BLACK LADY


TRUE STORY
( My real story ❤)
Simula bata pa lamang ako hindi naman talaga ako na niniwala sa multo o ano pa man mga laman lupa etc.
Pero ng ako na ang makaranas ng o makakita nito ay naging iba ang pananaw ko.
2012 nung nangyari ito sa amin ewan ko kung masyado lang madaming problema ang kapatid kung babae na si Jessa Masyado kaming close ng kapatid kung yun at halos araw araw nga ay di kami matutulog na nag kukwentuhan.
Isang araw tumambay ako sa bahay ng kapitbahay namin na sila Arabella bata pa ako ng panahon na iyon kaya masyado pa akong malaro perp madalas lalaki kalaro ko ayoko ng mga pambabaeng laro, tinanghali kami nun sa paglalaro ng bahay bahayan ako dun yung taga luto haha chef kuno e at dahil nga naiihi ako nun ay umuwi pa ako sa amin ewan ko ha! Pero ayoko lang kasi sa cr nila may kakaiba akong nararamdaman noon hindi naman gaanong madilim sa cr nila pero feeling ko may kung ano o nakasilip dun.
Pagkatapos ko umihi nun ay naharang ako ng mga tito ko nun mag tex daw kami, you know! mga sinaunang laro ba haha dahil nga hindi naman talaga ako sanay mag laro ng pambabae ay hindi nalamang ako bumalik kanila Ara at nakipaglaro ako sa tito ko ng tex apir.
Habang nagtetex kami ay napansin ko ang kapatid kung babae na tumili sa kabilang bahay napatigil kami ng paglalaro ng oras na yun nagkatitigan kaming tatlo ako si tito reymond at yung bunso kung kapatid na si Sonnyboy.
” Anyari dun sa kanila?” tanong sa akin ng tito ko aba’y alangan sabihin ko na alam ko eh kalaro nila ako bobo lang?
” Kalaro nyo ako malay ko dun, tsaka papansin talaga yan si Jess hayaan nyo nalang.” Sabi ko pa sa mga kalaro ko malamang panalo ako sa tex wag kayo magulo.
After 20mins yata yun lumabas si Jessa sa bahay nila Ara at umuulan nun kasi asa bahay kami ng tex apir alangan magpakabasa pa kami.
Napansin ko ang pag iibang ikilos ni Jessa at kahit umuulan nun ay andun siya sa gilid naghuhukay na parang ewan.
” Hoy! Ano ginagawa mo diyan?” sabi ko pa dito.
Tumingin lang ito sa akin ng kakaiba at ngumisi tapos nag iba na naman ang kanyang Aura yung para bang iiyak o natatakot.
Shempre ako isip ko nun nabubuang na nan ang kapatid kung tukmol so hinayaan namin kasi baka nga trip niya lang.
Pero hindi talaga ako makapag focus sa laro namin gawa sa kapatid ko na panay hukay yung para bang may kung ano siyang gusto mahulay.
” Punyeta ! Hoy umuwi ka nga dun nag papaambon ka kanina—”
Nagulat ako ng bigla siyang nanakbo sa Tito Reymond ko at tumawa ng parang may tililing at nagmumura siya.
” PUT*NG*NA NYONG LAHAT HAHAH, MAMATAY KAYO MAMATAY. ” sabi niya so! ako nakatingin lang sa totoo niya hindi ako matatakutin bata noon tatawa lang ako pag ganun. Pero kakaiba ang nararamdaman ko ibang iba.
” Titoooo tulungan mo ako.. Tito unyo…” Umiiyak na siya mas nagulat kami kasi nga hindi naman si Tito unyo ang yakap niya kundi tito reymond namin so nagtataka kami mas natakot ang nasa paligid namin ng sabihin niya na.
” Tito.. May ba-babae may babae may pumasok sa katawan ko babae.. Ipatawas nyo ako..” Halos nakafocus ako sa mukha ng kapatid ko na sobrang takot na takot, ako nangilabot ako so si tito sinampal yung kapatid ko, pinagtataka ko bakit alam niya may sumapi?
Biglang dumating ang Mama ko nun isa din ang Mama ko sa mga hindi na niniwala sa multo pero ang Papa ko? Nahh! siya ang nakakakita sa Amin at bukas ang Thrid eye.
Nagpapanik na ang mga tita ko kasi hindi na namin mapigilan ang kapatid ko so nagdesisyon na si Mama ipatawas nga daw umalis sila tapos ako nakaupo sa sofa namin sa Sala.
Pinuntahan ko si Ara para sabihin kung ano ng yari kasi isip ko baka gutom yung kapatid ko tsaka may problema din yun na dala, madalas kase sila nagtatalo ng Mama ko pasaway din kase yun.
Pagbukas ko palang ng gate halos manginig na ang katawan ko ewan ko ba sa takot na parang may kung ano ba sa bahay na yun alam mo yung feeling na may katabi ka at nakatingin lang siya o sila sayo.
So ang ginawa ko tinawag ko si Ara nun pinalabas ko nalang para tanungin ang mas nagpanginig sa akin ang sinabi nito.
” Nagdadasal kami nun tapos kumain kami. Sabi ni ate jessa may nakita daw siyang babae...


