His Lola’s Last Will Chapter 6


His Lola’s Last Will
Chapter 6
Hinigpitan ko ang pagkakapit sa tali ng hoodie ko nang maramdam ang malamig na simoy ng hanging dumampi sa mukha ko.
Its almost February pero dama pa rin ang hanging pasko sa paligid.Malamig, nanunuot sa balat. Napatingin ako ng orasan.alas siyete na ng gabi.napabuga ako ng hangin sa pag ka inip. Kung kanina panay ang tahip ng dibdib ko sa kaba dahil sa natanggap kong tawag sa Federico na yun, ngayon ay napalitan na ng pag kas*ra at in*s. Eh pano ba namn, ang sabi within 30 mins darating na sya dito sa tapat ng munisipyo namin eh mag iisang oras na wala pa rin sya! Hindi pa naman ako magkanda ugaga sa pagbibihis kanina. Pati si Mama na utusan ko pang umarkila ng tricycle para lang makarating kaagad dito yun pala pag hihintayin lang ako. Eh di sana naglakad na lang ako diba? Tipid pa!
Naku kung di ko lang inaalala ang nangyari sa Lola nya nunkang siputin ko ang an*mal na to.! Ang yabang sa telepono kung makademand kala mo Diyos!
‘Be on time! Ayoko ng pinagihintay!’ Tila umi- echo pa sa tenga ko ang asik nya sa telepono na syang kina taranta ko naman at itinakbo dito ng mabilis pa sa alas kwatro.Mabuti na lang at napaniwala ko ang mama sa dahilan kong makikipagkita lamang ako sa isang employer at dali dali namn akong pinayagan na hindi man lang nagtaka kung bakit sa gabi ang interview.
Tsk! Siguro sa tindi ng pangangaulangan ni mama, hindi na nya inintindi pa ang bagay na yun.
Hays.. naalala ko nanaman ang problema namin.. Sakit sa bangs! Napahawi tuloy ako ng ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko at inipit sa likod ng aking tenga.Speaking of bangs mahaba na nga pala ang bangs ko , pag uwi ko pagdidiskitahan kong putalan ito, feeling ko ang tanda na ng itsura ko ngaun.Tumatanda na ako sa dami ng stress..
Abala ako sa pagsipat ng buhok ko nang di ko namalayang may huminto na palang itim na kotse sa harapan ko. Napansin ko lang ito nang binabaan ako nito ng wind shield at may nagtawag ng pangalan ko mula sa driver’s seat.
‘Amichell Fernandez?’ Bati sakin ng may edad na ring lalaki. Naka polo shirt ito ng puti at mukhang disente namn ang itsura.
‘O-opo?’ Tugon ko sabay naglumikot ang mga mata ko sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi kaya ito na ang taong hinihintay ko? Pero bakit parang wala naman si sir?
‘Pumasok ka na ng sasakyan miss, nasa bayan si Sir Ric dun daw kayo mag kikita.’
‘Ho?’ Umalma ako,
‘No way ang usapan dito lang kami magkikita, bakit sa bayan pa?’ ang dami nang tumakbo sa isip ko, hindi pwedeng mangyari ang gusto nya! Ang layo din ng bayan ano sya sini swerte! Baka kung anong gawin nya sakin! Hello kababae kong tao!
Nakita kong napakamot ng ulo si kuyang driver at maya pay napatawag ng telepono.
May isang minuto din akong nakatayo sa gilid ng kotse ni kuya. Napaigtad pa ako ng biglang nag vibrate ang hawak kong phone.
Si An*mal!
Tumikhim muna ako bago sumagot.
‘Hello..’
‘What the hell are you thinking? Mag uusap lang tayo for petes sake! Get in to the car bago pa lalong lumalim ang gabi,’ singhal nya sa telepono na kagyat na kina panting ng tenga ko.
Abat ang dam*hong ito , sya pa ang may ganang mag demand eh sya na nga ang humihingi ng fabor na magkita kami!
Wait.. may atraso ka pa rin sa lola nya Mitch so dont act like na wala kang responsibilad na kausapin sya! Untag ko sa sarili.
‘Pe-pero sir ang layo ng bayan.. at saka usapan natin dito lang tayo diba?’ Sinubukan kong mag pakahinahon. Civil ba.Ayoko ng eskandalo lalo na dito pa sa harapan ng munisipyo namin.
‘D*mn it… its only 20minutes away from your place, nakapunta ka nga ng manila diba? ‘ and then he paused.
narinig ko syang napa buntung hininga sa kabilang linya.
‘Okay, I know you are worried about your safety, I understand, but please trust me, kung gusto mo pede mong i send ang pangalan ko sa pamilya mo, my plate no, my passport copy, name it, just for your peace of mind’ suhestyon nya.
