MY AMNESIA WIFE CHAPTER 13


🥀CHAPTER 13:Mike’s Craziness 🥀
🥀Alliyah Majandra POV🥀
“Mommy!Bakit po nandito siya? And why is she hugging you?” Takang tanong ng anak ko ng makita niyang si Carla na nakayakap sa akin.
Napatingin din si Carla sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang irapan ng anak ko. Kaya lumungkot ang mukha niya.
“Anak that’s bad hindi naman nanggugulo si Tita Carla mo. You have to respect her.”Kalmado kong sabi.
“But she doesn’t ko respect you nung agawin niya si daddy sayo! And she’s the cause of everything.” Sabi ng anak ko at umiyak.
Nagulat ako ng bigla na lang may kunin si Carla sa bag niya. Isa yung Teddy bear na kulay pink.
Bago niya pa ibigay yun kay Charlene. Agad ko yung kinuha sa kanya. Nag-iingat lang.
” Alliyah wala akong nilagay diyan. Laruan lang yan. Hindi ko na sisirain ang tiwalang binigay mo sa akin.”
Mukha namang seryoso siya kaya ako na ang nagbigay ng Teddy bear. Inaalog alog ko muna para makasigurado.
“Sorry Charlene….Hindi ko na kayo guguluhin. Hindi ko na aagawin ang daddy mo….Sana patawarin mo si Tita Carla” Sabi niya sa anak ko.
Pati ako ay naluluha na. Noong baby pa si Charlene si Carla ang katulong ko sa pag-aalaga. Lagi siyang naandiyan para sakin at sa anak ko sa kahit anong oras.
Aalis na sana si Carla ng tawagin siya ng anak ko. Napangiti naman siya at lumuluha pa rin.Lumapit si Charlene sa kanya at mabilis siyang niyakap.
Pagkatapos niyang sabihin sa akin ang lahat lahat ay magpapakalayo layo na daw siya at magbabagong buhay.Siguro ay natatakot dahil inilaglag niya si Mike.
Ngayon si Mike na lang problema.Ewan ko ba pero parang problema ito sa utak.Dahil b*liw na b*liw siya sa akin.
Sa ngayon may ebidensya na kami kaya pwede na namin siyang ipakulong.Tama na ang pagkukunwari niya.
“Tita Carla bakit hindi na lang po kayo ni Tito Mike? Bagay naman po kayo diba?” sabi ng anak ko at ngumiti.Mukhang unti unti ng naaayos ang lahat.
“Hindi pwede baby eh! Hindi na bad si Tita Carla! Saka lumayo ka kay Tito Mike mo hindi yun mabait.” Sagot naman ni Carla at pinisil ang pisngi ng anak ko.
“Carla, dito ka na din kumain ng tanghalian. Nagluto ako.” Kaya napatingin siya sa akin. Parang hindi makapaniwala.
“Wag na.. Uwi na lang ako sa bahay. Walang kasama si nanay eh.” Hindi ko na siya pinilit pa. Ngayon alam ko ng nagbago na talaga siya.
🥀Carla POV🥀
Gusto ko ng magbanggong buhay. Ang magpakalayo layo. Sa mga taong nasaktan at gin*go ko. Ang pumunta sa tamang landas.
Inamin ko na kay Alliyah lahat lahat ng tungkol kay Mike. Matatahimik ang lahat kung makukulong ang hay*p na yon.
Napag-isip isip ko na tama nga si nanay, ang lahat ng pagtutuwid niya sa akin. Gusto ko ng maging mabuting anak sa kanya. Habang nakakasama ko pa siya.
Masaya akong umuwi ng bahay. Siyempre may dala akong pasalubong.Si Bakla wala umalis. Mukhang may papa na ang bading na yon.
Ang tahimik ng bahay namin. Parang hindi ako...


sanay. Usually kasi ay talak ng talak si Nanay habang nanonood ng drama sa T. V.
“Nay! Nay! Nakauwi na ko! Sinabi ko na kay Alliyah lahat. Lalayo na tayo dito. Lalayo na tayo sa hayop na Mike na yon.”
Pero walang sumasagot. Kinabahan na tuloy ako. Saka ko lang napansin na ang gulong ng bahay namin.
Pumunta ko sa kwarto at nakita ko dun si Nanay. May dugo! May dugo! Hindi na siya humihinga. P*tay na yung nanay ko…
Alam ko na kung sinong may pakana nito. Walang iba kung hindi ang hay*p na Mike na yon.!
“Mga kapitbahay tulong!….. Yung nanay ko….. Tulungan niyo ko….sigaw ko habang ang duguang katawan ni Nanay.
Tinulungan ako ng aking mga kapitbahay. Ang dami nilang tanong. Ngunit kahit isa ay wala akong isinagot.
Umalis muna ako doon. Hay*p ka Mike. Pati nanay ko dinamay mo sa kahay*pan mo. Sumakay ako ng taxi.
“Hoy Mike lumabas ka diyan! Lumabas ka diyang h*yop ka! Lumabas ka diyan!Bakit naman yung nanay ko?! ” garalgal na ang boses ko.
Nagsisigaw ako sa harap ng mansyon ng mga Del Mundo.Mabuti ng malaman ng lahat kung gaano kasamang tao Mike!
“Sandra anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Marco. Pero wala akong pake sa kanya. Gusto kong makita ang hay*p niyang ampon na kapatid.
“Si Mike nasaan? Asan si Mike? Nasaan ang h*yop na yon?” sunod – sunod kong tanong. Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.
“Wala dito. Pinalayas na ni Mom. Umalis na. Bakit makikipagsabwatan ka na naman sa kanya ha?”
“Pinatay niya nanay ko! Sira*lo ang hayop na yon…. Bakit niyo pinalayas? Di niyo pa pinakulong.”
“P*tang ina! Si Alliyah at anak ko.” sabi niya at nagmamadaling pumunta sa kotse.
Tama siguradong si Alliyah ang pupuntahan ni Mike… P*nyeta siya wag niya ng idamay ang best friend ko sa kabal*wan niya.
“Sasama ko! Ako ang papatay sa hayop na yon! Ng matigil na ang kadem*nyuhan niya.” Hindi na siya nagsalita pa at pinaandar na ang sasakyan.
Ng makarating kami sa mansyon.Naabutan namin ang isang katulong na umiiyak. Wala si Alliyah at si Charlene. Magulo din ang buong mansyon.
” Zayra asan ang asawa at anak ko? “galit na tanong ni Marco sa katulong. Nag-aalala na para sa mag-ina niya.
” Ehh sir dinala po ni sir Mike. Ang dami nga pong kasama ehh.Mukha po siyang nababaliw na. “takot na takot na sabi ng katulong.
” Saan daw pupunta?! “Baka ano pang gawin ng hay*p na yon sa best friend ko at kay Charlene.
” Sa hideout daw po. Sabi niya sa mga tauhan niya. Iyak nga po ng Iyak si Charlene ehh. “Nakita ko ang Teddy bear na bigay ko at sira sira na yon.
” Tara na! Alam ko kung saan yon! Kailangan natin bilisan baka anong gawin non sa mag-ina mo. “Sigaw ko kay Marco.
Wala na kong pake kung mam*tay ako basta map*tay ko rin ang hay*p na Mike nayon!
Sa ngayon ang gusto ko lang mangyari ay maging masaya si Alliyah kasama ang asawa at anak niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top