MISS DETECTIVE ~Chapter two~


MISS DETECTIVE
~Chapter two~
Nagising ako..sa isang napaka gandang palasiyo..Tama isang palasiyo dahil napaka laki nito..
Lumakad ako papasok sa loob at nakita ko ang mga lalaking naka itim.. lumapit ako sa isa sa mga lalaki at balak sanang tanungin.. ngunit nag lakad Ito papasok..
Sinundan ko ito at balak sanang hawakan ang kaniyang kamay ng bigla akong tumagos..Nag taka ako kung bakit.. hangang sa napag tanto ko na isa itong panaginip..
Pero bakit ako naandito? Sino ang mga lalaking Ito? Sino ang nag mamay ari ng malaking palasiyong pinasok ko?..Mga tanong ko sa aking isipan..gusto kong masagot ang mga katanungan ko,Kaya napag desisyonan ko na tuluyang pumasok sa loob..
Ng tuluyan akong makapasok..humanga ako sa taglay na ganda ng bawat sulok ng lugar..Ang bawat sulok ay gawa sa ginto,ang bubong at mga posted ay gawa naman sa pilak..
Lumakad ako hangang sa nakita ko ang dalawang lalaki..Tama dalawang lalaki at maganda ang kanilang pangangatawan..hindi ko maaninag ang kanilang muka dahil sa maskarang kanilang suot-suot..pero halata mong may mga itsura sila..
Maya...


maya ay may lumapit ditong isang napaka gandang babae..halata sa panga-ngatawang maganda..
Lumapit pa ako ng kaunti at naring kong sila ay may pinag tatalunan..
“Papa..hindi ko kayang iwan si Allen..mahal ko siya!” Galit na sigaw ng isa sa mga lalaki
Bakit?Bakit kapangalan ni Inay yung babae?Sino ba talaga kayo?!
“Sa ayaw at sa gusto mo! Mag papakasal ka kay Isabel! Kung hindi..Itatakwil Kita bilang anak ko at mawawalan ng Mana sakin!” Galit na saad naman ng isang lalaki
“Hindi! Hindi ko iiwan ang mag ina ko!”
“Buntis siya?! Kung ganoon pumapayag akong mag sama kayo..pero sa isang kundisiyon..”
“Anong kundisiyon papa?” Kabadong saad ng isa sa mga lalaki
“Ibibigay mo sakin ang APO KO” matigas na saad ng matanda
“Hindi! Ayoko! Dadaan muna kayo sakin..bago nyo makuha ang anak ko!”
*Cringg!! Cringg!!*
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm ng aking cellphone
Hayy..Sino sila? Anong kaugnayan nyo kay Inay? Sino kayong lahat? Mga tanong ko sa aking isipan
Abangan sino kaya ang dalawang lalaking nag tatalo sa kaniyang panaginip..






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. super ganda😅❤️

Leave a Reply


top