Napatingin ako kay kuya driver. Hinahanapan ko ng garantiya ang mga sinabi nya sakin.
Hmmm..Mukhang mabait naman si Mamang driver. Cge na nga ng matapos na ito. Tatawag na lang ako kina mama pag nagkaproblema. Wala eh nagkasubuan na.
‘Okay.. sasama na ako, pero promise sandali lang to’
‘Good.. very good.. cge na ill wait you here, and .. salamat’ sabay putol ng tawag.
Napaawang ako ng bibig.Marunong din palang mag thank you ang an*mal..
—////
‘Nandito na po tayo Ma’am’ Muling tinubuan ng masamang kutob ang dibdib ko pagkahinto namin sa tapat ng isang mamahaling hotel.
Napakapa tuloy ako ng telepono at mariing pinagkatitigan ang mga kuha kong plate no sa screen.
Hwag syang mag kamaling gumawa ng palso i sesend ko talaga ito sa tiyuhin kong pulis!
‘Um Ma’am tara na po’ lumipad ang tingin ko sa nakabukas nang pintuan at dahan dahang umibis ng kotse.
‘Na-nasan sya?’ Inilibot ko ng maigi ang aking mga mata sa loob ng looby ng hotel habang sinusundan ko si kuya.Ngunit ni anino ng amo nya ay hindi ko nakita.
Hanggang sa humatong kami sa elevator. Bantulot akong pumasok kasama nya pero wala na akong choice. Nandito na ako, at malayo layo narin ito sa amin, makakaatras pa ba ako? Pinindot nya ang third floor at maya pay nagsara na ang elevator. Habang paparating kami sa palapag na pinili nya ay lalong nadaragdagan ang kabang naghahari sa dibdib ko. Ano ba itong napasukan ko? At bakit dito pa sa hotel. Sa lahat namn ng pwedeng pag kitaan , Hotel pa? Ano to mag che ch*ck in kami? Sa dis oras ng gabi? Parang may mali.
‘Sir nandito na po kami..’ tawag ni kuyang driver pagkatapos nyang katukin ang pintuan ng sa tingin koy isa sa mga VIP room ng Hotel.
I heard a light click from the other side of the door at maya pay nagbukas na ito.
And there he is. Suot ang kanyang white long sleeve shirt, at black slacks with matching...


bed slippers, hinarap nya ako wearing his signature snobbish face na medyo haggard ng konti dahil sa maliliit nitong balbas na nag uumpisa nang tumubo.Pero grabe hindi parin nito maitatago ang kagwapuhan ng dam*ho! At sa tingin ko pa nga lalo syang gumwapo sa suot nyang kaswal lang. At ang muscle, hindi sya kalakihan pero namum*tok sa manipis at hapit nitong shirt,not to mention ang mga pandesal nyang nakasilip sa maliliit na siwang sa pagitan ng mga bitones ng kanyang damit. Sy*t.. parang ang tit*gas nun ah..
‘Ehem..’
‘Huh? ‘Balik ko sa kasalukuyan
‘I said you can come in’ napakalamig ng boses nyang iyon dahilan para magtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.
‘Um..sa sa loob?’ Para akong natuyuan ng lalamunan na napaturo ng kwarto nya.
‘Ofcourse san pa ba? Alangan namng dito tayo sa hallway mag usap? ‘ hinilig pa nya ang ulo padireksyon sa labas just to emphasize his point.
‘Um.. o-okay’ hindi man ako sigurado sa ideya nyang iyon ay kusang napahakbang na ang mga paa ko papasok ng kwarto nya.
At bago paman ako makahuma sa nagawang desisyon ay tuluyan ng nagsara ang pintuan sa aking likuran. Leaving me alone, in this room , with this queen size bed sa di kaluyuan , kasama ang estrangherong lalaking kahapon ko lang nakilala.
—///
‘You can sit here’ alok nya sa isang accent chair na nasa tabi ng kanyang kama. Pagkaupo ko ay agad nyang inilapit ang isang maliit na center table sa harapan ko at inilapag ang Mac laptop sa ibabaw nito.
Tahimik ko lang syang pinapanood habang abala sya sa kakabutinting sa laptop nya. Ano bang gagawin namin? Bakit may laptop? Ano to may investment briefing ba kami? Aalukan pa yata ako nito ng online business eh, parang pyramiding scam?
Nasa gitna ako ng pag mumuni muni nang bigla akong nadisturbo ng pagkulo ng tyan, worst tyan ko pa!
‘Would you like to eat?’
‘Huh?’ Sh*t narinig pala nya. Nakakahiya!
‘Wait ill order some food’ napatayo sya at dumeretso ng telepono to call a room service.
