IT WAS ALWAYS YOU Chapter 16


Malayong nilakbay ng mag-asawa at kasama sina Galvin at Clarence ang nasabing kubo na tinitirhan ng mag-asawa.Sa kanilang paglalakad,natapakan ni Armina ang isang madulas na bagay.
“Ahhhhh..ahas!!” napaiktad siya at napayakap kay Galvin.
Dali-dali namang nilabas ni Mang Canor ang Itak niya at pinatay ang malaking ahas.Takot na takot pa rin si Clarence.
“Ganyan talaga dito sa kabukiran Ika,maraming ligaw na ahas..” sabi ni Mang Canor
“Hindi po kayo dito natatakot?” tanong ni Clarence
“Sanay na kami dito at wala namang dapat katakutan dito..mapayapa ang lugar na’to..”
”Mabuti naman po kung ganun,marami din po bang kabahayan dito..Mang Canor?”
“Tatlo lang ang tahanan na makikita dito Ika,Iko..mga kapamilya din namin..”
“Bakit mas pinili nyo na magstay dito?”
“Mahabang kwento Ika,dahil sa bangayan ng iba naming kamag-anak..mas pinili na lang namin dito tumira sa lupain namin..at marami naman ditong mga pagkain at pagkakakitaan na pwede naming pagkikitaan araw-araw..”
“Mabuti naman po..ganitong pamilya niyo pero ang saya-saya niyo seguro ano?”
“Oo naman Ika,kahit mahirap pero masayang-masaya kami..”
****
Sa haba ng kanilang paglalakbay,sa wakas narating nila ang tahanan na tinitirhan ng mag-asawa.
“Diyan muna kayo at ako’y magluto ng ating...


hapunan..” sabi ni Aling Florentina
“Salamat po talaga Aling Florentina..”
“Walang anuman iyon Ika,ito gamutin mo muna ang mga pasa ng asawa mo at para hindi iyan ma-impeksyon..” sagot ni Florentina at nagkatinginan sila ni Galvin at Clarence.
“Salamat Nay Florentina..” nakangiting sambit ni Galvin at pasulyap-sulyap kay Clarence.
“Sige,maiwan ko muna kayo..”
“Oh,bat nakasimangot ang asawa ko?” pabirong tanong ni Galvin nang makaalis na si Aling Florentina
Binatukan agad ni Clarence si Galvin
“Aray!sabi ni Nay Florentina gamutin ang mga pasa ng asawa mo..hindi iyong dagdagan mo ang mga sugat ko..” nakangiti pa rin niyang sabi
“At nakuha mo pang magbiro?napagkamalan yata tayong mag-asawa..” sabi ni Clarence
“Hayaan mo na..mabuti nga tinulungan tayo..”
“Oh sige na,huwag ka nang malikot diyan..gagamutin ko na iyang mga pasa sa mukha mo..” sabi ni Clarence na hindi makatitig kay Galvin
“Salamat Clarence..” titig nito sa dalaga
“Sige na,huwag kang mag-aaray diyan..babatukan na kita eh,”
Ginamot nga ni Clarence ang mga pasa ni Galvin pero titig naman ng titig ang binata sa dalaga.
“Huwag mo nga akong titigan ng ganyan..” pagbabala ni Clarence
“Bakit,naiilang ka ba sa akin?”
“Hindi noh,!!”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top