawan man lang ng robe ang pantulog na suot na niya. Noon din ay nilisan niya ang silid nito at nagmamadaling bumalik sa silid niya.
β€œVivienne, ano na naman ba ang ginawa mo? Nagpadalos-dalos ka na naman, ni hindi mo man lang siniyasat ang sarili mo kung presentable ka bang tingnan bago ka nkipag-usap,” paninisi niya sa sarili. β€œParati ka na lang napapahiya sa harap ng lalaking iyon!”
Minabuti niyang magkulubong na lang ng kumot nang makahiga ng muli sa kama niya at baka sakaling maibsan ang pagkapahiya niya ngayong gabi!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top