sa salamin, nakaitim daw pula daw mata at parang galit.” Nakita ko sa mata nito ang kakaibang takot.
” So! kami nila Anjean nagpanik kase nga halos di nga bitawan ni Ate jess yung tingin sa Salamin tapos Lumakas yung hangin kaya nagsigawan kami bumagsak pa yung salamin.” Kwento niya sa akin so ako naman tatango tango lang.
After 1hours nakita kong dumating na ang kapatid ko pero para siya di magkanda humayaw yung parang tuliro siya, yung parang titingin tingin siya sa likod niya.
” Ate… Sinusundan niya ako papasok siya dito sa bahay ate.” sabi ng kapatid ko sa akin kalapit niya ako asa likod ko siya.
” Wag kang matakot andito si Ate tsaka andiyan si Papa Jesus.” sabi ko sa kanya.
Hindi pa din siya mapakali maya maya inutusan ako ng Mama ko na magsindi ng Insinso.
Sa totoo lang ayoko ng Insinso lalo ang amoy may kakaiba akong ewan nararamdaman, so yun na nga asa pinto ako nun ng sindihan ko pero halos namamatay ang apoy ng pusporo nun di naman mahangin nilibot ko panga paningin ko alam nyo yun na parang may nakatingin.
Napatingin ako sa kapatid ko na si Jessa grabe ang kaba at takot ko sa paraan ng ngisi niya na kakaiba basta nakakatakot yung parang babangungutin ka.
Pero shempre demonyo ako nun haha ngumisi di ako nakared jacket pa nga ako noon at lumapit sa kanya ng masindihan ang insinso.
” Sabi nung mantatawas sa buong paligid daw.” sabi ni Mama so ako naman sumunod.
Pansin na pansin ko ang matinding paghinga ng kapatid ko nun malalimang paghinga at talagang hindi mo alam kung ano ang nangyayari.
Andun na ako sa bahagi ng Cr namin masyado kasing madilim nun pero halos takasan kami ng dugo ng magtitili ang kapatid ko at nagsisigaw na parang sasaniban.
” AHHHHH PUT*NG*NA PAPATAYIN KO KAYO AHHHH.” Nagulat ako ng nakalapit agad ito sa akin at tabigin ang insinso.
” Dahil sayo, dahil sayo nalulungkot si Ara Dahil sayo di muna siya nilalaro.” Nagulat kami sa sinabi sa akin nung kapatid ko na duro duro niya pa ako ng oras na iyon.
” Sino kaba?” tanong ko kasi sa totoo niyan hindi talaga ako naniniwala sa multo hangga’t hindi ako nakakakita o nararanasan.
” Ako… Ako ang Asawa ni Satanas hahaha.” tawa ng kapatid ko na parang kakaiba.
So yung Mama ko hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa kaso same nga kami hindi na niniwala.
” Kumakain kaba isang?” sabi ni Mama nun shempre malay namin gutom.
Nagulat kami nung murahin at duraan ang Mama ko at pagkakalmutin so ako todo hawak ko binalibag ko na nga sa sobrang inis ko magaan naman ang kapatid ko, nagamitan ko na siya ng teakwando sa inis ko pero halo ang takot.
” Baka masaktan naman kapatid mo Sarah.” sabi ni Papa ako naman nakatingin lang sa ngisi ng kapatid kung babae.
Tumagal ang pagiging ganun ng kapatid ko pero mas natakot ako ng ako na ang nakaranas at dun ko nasabi na may roon talaga nilalang sa mundo na hindi nakikita ng iba.
Isang gabi nun so di pa din magaling kapatid ko nun eh mag katabi kami nun gabi pa, asa kwarto kami magkasama.
Hindi naman ako matatakutin so sabi nila asa noo ang thrid eye tinakpan ko ang noo ng kapatid ko gamit ang bangs nya at ang kamay ko tapos natulog ako ng ganun lang.
Nagising ako sa may kung ano ang nakatayo at nakasilip sa pintuan namin pero punyeta duon ako namawis at natakot sa babaeng nakita ko na nakablack at may kung anong bagay ang nasa likod niya alam nyo yun parang hook ni kamatayan ganun na ganun ang hawak niya at napakapula ng mga mata niya.
Tawa lang siya ng tawa at mura ng mura sa akin habang papalapit siya sa akin ay dinuduro niya ako kitang kita ko ang mukha niya durog at luwa ang mga mata habang tumatawa.
” Mamatay ka Mamatay ka haha.” paulit ulit niya yun sabi.
Nagising ako nun oras na din na yun at kabadong kabado pero mas natakot ako ng humarap ako sa kapatid ko at tumatawa siya na parang sirang plaka at kumakanta siya ng Latin.
” MAAAAAAA ” Sigaw ko na ikinagulat nila Mama.
Simula nun ay nakakakita na ako halos gabi gabi din ako nagdadasal na sana ay hindi ko na makita yun.
Yung kapatid ko si Jessa? Pinatawas at pinasara ang Thrid eye hindi di kaya ng katawan niya masyado daw matatakutin ako? Hindi ko alam pero sinasawalang bahala ko ang nakikita ko basta dasal lang.
– Sarah Palima Gaspar II
– Piper Faster






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top