Home


“HOME”

“Mr. Vergara! Are you listening to me?” pasigaw na tanong ni Ms. Lansang. Minasahe niya ang sentido at pumikit ng mariin.

“Yes, Ma’am. Sorry for being occupied,” I said.  Tsk. Ang sungit. Sayang ang ganda.

“You’re unbelievable! All of you go back to work,” utos niya tsaka tumingin sa akin ng masama bago nagmartsa papuntang opisina. Dinig na dinig ang takong ng heels niya.

Halata naman ang gulat ng mga katrabaho ko dito sa office sa inasal ni Ms. Lansang. Ang iba nanahimik at pinagpatuloy ang ginawa. Ang iba naman nagbulung-bulungan. Parang bubuyog sila na hindi matahimik.

“Huwag niyo siyang pag-usapan. Kung may hinanakit kayo sa kanya, sabihin niyo  para magkaliwanagan,” puna ko nang narinig kong pinag-uusapan siya.

Tsk. Masama kaya ang pag-usapan ang tao ng patalikod. Hindi mo nga pinapatay sa pisikal, sa salita mo naman pinapatay. Tao nga naman.

“Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Come on we are working here and trying our best tas ganoon lang ang isusukli niya,” ani Roxann at kumapit sa braso ko. Kaagad ko naman inalis ang kamay niya at pinanlakihan siya ng mata.

“Choosy mo naman, Aden! Kung makatingin nga yung bruhang yun sa atin parang pinapatay na tayo sa utak niya,” aniya at binalingan ang iba naming katrabaho.

“Stop it! Hindi ako choosy! And besides you have a boyfriend, right? So stop flirting with me,” pagalit na sabi ko at pumunta sa cubicle ko. Sinundan niya ako at tiningnan ko siya ng masama. The audacity of this girl.

“Why? Are you affected?” malanding sabi niya. Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamay.

“Are you stupid? I’m not interested with you. And-”

Huminga ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin.

“What!” pagalit na tanong niya.

” And besides I have a girlfriend. So stop flirting with me.”

“What!? Sino yan Aden? Ngayon ko lang nalaman na may girlfriend ka na,” tanong ni Carl mukhang narinig ang pinag-uusapan namin. Napabaling naman ang lahat sa akin at nakikiusisa sa pinag-uusapan namin.

“Hindi ko sasabihin sa inyo, I want it private,” tugon ko at umupo sa swivel chair. I don’t want to publicize my relationship. It’s better if it is private. Mas konti ang nakakaalam, mas konti ang makikialam.

“Come on dude! Sino ba yan? Maganda ba? Sexy?” ani Carl at umupo sa tabi ko.

“You don’t need to know,” tipid kong sagot at bumalik sa pagtratrabaho, maraming files ang nasa table ko. Overtime na naman.

Inibala ko na lang ang sarili sa trabaho, kada minuto napapapikit ako at naaalala ang galit na mukha ni Ms. Lansang. Hindi ko alam kung matatawa ako o mag-aalala.

Lunch time na at sa cafeteria na kami kakain. Naglipat ako ng gamit at nag-ayos ng konti sa restroom. Natigilan ako nang papunta na ako sa cubicle.

“Let’s just eat on a restaurant near here,” ani Mr. Brent kay Ms. Lansang habang naglalakad papunta sa elevator. He’s one of the company partners. Kasing-edad ko lang ito.

“That’s better, I have many things to do,” sagot ni Ms. Lansang. Sumulyap siya sa akin bago pumasok ng elevator.

Tsk. Bad trip.

“Oh bakit ganyan ang mukha mo? Parang binagsakan ka ng langit at lupa,” ani Carl.

“Tsk. Tara na, gutom na ako,” anyaya ko. Nagkibit-balikat na lang siya at sumunod sa akin. Nawalan ako nang ganang kumain. Halos hindi ko maubos ang kinakain ko.

Naiirita ako! Naiinis! Bakit ba nandyan na naman yung lalaking yun o sinasadya niya talagang laging may meeting sila sa office namin. Kairita!

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Mrs. Garcia na napansin ata ang mood ko. Siya ang pinakamatandang katrabaho namin at pamilyado na.

“Ayos lang po ako,” sagot ko sa kanya.

“Huwag munang masyadong isipin,” aniya. Napaangat ang tingin ko sa kanya, ngumiti siya sa akin. Tila ba may alam.

“O-opo,” nauutal na sabi ko.

Bumalik na rin kami kaagad sa office at pinagpatuloy ang trabaho. Masakit na ang ulo ko kakaisip.

