Habang naglalakad palapit sa pinto ng bahay ay natanaw ko agad si tito na nakangiti sa amin halatang hinihintay nya ang aming pagdating…
Sinalubong nya kame ng may ngiti sa mga labi.. Yung makita ang ngiti ni titong yun ay parang nadurog ang puso ko..π at gusto ng mag unahan pumatak ang mga luhang pilit kong pinipigilan baka kase magtanong pa ito kung bakit ako umiyak. ..MarahiL ay indi nya pa alam ang totoo.Talagang di nga ako sinumbong ni tita dito..
“Oh anak. “, buti naka uwe na kayo..saan kayo sumakay?? Tiyak pagod kayo kaya tara na sa loob ng makapag pahinga kau. “,halata sa boses nto ang saya..
Gustong gusto ko ng umiiyak kaya ngamamadali akong pumasok sa loob ng bahay kasunod si Long.
Gustong gusto ko ng sabihin sa tito ko ang totoo pero talagang natatakot ako.. Pano kung dahiL sa aaminin ko sa tito ko ay di na nya ko papasukin agad agad at nagdesesyong bigLa na pahintuin ako.. Di malabong mangyare yun.. DahiL sa mga kasalanang ginawa ko..
Pagkapasok namin ay hinanap agad ng mga mata ko si tita ..gusto ko syang makausap..
Pagkalapag ko ng mga gamit kong dala ay tinanong ko agad si Marya na naka upo sa harap ng lamesa..
Mag aalasyete na ng gabi..
“Marya si tita? “,
“Baka nasa likod… Kukuha daw sya ng talbos e. Ulam natin. “sabi nya
Agad akong pumunta sa likod ng bahay.. Nakita ko dun si tita nakatalikod sya sa akin at hawak hawak ang garisa ay nangunguha sya ng taLbos..
“tita.. “,tawag ko dito.. Pero di man lng sya nag aksaya ngpanahon para lingunin ako.. Tuloy lang sya sa ginagawa nya na parang di ako narinig..
“Sorry po talaga sa ginawa ko. “.impit ang boses at para di maiyak .
Nanatili syang walang kibo..
“at saka salamat po kase di nyo po ko sinumbong kay tito”,dagdag ko pa. May mga ilang luha ang umagos sa mata ko.. Mga luhang di ko na kayang pigilan..
“Huwag kang umiyak kung ayaw mong magtaka ang tito mo...