When a Single Mom meet the HOT CEO Chapter 19


Kate’s POV:
Hindi yata pagiging Secretary ang trabaho ko kay David, kundi ang humarot ng humarot sa binata habang busy siya sa mga papeles.
Wala eh, mas bet n’yang ganito lang ako para mabawasan daw ang pagod niya.
Ibang klase noh?
Pero okay na rin siguro ‘to, dahil mas ramdam ko ang pagmamahal ng lalaki.
Sa palagay ko, tuluyan na siyang nakalimot, sa dati n’yang nobya.
Halata ko na kasi ito sa bawat kilos niya.
____
Nakita ko naman ang pag-galaw nito ng leeg na animo’y sumasakit na ito.
Kaya tumayo ako at pumwesto sa likod ng binata.
“Anong ginagawa mo?”, he asked me, na talagang lumingon pa.
“Hihilutin ka. Alam ko kasing nangangalay na ang leeg at likod mo, so let me do this.”, ngiting sagot ko at nilagay ko ang kamay sa kanyang balikat.
“Magaling ka ba humilot ng ulo?”, bigkas niya ulit sa akin.
“Oo naman. Ako pa.”, I replied.
Proud na proud ko ‘tong sinambit para ipagmalaki ang kakayahan ko.
“Then pakihilot na rin ng ulo ko sa baba.”, ngising wika ni David.
“G*go ka! Ang dumi talaga ng isip mo.”, madiin kong bigkas kasabay ng pagtapik ko sa noo niya.
“Aray! Hindi ka naman mabiro.”, pagsasaad nito.
“Tsk.”, tanging sambit ko at nagpatuloy sa paghihilot.
Habang ginagawa ko ‘yon, tumunog naman ang cellphone niya, senyales na kailangan na nitong pumunta sa meeting.
“Hays. Ang bilis talaga ng oras. But see you later, honey. Dito ka lang ha? H’wag na ‘wag kang lalabas at makikipag-usap sa ibang lalaki.”, pahayag niya at marahan pang piningot ang ilong ko.
“Let me remind you, Mr. David, nanliligaw ka palang, hindi pa kita jowa.”, bigkas ko na kunwari ay may katarayan sa aking boses.
“Pero Kate–“,
“Joke lang! HAHAHA. Syempre, susundin kita, Boss. Ikaw pa. Malakas ka sa akin eh.”, malakas kong tawa.
Hindi ko kasi mapigilan ang naging reaksyon niya, na tila nawalan ito ng pera.
“Tsk. Then, good. Aalis na ako.”, he said as he kissed me on my lips.
‘Di ko na alam kung nakailang beses na itong halik sa bibig ko.
Naadik yata siya sa mamula-mula kong labi.
But infairness, umiiral ang pagiging marupok ko pagdating sa kanya.
Kung si David ba naman ang maging boyfriend ko, handa akong masaktan.
___
Napadako ang aking paningin sa bawat sulok ng opisina.
Pero may isang bagay ang kumuha ng atensyon ko,...


dahilan para lumapit ako sa bandang kanan.
“May 14? Birthday ni David?”, pagbabasa ko naman.
Binilang ko pa sa daliri kung ilang days na lang bago ito mangyari.
“Shit. 4 days? Pero ‘di bale, ako naman ang gagawa ng surprise para sa kanya.”, I smiled.
Kaya heto, kung ano-anong imaginations ang umiikot sa utak ko.
What if, sagutin ko na siya sa araw na ‘yon?
O kaya naman, i-prank ko siya?
Yung tipong mapapaiyak ko siya sa umpisa, pero sa huli, matutuwa ang binata.
Tama! Gano’n siguro ang dapat kong gawin para more exciting—-
“Ang lalim ng iniisip mo ha?”, pagpupuna ng isang lalaki na biglang pumasok sa office.
Si Edward!
“Kung hinahanap mo si David, wrong timing ka dahil nasa meeting siya ngayon.”, saad ko sa kanya.
Direct to the point ko na s’yang kinausap para hindi siya magtagal dito sa loob.
“I know. Alam ko naman lahat ng schedule niya.”,
“So bakit ka nandito?”,
“Actually, I just want to talk to you. Ikaw ang pinunta ko.”,
“Tungkol ba saan ‘yan? Marami pa kasi akong gagawin, kaya kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo agad.”, wika ko sa binata.
Kahit ang totoo, wala akong magawa sa office.
“Nabalitaan ko kasi na nililigawan ka ni David. Tama ba ang chismis na ‘yon?”,
“Oo. Eh ano naman kung nililigawan niya ako?”,
“I’m just being concern.”,
“Concern kanino? Sa akin o sa kapatid mo?”, bigkas ko bilang tugon.
Si Katrina ang tinutukoy ko, dahil alam nating lahat na kapatid niya ang dalaga.
“Sa inyong dalawa. Nag-aalala ako dahil baka isa sainyo ang masaktan kapag bumalik siya.”,
“Ginugulo mo yata ako.”,
“Kate, sinasabi ko lang ‘to para aware ka sa lahat. Hindi mo alam kung gaano nila kamahal ang isat-isa.”,
“Mahal ang isat-isa? Nagbibiro ka ba?”,
“Iniwan ng kapatid ko si David dahil gusto n’yang unahin ang career sa ibang bansa. Gusto n’yang sumikat para matanggap siya ng mama ni David. Kaya kung ako sayo, umiwas ka na. Para hindi ka gaanong masaktan.”,
“Pwede ba Edward, hindi ako yung tipo ng babae na basta naniniwala sa mga sabi-sabi lang. So please, umalis ka na.”,
“Nireremind lang kita, Kate. Dahil pareho nating alam, na wala kang ipagmamalaki. Isa kang hamak na mahirap na walang ginawa kundi ang kumapit sa patalim.”,
“Oo, mahirap ako. Pero hindi ako katulad mo na mayaman nga, kulang naman sa pinag-aralan.”






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. yan laban talaga kate….sa kakaexcited ko sa susunod na chapter di na ako nakapag comment…kinikilig po aq

Leave a Reply


top