Napabaling ako sa office ni Ms. Lansang dahil narinig ko ang boses niya. “Thank you Mr. Brent,” paalam niya.

“It’s nice having lunch with you.” Can I...


ask you for a date?”

Lalo pa atang sumakit ang ulo ko sa narinig. Ang lakas ng loob ah.

“I’m sorry but it’s a no. I have many things to do,” ani Ms. Lansang. Hinawakan ni Mr. Brent ang braso niya na ikinagulat niya.

“Please?” Nagmamakaawang tanong niya. “I really like you Jaz.”

“I’m sorry but I don’t like you,” inalis niya ang kamay ni Mr. Brent at tumingin sa gawi ko. Kaagad ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya.

“Wow!” he chuckled. “I’m sure your dad likes me to be your boyfriend.”

Tumayo ako at kumuha ng ilang files at pumunta sa kanila.

“Excuse me!” Tumikhim ako at napabaling silang dalawa sa akin. “You have to sign these papers Ma’am,” I said sabay lahad ng mga hawak kong files sa kanya.

“What a rude man, can’t you see we’re talking here,” pagalit na sabi ni Mr. Brent.

“You’re rude too. Can’t you see, she don’t want to go on a date with you and she doesn’t like you,” sarkastikong sagot ko.

“What the heck did you say!” Pasigaw na sabi niya at inatake ako ng suntok. Halos tumumba ako sa lakas ng suntok niya.

“Stop it!” Pag-aawat ni Ms. Lansang. Pumagitna siya sa amin. 

“Fire that man! He’s too much!” Ani Mr. Brent at umalis sa harapan namin. Tsk. Buti na lang umalis na.

“What the heck are you doing?” Pabulong na tanong ni Ms. Lansang. She smells nice. Her wavy hair suits her so much. Her pale skin and thin lips looks good to her. Those almond shape eyes speaks so much about her. 

Tumayo ako at umalis sa harapan niya. Ewan ko ba naiinis talaga ako. Ayoko rin siyang kausapin. Magpapalamig muna ako.

Binalikan ko na lang ang trabaho ko para matapos kaagad. Hindi ko na rin namalayan ang oras.

Kulay kahel na ang langit, hudyat na palubog na ang araw. Dinig na dinig mo na rin ang busina ng mga sasakyan sa labas. Pauwi na ang mga tao. Lahat nagmamadali na umuwi.

“O Aden, mauuna na ako hijo. Umuwi ka rin kaagad,” paalam ni Mrs. Garcia. 

“Opo, ingat po kayo,” tugon ko at ngumiti sa kanya. Umalis na siya at iilan na lang ang natitira sa office.

“Aden, pinapatawag ka ni Ms. Lansang sa office niya. Ngayon na daw,” ani Carl. Halatang nagmamadaling umuwi.

“Okay, thank you,” tipid na sagot ko.

Pumunta na rin ako kaagad sa office niya, pinapasok kaagad ako ng secretary niya.

“Sit down in the couch,” utos niya at tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

“Why did you do that?” Tanong niya at humarap sa akin. 

“I’m sorry. Hindi ko lang napigilan, Love.”

Lumapit siya at umupo sa lap ko. This girl! “Are you jealous?” Tanong niya.

“Yes, I am,” tugon ko at inamoy ang buhok niya. “Can you explain, why are you suddenly mad at me this morning?”

“Nagseselos ako kay Roxann. That witch, halatang pinagnanasaan ka. I hate her!”

I chuckled. For the first time nagselos ang girlfriend ko. “Ahuh! You’re the CEO of this company, do whatever you want to her.”

“I’m not kind but I have a heart. Tsk! Hindi ko naman siya papalayasin dito.”

Humarap siya sa akin at sumeryoso ang tingin. “My dad will like you, I will introduce you to my family soon.”

“It’s okay if you’re not yet ready, I will wait,” hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ang mga kamay namin.

“Okay. Are you tired?” tanong niya.

“Yes.”

“Do you want something?”

“Nothing. I just want your lips on my lips,” nakangising sagot ko. Sinuntok niya ang dibdib ko.

“Ouch!”

Napangiti siya at tumingin sa mga mata ko. ” I love you.”

“I love you too,” nakangiting sagot ko.

“One kiss!” Aniya at inilapit ang mukha sa akin. She kissed my lips.

I pouted at her and she chuckled at my reaction. Damn, she’s lovely.

“Last,” she said and kiss my lips again and it feels like forever.

Feels like nothing can separate us even the world. I will love her until the end of time. She will be my home and comfort.





2
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top