You Change my Life
Genre; Romance
Author; @cuteangel222890
Chapter 2
R.A p0v;
A/N; sa mga nagtataka kung sino si R.A siya po yung tomboy na bida dito sa storya baka kasi maguluhan kayo, by the way back to the story..,…
“Hoy sabon!!!..”
Sabay topik sa aking ng matalik kong kaibigan.
“Anu ba Marita….!!! wag mo ako masabon sabon diyaan, pagkagay-ang mainit ang ulo ko, wag kang pa loko-loko baka masuntok kita diyan ng isa siguradong tatahimik ka.!!!
….
R.A ang pangalan ko hindi sabon.!!!”
“Naku..! Kaartehan mo naman, pa R.A-R.A ka pang nalalaman diyan! samantalang “Arielle” (sounds air) naman ang pangalan mo banlawan kita diyan at ma downy, aywan ko na laang kung di ka mamuti.!!!”
“Hoy..!! Marita…. Ano’t tinotoyo na naman yaang kaibigan mong yan..!!??
Nako! hulaan ko na, tiyak ya’y dahil na naman dun sa syota niyang ke landi landi naman.
Akala mo ay gandang ganda,
makakita laang ng lalaki eih nabuntot agad!
lalo nat may pera. Naku Ariella, tigilan mo ang kahibangan mo. Hiwalayan mo iyan
at pineperahan ka lamang niyan.
Daming dami ng lalaki diyan, eh, sa babae kapa papatol!
Di hamak na kalaki ng iginanda mo kaysa sa syinota mo.”
“Ala, ang inay!
umandar na naman ang bunganga.!
it’s Mariette not Marita!
gandang ganda ng pangalan ko pinasama nyo.”
“Kaartehan mo naman!
Akala mo’y may igaganda ka pa
Ibinabagay ang pangalan
sa itsura!
Buti sana kung sa akin ka nagmana, ay hindi naman.
Nagmana ka doon sa tatay mong kisama samang lalaki.
Pango nay nigro pa.”
“Ala ang inay dumali na naman!
Pangit daw pinatulan naman!
Magsawa ka nga diyan.”
“Ga mamay ginayuma laang naman ako nun.
Tingnan mo ngat nung nakita ka
at napangitan sa iyo
eih lumayas at umuwe sa Africa.”
Inirapan lamang ni Marita ang nanay niya at lumapit sa akin.
“Ano na sabon..?
Bakit nga nakasimangot ka na naman? Ano ba nangyari at namamaga ang pagmumukha mo?
sige kwento mo.”
“Kakasura nga ngayon dapat may date kami ni Maricar
dahil six months na kami, kaya lang
Kaninang umaga
papunta na sana kami sa bayan kaso nabangga kami ng kotse.”
Di pa ako tapos magsalita sumingit na ulit ang
nanay ng bruhang bestfriend ko.
“Naku nga iyan na nga ba ang sinasabi ko eih!
malas talaga ng babae na yan!
(A/N:gigil na gigil mode si nanay)
Kaya ika’y lumayo layo diyan!
Buti’t hindi ka napuruhan.
Baka may masakit sa iyo?
Hala tayo’t sasamahan kita sa ospital.”
“Wag na po kayo mag alala sa akin
Nay,
ayos lang po ako,
si Maricar nga ho ang napuruhan ayon at naka confine sa ospital.”
“Ah…! ay ayos….”
(A/N; biglang naging masigla at Masaya si nanay hahaha…)
“Mabuti nga sa kanya!
Sanay abutin siya duon
ng isang taon bago makalabas baka sakaling magbago pa.”
“Eih….!!!
Ang inay, dumali na naman!
Bakit ga kayo’y galit na galit duon sa tao e wala namang ginagawang masama sa inyo. Hayaan nyo na nga!
“Aber,bakit
Hindi ako magagalit?
sabi ni Ariella, anim na buwan na niyang syota un a!
Sa loob ng buwan na yon,
Sige nga Ariella, sabihin mo
nga!
Gaano na kalaki ang nagastos mo para sa kanya?
Hindi ba’t malaki na? Kung talagang minahal o mahal ka talaga,
di sanay may konsi-derasyon din siya para sayo.
Aba’t sa nakita ko,
Naglalambing laang yun sa iyo pag may gustong ipabili ahh.
Ikaw, Sana nakita mo din ang pagod
At pag hirap mo para kumita ng pera na sa halip na sanay naipon mo
ay ibibigay mo pa sa kanya.
