Under ko ang Mafia King ng Campus Chapter 1.1


Venice POV
Sa loob ng classroom sa art class tahimik lang lahat dahil alam nilang magagalit ako may nag iingay dito. Di dahil sa tinatakutan nila ako kundi ako ang naka assign as class monitor, walang dapat magbulakbol sa oras ng klase, bawal ang tamad at bawal ang makalat.
Naidlip muna ako saglit, ilang sandali may bumulong sa kabilang tenga ko.
“Ma’am Venice, may nakakita po kay sir Axle na May kasamang babae” report sakin ng ka klase kong isa sa body guard ko. Biglang uminit ang tenga ko sa narinig ko kaya agad akong napatayo.
“An*mal na axle ka ! lagot ka talaga sakin!”
sabi ko sa sarili.
___________
Axle’s POV
“Grabi! mas hotty ka pala pag malapitan” sabi nung malanding babae na tumabi sa pagkakaupo ko sa cafeteria.
“Get lost!” i said
“what’s wrong honey? last time lang inakbayan Moko kaya ngayon ako na lumalapit parang di mo na’ko kilala?”
“honey your face? I said wag kayong maharot pag nasa campus...


tayo? pag dumating yung tigre!! Malamang ubos lahat ng lahi ninyo!” sabi ko.
“sinong tigre? yung shota mong mukhang lalake pa kung umasta? yuck! nagri-reyna-reynahan dito sa campus para ipamukha ng sya ang mas nakakaangat dito?” saad ng babae.
“sshh! shut up! baka marinig ka kalbuhin kapa nun! alis na!” pero bigla nalang nya kong hinalikan kaya nagulat ako…
“De p*ta!!” sigaw sa likoran namin…
Naku po ! ayan na nga ang tigre!
“love?” sabi ko pero biglang *pak!!*
sinampal ako bigla ni Venice sabay kwelyo sakin kaya napaangat akot napatayo…
“love easy!” sabay harang ng kamay ko .
“Easy! tarant*do! halika ka dito!! loko ka! ako pa talaga gagag*hin mo!?” sigaw nya..
“Wag kang mag eskandalo..love naman, wala kaming ginagawa ok?” sabi ko.
“Wala? pero nagtutukaan sa harap ng marami? how dare you!! boys!! damputin ang dalawang yan ! Dating gawi!
Kaya ayun! nalintikan na nga! talo ang dragon sa tigre.
Dinala kami sa isang bodega pati yung maharot na babae.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top