Ang Boyfriend kong Gwapo Chapter 10


Ang Boyfriend kong Gwapo
Chapter 10
“Tatay?!” gulat na tawag ni Angelo sa Ama. Lumapit naman ito sa anak habang nasa wheel chair. Nasa likod niya si Andrea na kasamang nagbabantay sa anak na si Angelo.
“Anak” tawag din nito kay Angelo. Hindi siya makapaniwala na kilala pa siya ng panganay niya. Matapos ang matagal na panahonng pagkakawalay sa kanilang mag ina.
“Bakit po ako andito? Anong ginagawa ko po dito sa hospital?!” naguguluhang tanong ni Angelo sa Ama.
“Nasa hospital ka ngayon anak. Nakita ka ng caretaker ko sa isang bakanteng lote na walang malay. Tiyempo naman na ako ang may ari ng bakanteng lote na iyon. Itinawag nila sa akin ng matagpuan ka nila. Kaya dinala kita dito sa hospital” mahabang kuwento ni Cain.
“Natatandaan ko na po. Pauwi na ako ng mawalan ng malay. Dahil siguro sa pagod sa construction” wika ni Angelo.
Kinuha ni Cain ang mga kamay ni Angelo at tiningnan ang mga palad nito. Nahabag siya sa nakitang makapal na kalyo at mga sugat dito. Bigla itong tumayo sa kanyang wheel chair at niyakap ang anak.
“Patawarin mo ako anak. Pinagsisihan ko ang pag iwan sa inyo nuon” hingi nito ng tawad sa anak at humagulgol na ng iyak.
Kumalas sa yakap si Angelo at iniharap ang Ama sa kanya.
“Bakit po ngayon lang kayo dumating? Ilang taon kaming naghintay sa pagbabalik niyo? Pero umaasa lang pala kami sa wala. Alam niyo po ba si Nanay naging miserable siya ng dahil sa inyo!” sumbat ni Angelo sa Ama habang umiiyak. Lumapit naman si Andrea para iupo si Cain sa wheel chair nito.
“Anak, humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa inyong mag ina. Alam ko na hindi ko na mababawi ang matagal na panahong wala ako sa inyo” umiiyak na sabi ni Cain.
“Tay, inirerespeto ko pa po kayo hanggang ngayon pero hindi ko alam kung mapapatawad ko kayo!” hinanakit na sabi ni Angelo.
“Bigyan mo ako ng chance anak na itama ang lahat ng pagkakamali ko” nagmamakaawang wika ni Cain. Umiling iling lang ng ulo si Angelo. Ayaw na niyang mas lalong sumbatan pa ang Ama at mawala ang respeto niya para dito.
“Uuwi na po ako sa bahay namin, baka nag aalala na ang kapatid ko at si Nanay” walang emosyon na sabi ni Angelo sa Ama. At tumalikod ng higa kay Cain.
Niyakap ni Andrea si Cain at dinala sa labas ng kuwarto ni Angelo. Sobrang sakit para kay Cain na makitang sobra ang galit ng panganay na anak. Alam niya na walang kapatawaran ang mga ginawa niya sa kanilang mag ina.
“Cain, hayaan mo muna humupa ang galit ng anak mo” payong sabi ni Andrea. At...


hinawakan ang mga kamy ni Cain.
“Andrea nakapakalaki ng kasalanan ko sa mag ina ko. Kahit ako hanggang ngayon hindi ko pa din napapatawad ang sarili ko” wika ni Cain.
“Hayaan mo muna silang makapag isip. Alam ko dadating din ang kapatawaran na hinihingi mo” ani ni Andrea. Tumango ng ulo si Cain sa sinabi ni Andrea sa kanya.
“Aalis lang ako sandali para ayusin ang bill ni Angelo para maiuwi mo na ang anak mo” sabi pa ni Andrea. Isa pa yun sa pinoproblema ni Cain kung papayag si Angelo na sumama sa kanya para makasama ito ng mas matagal bago niya iuwi sa kanila.
Nang maayos ni Andrea ang bill ni Angelo ay dinischarge na din ito. Walang nagawa si Cain ng hindi pumayag ang anak na sumama sa kanya.
“Paki hatid na lang po ako malapit sa bahay. Huwag po kayong magpapakita kina Nanay at kay Angela” malamig na sabi ni Angelo sa Ama. Nasaktan si Cain sa mga sinabi ng anak.
“Sige anak, kung iyan ang gusto mo” malungkot na sabi ni Cain.
Hinatid nila si Angelo pero hindi sa tapat ng bahay nito. Tinatanaw ni Cain ang papalayong anak habang papalapit sa bahay nila. Nakita niya na sinalubong ni Angela ang kapatid.
“Ang bunso ko. Dalaga na” masayang nasambit ni Cain sa sarili.
“Tara na po Manong” utos ni Andrea sa driver. At umalis na sila.
Nagulat si Angela ng makita ang kapatid mula sa bintana na papalapit sa bahay nila. Lumabas siya at sinalubong ang kapatid ng yakap.
“Kuya!” umiiyak na sabi ni Angela habang yakap ang kapatid. Iniharap ni Angelo si Angela sa kanya at pinunasan ang luha sa mga mata.
“Oh huwag ka ng umiyak. Andito na si Kuya” patahan na wika ni Angelo.
“Kuya pinag alala mo ako. Hindi ka man lang tumawag o kaya nag text sa akin kung na saan ka” pag alala ng sabi ni Angela.
“Nawala sa isip ko, sorry na bunso” malambing sagot ni Angelo para mapawi ang pag alala ni Angela sa kanya.
“Halika na pumasok na tayo sa loob” yaya ni Angelo sa kapatid. Bago hinawakan ni Angelo ang kamay ng kapatid ay sinilip muna nito kung nasa labas pa ang sasakyan ng ama. Nang makitang wala na ang sasakyan ay hinawakan na nito ang kamay ni Angela at iginiya papasok si Angela sa loob ng bahay nila. Nagtataka naman si Angela dahil sa ikinilos nito.
Naisip ni Angelo na dapat hindi makita ng bunsong kapatid at ng Nanay niya ang kanilang Ama. Ayaw na niyang madagdagan ang sakit na nararamdaman ng Nanay nila dahil sa kanilang Ama. Alam niya na may bago na itong pamilya at masaya sa piling ng iba.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top