(A/N; Beast mode si nanay haha dami ng sermon)
Kaya sabihin mo bilang pangalawang magulang mo,
Diba dapat lang na
ikagalit ko yun?
Pagod at hirap mo ang mga pera na yun, tapos nauuwe laang sa wala.”
“Sabagay inay may point ka dyan.
Oo nga naman sabon,
tama naman nga ang inay duon.
Halos wala kanyang tulog
makaipon lang ng perang ibibili ng mga bagay na hinihingi niya.
Bukod pa dun ikaw lang ang inaasahan sa inyo.
Sobra kana sa sipag.
Dapat sanay iniisip mo Rin ang sarili mo.”
“Alam nyo po inay, Marita, ganun talaga yun.
Pag nagmahal ako, makita ko lang na masaya ang mahal ko, sulit na ang lahat ng puyat at pagod na pinag daanan ko.
Yung mapangiti ko lamang siya, masayang masaya na ako dun.
Yun kase yung
nagbibigay ng lakas ko araw
araw para lalong magsipag.
Hayaan nyo na lang ako, dito
ako
sumasaya ieh.”
“Pasensya kana Arielle,
gusto ko lamang para sayo yung mapabuti ka.
Dahil iniisip ko lang yung kinabukasan mo.(Hayan malungkot naman si nanay ayaw kasi makinig ieh.)
Kase, panu na lang kung mag kasakit ka?
Wag naman sanang itulot.
Sino ang mag hahanapbuhay para sa sa Kapatid mo?
Para sa tyang mo? Saan ka
kukuha ng ibabayad sa kuryente? Sa tubig? Sa pagkain nyo, sa gastusin
nyo araw araw? Gayong wala kang ipon. Iniisip ko lang ang
kapakanan mo dahil ikaw
ang bumubuhay sa pamilya mo.(A/N; nay pautangin mo po hehehe)
Wag mo Sana ikasama ng loob ang mga sinasabi ko sayo.
Para na kitang anak kaya nasasaktan ako na nakikita ko ang iyong pag hihirap.
Ang hangad ko lamang na makakita ka ng makakatuwang sa buhay mo.
Yung makakatulong sayo, di yung lalo pang mag papabigat at mag papahirap sayo araw araw.”
Naintindihan ko naman po kayo nay,
Nagpapasalamat nga po ako sa inyo
sa laki ng tulong ninyo ni Marita sa akin.
Idagdag pa ang tulong ni Felix.
(A/N; wait…. And who is Felix? Stay tune )
Sobra na po ang utang na loob ko sa pamilya ninyo.
“Anu kabang Bata ka wala yun.
(a/n; nay, pa humble ka poh hehehe..)
Napamahal kana sa aken at di kana rin naman iba,
kahit anung pwede ko maitulong sayo ay gagawin ko basta mag sabi ka lang.
Hala sige mag luluto na ako at medyo madami dami pa ang lulutuin ko.
Mamaya dumaan ka dito at mag uwe ka na lang ng ulam sa inyo
para di ka na magluto dun.
(Sana all, may nagbibigay ng ulam..
nay, pahinge din po.)
Sige at mamaya maya lang madami na ulit tayong kostumer,
Iwan ko na muna kayo ni Marita Dyan.”
Tinapik lang niya ang balikat ko at umalis na nga siya para mag luto.
Inaya ko si Marita sa tabing ilog na malapit samin na madalas naming tambayan
para magpalipas ng oras.
Doon kase napapayapa at kumakalma ang pakiramdam ko.
Tahimik at maaliwalas ang paligid
tanging tunog lang ng
mga kulisap at huni ng mga ibon ang aking naririnig.
Ayaw sumama ni Marita marami pa daw siya gagawin kaya lumakad na
lamang ako mag isa.
Nang makarating ako dun.
Naupo ako sa isang kubo malapit sa tubig.
Tahimik kung pinagmasdan ang pag agos ng tubig ng bumalik sa isipan ko ang mga nangyari buhat ng mabangga kame ng kotse kaninang umaga.
Yung Zeus na yun!!!
Bakit kaya ganun yun makatingin at makatitig sa akin?
Nakapagtataka, bakit nung inabot ko yung kamay ko sa kanya natulala na at ayaw pa ako bitiwan.
Hmmm, siguro naiinggit lang yun sa akin.
Syempre naman, bakit nga hindi ang gwapo gwapo ko kaya.
(a/n; yan na toy….
Hahaha over confidence….. Lakas….. hahaha kung alam mo lang, yari ka…!!! wala kang kawala )
Siguro na iingit yun saken, kasi ba naman….
ang ganda ng syota ko…
Di...