BECAUSE OF YOU CHAPTER 2


GENRE :ROMANCE
WRITTEN BY: SKYLINE

NAGULAT akong napatingin sa babaeng sumampal sa akin. Nakatayo ito sa aking harapan at nanlilisik ang mga mata.
“What the he-,” hindi ko natuloy ang nais kong sabihin ng sampalin niya muli ako sabay sipa ng aking harapan.
“Bastos,” iyon ang salitang namutawi sa kanyang bibig. Pero bahagya itong natulala sa harapan ko. At agad din itong umalis at naglakad.
“F*ck!” Daing ko na namimilipit sa sakit.
“Mayor, gusto mo sundan ko.” Wika ng bodyguard n’ya.
“Huwag na at mukhang magkikita pa kami.” Nakangising ani ko habang sinusundan ng tingin ang babaeng papalayo. “At oras na magkita tayo, sisiguradohin kong mapapasa’kin ka.” Nakangising wika ko.
Akmang sasakay na ako ng sasakyan ng mahagip ko itong may kausap na isang matanda. Kita kong tumingin ito banda sa akin. Kaya nginitian ko ito ng nakakaluko.
Habang hinihintay kong mailagay ni Mang Ramon ang aking dalang maleta. Ay may lumapit sa aking pulis. At dahil nakatingin siya banda sa akin, kita niya na may kausap akong pulis. Agad itong sumakay ng sasakyan at yumuko.
Napangiti ako dahil sa inakto ng babae. Ang alam niya siguro ay ipapahuli ko siya. Biglang tumunog ang aking celphone,tinangnan ko kung sino ang tumatawag.
Agad kong sinagot nang si nanay belen ang tumatawag. Ang katiwala sa aming mansyon. At ito rin ang umaalalay sa kanyang lola Gloria.
“Yes, nanay belen bakit po kayo napatawag. May nangyari ba kay lola.” tanong niya dito sa kabilang linya.
“Geo, nasaan ka na ba? kanina ka pa hinihintay ng lola mo. Pinatawag ako kasi ang tagal mo daw.” nag aalalang wika nito sa kanya.
“Nanay belen sabihin ninyo kay lola on the way na ako.” Saad niya sabay patay ng tawag.
“Manong Ramon, pwede mo bang alamin kung saan nakatira iyong babae na yon. At kung kaano-ano niya iyong matanda.”pakiusap niyang wika sa kanyang bodyguard.
“Copy mayor,” nakangiting sagot nito. Napapailing na lang si mang Ramon dahil sa kanyang amo. Kilala na niya ito kapag may nagustohan na isang bagay, nakukuha niya ito nang walang kahirap-hirap.
Pagdating ko sa mansion agad akong pumasok sa malaking sala. At tulad ng dati nandoon ang kanyang mahal na lola. Nakaupo sa isang tumba tumba na upuan, at mukhang tulog.
Paakyat na sana ako ng hagdanan, ng biglang magsalita ito. Lola talaga niya malakas ang pakiramdam. Kahit 80 years old na, malakas pa rin ito. At takot ako sa kanya.
“Geoffrey!, lalampasan mo lang ba ako?” Wika nito na halatang may kunting galit
Kaya agad akong bumalik sa sala. At kapag buong pangalan na niya ang tinawag nito. Asahan mo nang galit ito oh kaya ay nagtatampo
“La, akala ko po tulog kayo kaya aakyat na sana ako,” wika ko sabay halik sa noo nito. Napakamot naman ako nang bigla niya akong kurotin sa aking pisngi. Umupo ako sa tabi nito.
” Kumusta ang mama at kapatid mo sa Manila apo? Tanong nito sa kanya na halatang malungkot. Dahil hindi niya nakakasama si mama at collin pati ang mga apo nito.
” Maayos naman po sila ‘La. Namimiss na po kayo ng mga apo ninyo. Gusto kayong makapiling ng mga bata. Kaya next week...


