ASHARI’S POV
Sabi nila kapag nasa bingit ka na daw ng kamatayan, magkakaroon ka daw ng flashbacks ng mga happy memories mo.
Hindi ko alam kung totoo ba ‘yon o wala lang talaga akong happy memories kaya bukod sa walang flashback na naganap, e literal na na-brain freeze lang ang utak ako!
Nakayakap lang ako sa suit case ng kayamanan ko at madiin na nakapikit ang mata. Iniintay na tumama sa akin ang bala ng baril na ipinutok nung man in black.
Katapusan ko na nga yata talaga. Hindi pa man din ako ready imeet si sanatanas, pero parang wala na akong choice e.
Isang panalangin ang biglang nagcross sa utak ko. Sana po duling ‘yung man in black para di niya ako matamaan. At kung hindi man siya duling, kung sakaling mapatay niya ako, aba isa siyang maswerteng nilalang dahil may plus points siya sa langit. Imagine, siya nakapatay sa kagaya kong pinaglihi sa sama ng budhi, 100 points siguro maiipon niya.
“WHAT ARE YOU DOING?! DROP YOUR HEAD YOU DIMWIT!!!!”
Naramdaman ko na may palad na dumakma sa ulo ko at iniyuko iyon. Sa sobrang lakas ng pwersa niya, hindi lang yuko ang nagawa ko! NAPAUPO PA AKO NG WALA SA ORAS!
PABIBO NAMAN ‘TO KUNG SINO MAN SIYA! KITANG NAGKAKALKULA AKO NG PLUS POINTS SA LANGIT NG MAKAKAPATAY SA AKIN TAPOS E-EPAL? KULANG SA ARUGA HA? KULANG SA PAGMAMAHAL!!!?
Napatakip ako sa tenga ko at napapikit ng madiin ng bigla siyang magpaputok ng baril doon sa kalaban! Walanjo walanghiya, susginoo! Ano na bang nangyayari? Ayokong magdilat ng mata! Basta safe ang suitcase na hawak ko, ok na ako doon! Basta bawal to matamaan ng bala, baka madamage ang pera sa loob! Sayaaanggg!
“KILL EVERY MARCHESE THAT WILL GET ON YOUR WAY! HUWAG KAYONG MAGTITIRA KAHIT ISA!” narinig ko ang malakas na sigaw ng nasa kabilang panig. For sure yun yung mga man in black.
Narinig ko ang galit na ekspresyon ng lalaking nakahawak pa din sa ulo ko. Aba, baka gusto niyang bitawan noh?
“PAPAAAAAAAA!” shocks! Si Gali! Andito pa siya, nakikita niya lahat ng nangyayari. Yung putok ng baril naririnig niya. Hindi pwede. Hindi pwede! Ang bata pa niya para makasaksi ng mga ganito. (Oo Ashari, tapos ikaw nakapa-upo diyan tapos nakapikit dahil sa sobrang takot, kala mo kung sinong tapang tapangan, duwag naman pala) “MAMHAAAAAAA!”
Noong narinig ko na tinawag ako ni Gali, doon na ako nag dilat ng mata.
“GET GALI NO MATTER WHAT! THIS IS A LIFE AND DEATH ORDER!!” sigaw ng lalaking nakikipag barilan habang nakaharang sa akin.
In a snap, may mga nagsisigawan na. Hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyayari. Palitan ng putok ng baril, sigawan ng mga nag lalaban.
“Magpapakamatay ka ba? Bakit ayaw mo pang umalis! Tumakbo ka na paalis dito hanggat pinoprotektahan kita!” galit na singhal sa akin nung lalaking naka hawak sa ulo ko. Bwisit na lalaki ‘to, ginagawa niya kaya akong dantayan!
At isa pa, ako pinoprotektahan niya? Bakit, inutusan ko ba siya ha? Bakit parang kasalanan ko pa na pinoprotektahan niya ako e siya tong nag volunteer!
“ALIS NA SINABI!!!” singhal niya
“Bitawan mo kaya ulo ko noh!” pinalis ko naman ang kamay niya. “Tatakbo na nga e, mabaril ka sana diyan.” bwisit siya! Yabang yabang. Niyakap ko ulit ang suitcase ko at hinanda na ang sarili ko na tumakbo paalis. Leche ang ingay!
Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng biglang may bala na dumaplis sa buhok ko papunta sa sahig kung saan sana ako aapak.
“Aahhhhhhh WALANG HIYAAA!” sigaw ko at napakayakap nalang ng wala sa oras sa lalaking nakaharang sa akin.
“What the–”
Papalag pa sana siya kaso biglang nagpaulan ng bala ang tatlong men in black sa gawi namin.
