‘San galing to?’ takang tanong nya sa sarili matapos makitang may nakapataong na isang bar ng chocolate at isang stem ng red rose sa table nya. Napalingon sya sa paligid baka may nanttrip sa kanyang kaklase.
Tinignan nya kung may note na kasama at napansin nyang may nakadikit na sticky note sa chocolate.
‘Hope you have a brighter day ahead.
Smile always.
You’ll never when someone is falling from your smile’
π
Wala man lang pangalan. Kanino kaya galing to?
“Uy si Pres! May secret admirer…” sigaw ng isang kaklase nya.
“Oy baka may nanttrip sa inyo hah. Tigilan nyo na.” saway nya sa mga to.
“Wala akong alam jan Pres. Pagdating namin kanina anjan na yan sa table mo.” paliwanag ng isang classmate.
Naisip na lang nya itext kay Jax ang pangyayari.
‘Babs, may nag iwan ng chocolate at rose sa table ko. Hindi ko alam kanino galing.’ text nya dito.
“WHAT?!” hindi nya napigilan mapasigaw at mapatayo ng mabasa ang text ni Lyna sa kanya.
“Oy Pre anong ngyari sayo?” takang tanong ni Tony sa kanya. Pati ibang kaklase nya nakatingin sa kanya at nawirduhan. Sinilip na ni Tony ang cp nya.
“Haha panu ba yan Pre, may sumasalisi sa pag mamay ari mo?” asar nito sa kanya ng mabasa ang text.
‘D*mn! No! Di ako papayag na may ibang poporma sa Lyna ko!’ napakuyom sya ng kamao.
“Oy relax.” napansin ni Tony ang pagkuyom ng kamao nya.
“Chill lang pre. Bakit kasi di mo pa ligawan si Lyna?”
“Hindi ko pa kaya magtapat pre. Baka layuan nya ko. Di ko kaya.” nammroblemang sagot nya dito.
“Ano?hihintayin mo na lang na maunahan ka ng iba? Tutunganga ka na lang habang napapalapit sya sa iba?” sabi nito habang nakatingin sa bintana ng room nila sa side ng hall way. Dumaan si Lyna kasama si Burn at nagtatawanan sila.
Nakaramdam naman sya bigla ng takot at kirot sa puso nya.
‘No! There’s no fr*aking way na hahayaan nya si Lyna na mapunta sa iba.’ deklara nya sa isip.
‘I need to do something. Uumpisahan ko na. I’ll take the risk. Bahala na.’
Napatayo sya at naglakad palabas para sundan si Lyna.
“Yown! Ganyan nga Pre! Bakuran ang dapat bakuran!” natatawang sigaw ni Tony sa kanya.
“Nana!” tawag nya kay Lyna ng maabutan ito.
“Oy Babs? Bakit po?” sagot nito ng lingunin sya.
“Ah. Ano. Ahm.”
‘Anak ng! Ano Jax? Bat wala kang masabi??’ lihim nyang pagalit sa sarili.
“Anu yun Babs?” inosente nitong tanong ulit sa kanya.
“Ah Lyna Baby mauna nako sa room hah.” singit ni Burn sa kanila. Sinamaan naman nya ito ng tingin dahil sa tinawag nito kay Lyna. Nag smirk lang ito sa kanya at tumalikod na.
“Sige Burn.Thank you!” sagot naman ni Lyna. Pag alis nito ay muli syang hinarap ng babae at animo nag aabang ng sasabihin nya.
“Ah san kayo galing?” natanong na lang nya napakamot pa sya sa batok.
“Sinamahan nya ko magsoli ng mga librong hiniram ko sa library” sagot nito.
“Bakit di mo ko sinabihan? Edi sana ako ang sumama sayo.” nakakunot noong sabi nya dito.
“Haha ano ka ba Babs. Ayaw naman po kitang istorbohin. Alam ko naman na may iba ka pang ginagawa.”
“Pero ikaw ang top priority ko. Kaya kong iwan kahit anong ginagawa ko para sayo.” di nya napigilang banggit sa babae.
Nakita nyang natigilan si Lyna at maya maya ay nakita nya ang unti unting pamumula ng muka nito. Napangiti sya.
‘Kinikilig ba sya?’ mangha nyang tanong sa isip.
“Hah? Ah. Ahm. Ok po.” di malaman na sagot ni Lyna sa kanya sabay yuko. Natawa sya sa inakto nito.
Inangat nya ang mukha nito at tinignan ito sa mata.
“Please always remember that I can always give you my time. Ok?” nakangiti at sinserong sabi nya dito.
Napatango na lang si Lyna sa sinabi nya at lalong namula ang muka. Binitiwan nya ang muka nito ng bigla syang makarinig ng pagtikhim sa tabi nya.
Paglingon nakita nya ang Physics teacher at adviser nila na si Sir Ben.
” Tapos na ba kayo maglambingan Mr and Mrs. Villamayor?”, nang aasar na tanong nito sa kanila.
Mabait na teacher si Sir Ben. Napaka cool nitong teacher kaya madami ang may paborito sya.
Natawa lang sya sa sinabi nito samantalang si Lyna ay lalong namula.
“Sir naman! Mali po kayo ng iniisip!” depensa naman ni Lyna may pagkaway pa ng dalawang kamay sa harap ni Sir.
“Haha pasok na sa loob Ms. Saavedra at mag start na ang klase. Magpaalam ka na sa hubby mo.” pang aasar pa nito at tinalikuran na sila at pumasok sa room nila Lyna.
“Sir naman!” reklamo pa nito. Sya ay ngingiti ngiti lang at natutuwa sa pangyayari.
“Bakit ba lahat na lang inaasar tayo?” tanong pa ni Lyna sa kanya.
‘Kasi lahat sila alam na Mahal kita. Ikaw na lang di nakakahalata Mahal ko’ natatawa nyang sagot dito sa isip.
“Hayaan mo na. Pasok na. Sabay tayo mag lunch hah.” bilin na lang nya dito at baka ano pa masabi nya.
“Opo. bye Babs!”...