‘Naku hindi na, um.. coffee na lng.. may may diperensya lang ang tyan ko’ pag dadahilan ko. Kumain naman ako bago ako umalis ng bahay ewan ko ba kung bakit bigla na lng kumulo ang tyan ko, marahil sa nerbyos.
‘Are you sure? How about going to the rest room first bago natin simulan ito?’
‘Ha? Ah, eh im okay.. kulo lang ito hindi naman LBM’
‘Anong LBM?’ I saw him lost for a second.
‘LBM lost bowel movement ano pa ba’ sunga naman nito.
‘ oh okay.. ‘ di ko sure pero parang naka kitaan ko sya ng pag ngiti sa sinabi ko tas saka sya tumalikod at nagtungo sa maliit nitong kitchen para gawan ako ng kape.
‘How many teaspoons of sugar?’ Tanong nya sakin mula sa kitchenette nya.
‘Um.. no sugar please’ matipid kong tugon.
Hindi na sya sumagot. Maya pay bumalik na sya dala ang kapeng nirequest ko saka marahang inilapag sa isa pang side table na nasa gilid ko.
At pagkatapos ay muling hinarap ang laptop. Matamang pinagmasdan ko sya sa likod ng mug na hawak ko.
Mukha naman pala syang behave. Suplado lang talaga.
‘We will going to have a conversation with my Grandma’s lawyer, mr, Liam Griffin, kilala mo ba sya?’ He asked without looking at me.
‘Um.. opo sir, kilala ko sya’ minsan ko lang sya nakita nung nabubuhay pa si lola. Yun yung time na kakahire ko lang at pinakilala sya sakin ni Lola nang minsang dinalaw nya ang matanda. Gwapo rin iyon in fairness, yun nga lang parang baklain. Bukod kasi sa parang nag glu gulthaione sa sobrang puti eh mahinhin pa.
Unlike Him. May pagkabrusko. Ang s*xy ng kulay nya..Tall Dark and Handsome lang ang peg..Lalaking lalaki ang dating.
Huh? What the heck? Bakit ba pinag ko compare ang dalawa?
‘Good.. let me ask you something before we begin, ‘ he pulled another chair at pinwesto sa tabi ko. Sa sobrang lapit nya sakin, amoy na amoy ko ang mamahaling pabango nya. Its so mesmerizing halos malunod ako sa bango nya.
‘May alam ka ba sa huling testamento ng lola ko? Did you she told anything about it?’ Tagos hanggang kaluluwa ang paraan ng pagkakatitig nya sakin dahilan para muli akong bumalik sa tamang huwisyo.
‘Ha?’ Wa-wala naman..’ biglang na blangko ang isip ko sa tanong nyang iyon. At huli na ng maalala ko na meron ngang pinapirma sakin si lola na kasulatan, pero naglolokohan lang kami nun, imposible namang-
‘Ganun ba? Okay.. sure i trust you, now wear this’ he slowly leaned over me at may kinabit sa kanang tenga ko. Napalunok ako sa nerbyos ng dumampi ang kamay nya sa aking pisngi .
‘How’s it? He said huskily to my ear. Habang ang mga mata nya ay nakatutok sa maliit na aparatong nakasuot sa tenga ko.
‘Um o-okay naman..’ .
‘Good, now we can start..’ marahang pinitik pa nya ang tungki ng ilong ko saka ngumiti.
Oh my God , did he just smiled at me?
Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapanood ko syang bumalik sa sariling upuan.
‘Hello, I’m with her now, and yes we are ready’ he looked at me to check if I’m ready. Napa tango naman ako in return. Unfortunately tulala parin at the moment.
Maya pay nawala na atensyon ko sa kanya at napatitig sa lalaking biglang rumehistro sa malapad na screen ng laptop nya.
‘Good evening, nice meeting you again Mitch..’
‘Sir Liam!’ Usal ko ng makilala ang abogado ni Lola.
‘Hahaha, mabuti namn at natandaan mo pa ako, its been a while, kumusta na, mukhang lalo kang gumaganda ah..’
‘Ay grabe si sir’ hindi ko mapigilang mapangiti sa pambobola niya, somehow gumagaan ang tensyon sa dibdib ko at nahawa sa kasiglahan ng boses ni Sir Liam.
‘So are you gonna finish your small chitchatting here first before going to the main topic? Just to remind you malayo pa ang uuwian ni Mitch and its getting late’
Napapihit ako ng tingin sa may pagka sarkastikong komento ni Sir Federico at sandaling natigilan.
He was looking so bored and pissed off dahilan para mapaayos ako ng upo.
‘Oh ganun ba, you should’ve told me earlier, Okay sure, simulan na natin ito’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top