Ang ginawa niya, kinuha niya ang suitcase sa kamay ko at ipinangharang iyon sa mga bala.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
ANG SUITCASE KO! ANGGGGG PERAAAA KOOOOO! ANG KAYAMANAN KOOOOO!!!!!
“I told you to run! Sadyang tanga ka ba that you don’t listen enough?!” Singhal niya. Para siyang leon na galit na galit.
Umakbay siya sa akin at hinatak ako patakbo sa likod ng isang malaking poste nitong Museum.
Habang tumatakbo kamo, nakatitig lang ako sa suit case ko. Gusto kong maiyak! Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko. Gamit niya yung suitcase ko pang shield sa mga bala habang itinatakbo niya ako palayo! Naimagine ko palang yung isa-isang libo na butas butas na, naiiyak na agad ako! Ahhhhhhhh!
Ako papatay sa lalaking ‘to! Humanda siya sa akin. Lintik lang walang ganti!
Pagkadating namin sa likod ng poste, agad niyang isinandal ang mga katawan namin dito.
“PAPAAAA!” maliit ang boses ni Gali pero rinig na rinig iyon sa gawi namin.
Habang nakasandal dito sa pader, nanginginig na ako sa inis, sa galit, sa lahat na!
“GALI WAIT FOR PAPA, ILILIGTAS KITA OK?!” sigaw niya as in sigaw na halos makita na lahat ng ugat niya sa leeg.
Agad akong napatingin sa lalaking katabi ko.
Anong sabi niya? Papa?
Sa sobrang lakas ng pag sigaw niya, humihingal siyang tumingin sa akin. Nagtama ang mata naming dalawa.
Mga ilang segundo kaming magkatitigan.
Ahhh, nakita ko na ‘yang mata na’yan e. Kilala ko yang ganyang tingin.
So siya nga. Hindi mapagkakaila dahil magkamukhang magkamukha sila. Parang pinagbiyak na bunga. Pinalaking version ni Gali.
Siya nga ang tunay na magulang ni Galileo.
“If you wish to die, go die without my son seeing you!” galit at seryosong sabi niya sa akin.
Wow! Sa kauna unahang pagkakataon may tumalo sa kabalahuraan ng bunganga ko. Ansabeh? Kung gusto kong mamatay, mamatay na ako basta huwag lang sa harapan ng anak niya. Edi waw!
“Wala pa akong planong mamatay. Ayokong mapunta ng impyerno kung alam kong balang araw e magkikita din kita don. Grr!”
Bwisit! Kung nakatadhana na parehas kaming pupunta ng impyerno, pwes nagbago na isip ko. Magpapakabait na ako para di na kami mag abot don.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Walang ibang ekspresyon ang mukha niya.
“What did you say?” asik niya ng mag sink in sa utak niya yung sinabi ko.
Inirapan ko lang siya, bingi naman pala ‘tong isang ‘to e. Magsasalita pa sana ako ng biglang may nagsisigaw sa center lobby.
“DROP YOUR GUNS!”
“DROP YOUR GUNS OR I WILL KILL THIS BOY!”
“I SAID DROP YOUR GUNS!!!!!”
Mabilis akong tumakbo patago sa likod ng poste. Agad akong sumilip habang nakatago.
Halos manginig ang kalamnan ko ng makitang hostage nung man in black si Gali.
“GALI!” yung ama naman ni Gali, ayon nag alsa balutan na! Nagtatakbo na pabalik sa gerahan at iniwan ako dito. Ok fine, I can handle myself.
Nakasilip lang ako, kagat kagat ang kuko habang nangangatog ang tuhod na nanood sa madugong eksena.
Susginoo! Paano na si Gali? Hindi makalapit yung grupo ng ama niya dahil hostage siya. Iyak lang ng iyak yung bata! Ang sarap tadyakan ng bwisit na Man in Black na’yon.
Kitang kita ko yung takot sa mukha ni Gali. Naiisip ko palang yung trauma na dala nito sa bata, natatakot na ako.
Oo aaminin ko na! Sobrang bait ni Gali! Sobrang pure ng puso niya. Ilang beses ko siyang minaltrato ng hindi maayos pero never siyang magalit sa akin.
Anghel siya na ibinaba dito sa lupa.
At ngayon na nakikita ko siyang umiiyak ng ganyan, para gusto kong ihambalos sa pagmumukha nung bwisit na Man in Black yung suitcase na ibinigay niya sa akin–
Teka nga wait…
Tekaaaaa!
‘YUNG SUITCASE KOOO!
Nanlaki ang mata ko!...