I Love You with All my Heart Chapter 7


I Love You with All my Heart
Chapter 7
Ryan POV
Maaga palang nakaready na ako para pumunta sa bahay nina Susie. Kailangan ko ding ihanda ang sarili ko sa mga sasabihin ng Daddy ni Susie.
Ito na din ang paraan ko para mayaya ko si Susie na lumabas. Nuon pa man gusto ko na si Susie at nasabi ko na iyon dati sa kanya. Yon lang wala akong nakuhang sagot o reaksiyon mula kay Susie.
“I hope it will be our chance to be together” umaasang na wika ni Ryan sa sarili.
Binabagtas na niya ang daan papunta sa bahay nila Susie. Hindi na siya makapaghintay na makita ulit si Susie. At sana hindi galit ang Daddy nito sa kanya.
“Sir may bisita pong dumating” sabi ng katulong kay Mr Alfaro habang nag aalmusal 1
sa teresa ng bahay nila. Nakaalis na ang mag-ina niya kahapon kaya siya na lang at ang mga katulong naiwan sa bahay nila.
Nilingon nito ang katulong at tumigil sa pagkain. “Sino daw?!” walang emosyon na tanong nito. May kutob na siyang isa sa mga Buenaventura ang dumating.
“Sir, si Sir Ryan po” magalang na sagot nito sa amo. Nag iba ang mukha ni Mr Alfaro nang malaman kung sino ang bisitang dumating. Hindi niya inaasahan na si Ryan ang pupunta sa kanila ang akala niya ay ang Mommy nito ang magpapaliwanag sa kanya.
“Sige papasukin mo. At paki ligpit na din ito. Nawalan na ako ng gana!” galit na utos nito sa katulong.
Kilalang mabait si Mr Alfaro sa trabaho at lalo na sa bahay. Pero nung magkasakit ang anak ay lagi na itong galit kahit kanino.
Naghintay na lamang si Mr Alfato kay Ryan sa sala. Nang dumating ang panauhin niya.
“Tito Alfaro” tawag ni Ryan sa nakatalikod na lalaki. Nung humarap sa kanya si Mr. Alfaro ay inilahad ni Ryan palad para makipag kamay. Hindi ito tinanggap ng matandang Amarigo.
“What are you doing here?!” galit na tanong ni Mr Alfaro. Kitang kita ang galit sa kanyang mga mata.
“Tito, gusto ko lang po kayo makausap at si Susie” magalang na sabi ni Ryan.
“Anong pag uusapan natin at ng anak ko? Alam niyo na nasaktan ang anak ko so bakit kailangan mo pang kausapin si Susie!” bulyaw nitong sabi kay Ryan.
“Tito, alam ko po na hindi naging maganda ang mga pagsasama nina Kuya Raven at Susie, gusto ko lang po na humingi ng tawad sa inyo” sinsero nitong sabi.
Sa totoo lang nahihiya siya sa mga nangyari kay Susie pero wala siyang magagawa dahil hindi naman talaga mahal ng Kuya niya si Susie.
“Patawad! Alam mo ba ang sinasabi mo. Sobrang nasaktan si Susie kahit pa desisyon niya na palayain ang kapatid mo! Umuwi ang anak ko na umiiyak at durog na durog ang puso. Nagkaroon siya ng depression at anxiety dahil sa mga nangyari!”
“Ngayon, anong magagawa ng paghingi mo ng tawad?!” galit na galit na sabi ni Mr Alfaro.


/> Nagulat si Ryan sa mga narinig.
“Maysakit si Susie!” nagtatakang nasambit niya sa sarili.
Kaya naman niyang tanggapin lahat ang mga mur* at galit ng Daddy nito. Ang hindi niya lang matanggap ngayon ay ang pagkakaroon ni Susie ng sakit.
“Halos mabaliw ang anak ko Ryan! Ngayon masisisi mo ba ako kung ganito ako kagalit sa pamilya niyo! Nagtangka pa siyang magpak*m*tay ng dahil sa lint*k na Raven na iyan!”
Tinanggap ni Ryan ang mga masasakit na salita na nagmumula kay Mr. Alfaro.
“Tinatanggal ko na ang kahit ano pa mang koneksiyon ng pamilya Amarigo sa pamilya niyong mga Buenaventura!” dugtong pa na sabi ni Mr Alfaro. Nagngingitngit na ito sa galit sa harap ni Ryan.
“Tito, na saan po si Susie?” iyon lang ang natanong niya sa galit na galit na ama ni Susie.
“Wala siya dito at hinding hindi niyo na makikita pa ang anak ko!” bulyaw nitong sagot.
“Pero Tito—-” may sasabihin pa sana si Ryan pero pinigilan na ito ni Mr Alfaro.
“Stop! Ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo. Kaya please get out!” umalingawngaw na sigaw ni Mr Alfaro.
Natigilan si Ryan sa malakas na sigaw ni Mr. Alfaro. Nakayuko siyang nakaharap sa Daddy ni Susie. Hiyang hiya siya sa mga nangyari sa dalaga.
“Get out of my house now!!” ulit nitong sabi kay Ryan at tumalikod na kay Ryan.
Wala na siyang nagawa kundi ang nakayukong umalis sa bahay nina Susie. Hindi siya makapaniwala na ang isang Susie na nakilala niya ay naging mahina. At nagtagkang magpak*mat*y ng dahil lang sa Kuya niya.
Sobrang sakit ng kalooban niya na nangyayari ito lahat kay Susie. Kung sana ay ipinaglaban nito ang pagmamahal kay Susie di sana masaya sila ngayon. Pero nasa huli ang pagsisisi. Huli na para pagsisihan at isisisi sa kapatid ang lahat ng pasakit na nararamdaman ni Susie.
Nang makauwi si Ryan sa bahay nila ay dire diretso siyang pumunta sa bar area. Gusto niyang uminom at lunurin ang sarili sa alak. Nasasaktan siya para kay Susie.
Masaya na ang Kuya Raven niya pero si Susie ay nagdurusa ngayon. Paano pa niya haharapin ang Kuya Raven niya? Paano niya sasabihin sa pamilya niya ang nangyari kay Susie? Anong sasabihin niya kay Susie kapag nagkita sila? Mga tanong na bumabagabag sa kanya.
Nakatulog na si Ryan sa sahig. Hindi na niya nakayanan ang kalasingan kaya sa sahig na siya nakatulog. Naabutan siya ng Mommy niya na mahimbing na natutulog.
“Ryan, Hijo” tawag nito sa anak. At tinapik ang balikat ni Ryan para magising. Kumislot ito at inimulat ang mga mata. Mababanaag ang lungkot sa mga mata ni Ryan.
“Bakit diyan ka natulog?” bungad nitong tanong kay Ryan na pupungas pungas pa ng mata dahil kagigising lang. Hindi nito sinagot ang tanong ng ina bagkus ay natawag lang niya ito.
“Mom” tawag ni Ryan sa ina.
“Aakyat na po muna ako sa kwarto ko” paalam nito sa ina at tumayo na ito para pumunta sa kuwarto niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top