luluwas tayo.Ipapasyal ko kayo sa MOA.” Nakangiti akong nakatingin sa kanya.
“Apo, hindi ko na kaya ang mamasyal at saka ayaw kong iwan ‘tong mansion. Nandito ang alaala ng lolo mo,” ani nito na halatang may lungkot sa boses.
” Lola, hindi naman mawawala itong mansion, hindi nila ito mabubuhat.” Birong turan ko dito. Kaya hinampas siya ng tsinelas sa ulo.
“Ikaw na bata ka, kahit kailan pilosopo ka,”naniningkit ang matang wika sa kanya.
“Lola naman kasi, isang linggo lang naman kayo doon. At tiyaka sa helicopter natin kayo sasakay para hindi kayo mahirapan.”Sabi ko dito habang haplos haplos ang ulong hinampas ng tsinelas.
” Siyanga pala apo, galing dito iyong kasintahan mong parang iwan.”Nakasimangot na wika nito.
“Sino sa kanila ‘La?” Tanong ko sa kanya. Sinamaan naman ako ng tingin nito. Mabuti na lamang at di ako pinokpok ulit ng tsinelas sa ulo.
“Geoffrey! anong sino sa kanila? Huwag mong sabihin na madami ka na namang babae.” Pasigaw na wika sa kanya.
” Kaylan ka ba magbabago Geo? saan ka ba nangmana bata ka? hindi naman ganyan ang daddy mo.”
“Kay lolo,” may pang-aasar kong sagot kay lola na ngayon ay nilakihan na siya ng mata. Sabay pokpok ng tsinelas sa kanyang ulo. Agad akong lumayo sa kanya nang akma na naman akong hahampasin sa braso.
“Ikaw Geo kapag hindi kapa nagbago, at kapag sa araw ng aking kaarawan ay wala ka pang ipapakilala sa aking disenting babae. Aalisan kita ng karapatan sa yaman ko. Ibibigay ko lahat kay Collin.” Bantang saad ng lola niya. Kaya napakamot ako sa aking batok.
” Lola naman, malapit na ang inyong kaarawan eh. Next month na kaya impossible ang hinihingi ninyo sa akin.
“Problema mo na ‘yan. Gusto ko nang makita ang magiging apo ko sa’ yo. At siguradohin mo lamang na magugustohan ko iyang ipapakilala mo sa akin.” seryosong wika nito.
Sa lahat ng naging babae ko, wala man lang itong nagustohan. Dahil maarte daw. Napabuntong-hininga ako na tumingin sa aking lola na ngayon ay nakapikit na ang mga mata. At alam kong seryoso ito about sa mana.
ITINAPAT ko ang aking hubad na katawan sa tubig na nagmumula sa shower. Hinayaan kong rumagasa ang tubig sa aking katawan.
Saan kaya ako kukuha ng babaeng ipapakilala sa kanya. Hindi naman pwede si Abby dahil ayaw na ayaw sa kanya ni lola.
Nagbibihis na ako nang biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina sa pier. At ang magandang mukha ng babae. Napasuntok ako sa hangin nang maalala ko iyong babae.
“At mukhang solve na ang problema ko. At sigurado akong magugustohan siya ni lola.” nakangiting wika ko sa aking sarili.
Isang oras na akong nakahiga sa aking kama pero di ako dalawin ng antok. Dahil sa bawat pagpikit ko ng aking mga mata ay ang magandang mukha nito ang nakikita. Ang labi nitong ang sarap halikan.
Nakaramdam ako ng biglang pag init ng aking katawan. Nararamdaman ko rin ang pagkabuhay ng isang bagay na nasa pagitan ng aking mga hita.
F*ck!, geo anong nagyayari sayo. Nabihag na ba ng babaeng iyon ang puso mo? Murang wika ko sa aking sarili.
Permission to post admin 😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top