Meet Again Chapter 29


Written by: Anhellian27
“Masakit ng makita ko si jervey na may ibang kasama pero wala naman ako magagawa dahil kahit kaylan hindi naging kami.”
“Kahit kaylan walang malaking kami!”
Bumalik na ako sa classroom at nag ayos ng mga gamit ko.minabuti kong hindi ko na pansinin si jervey dahil sa paulit ulit na sakit na nararamdaman ko,at para pag aaral na muna ang iisipin ko dahil malapit na ang pagtatapos.
Nakauwi na ako sa amin at nagreview para sa kinabukasan.Sabi nila isa yun matandang building sa u.p. at may nakaranas na ng ibat ibang pangyayari na hindi mapaliwanag ng siyensya.
“Maggagabi na at kailangan ko na matulog para bukas” iniisip ko habang pahiga sa kama.
Sa sobrang pagod di na ako nakapag dasal at nakatulog ako.
Nanaginip si ashlee tungkol sa lumang building na pupuntahan nila.
“Ang laki pala ng building na ito!” habang palinga linga sa paligid.
“Mukha ngang sobrang tanda na at mga luma na din ang mga painting sa loob”.
“Ang taas ng kisame ng building” sabay tingala nya sa taas at inikot ng mga mata nya ang buong paligid.
Nasa may hagdanan na siya paakyat ng may narinig siyang lalaking napakalaki ng boses na nagmumula sa taas ng hagdanan.
“Sino kaya yun?
“Nakakatakot naman ang boses nung mamang narinig ko” nanginginig na boses habang papakyat dahil sa gusto nya makita baka kasi kailangan ng tulong.
Tahimik ang paligid at wala kang makitang mga tao tanging si ashlee lang ang nanduon at inabutan na ng gabi.Nakailang akyat na ng hagdanan si ashlee ng bigla siyang nagtaka kung bakit parang ang tagal nya marating ang pangalawang palapag ng gusali.
“Grabe naman ang init!” sabay tingin sa baba at taas.
“ilang hagdan paba ang aakyatin ko?” Natanong ni ashlee sa sarili….
Maya maya pa nang isang silip nya sa baba paakyat ang dilim sa hagdanan na para bang papunta na sa kanya.
Gulat na Gulat si ashlee at takot na takot.
Pawisan ang kanyang katawan dahil sadulot ng takot.
walang mahingang tulong si ashlee...


dahil wala man lang tao sa paligid ni guardya kanina ay wala.
“diyos ko po!”
“Tulungan nyo po ako!”
“hindi ko po alam ang gagawin”
yan ang dasal ni ashlee habang tumatakbo paakyat at hinang hina’t pawisan.
Nakaakyat na si ashlee ng may napansin siyang bata na biglang tumakbo sa isang pintuan at biglang sinara.
“ano ba naman itong bata na ito!”
“nakakatakot na nga nakuha pang maglaro!”
“ah baka may magulang dito puntahan ko nga at makausap sasabihin ko na ako ang isa sa mag eexam bka alam kung asang room”
Naisip ni ashlee na sundan ang bata at buksan ang pinto.
Bago nya buksan ang pintuan may square na salamin na malabo at naaaninag ang loob.
lumapit siya at sinisipat kung ano ang nsa loob dahil may bigla siyang narinig na tawanan.
May isa siya naaninag na parang isang babae na nakatitig sa gawi nya at nakatayo.
Bigla siyang tinuro ng babae.
Ang akala ni ashlee pinapapasok siya nito sa pintuan kaya hinwakan ni ashlee ang pinto ng dahan dahan.
“Tawag ako bka yung teacher na magpapa exam sa amin at nsa loob na ang lahat!” mabang hawak ni ashlee ang doorknob at unti unting pinihit patulak.
Humakbang paabante si ashlee at biglang dumilim ang paligid.
Pag apak ng isa nyang paa sa sahig ay biglang
“Aaaaaayyyyyyyyy!” boses ni ashlee na parang nahulog.
“Dumilim ang paligid !!!!
“at naging gubat ang paligid at ang pagapak ni ashlee ay pagapak na sa balong malalim!!!!!……
“Dirediretso si ashlee pababa..!!!!
“pabilis ng pabilis ang pagbagsak sa baba ng balon!!!….
“Sobrang pawis at wala na maisip si ashlee kundi humingi ng tulong sa gamit ang kanyang isip!”
“Napapikit si ashlee sa sobrang bilis ng kanyang paghulog at pawala na ng pawalan ng hangin sa sobrang lalim at napaka dilim..!!
“Pawala na ng pawala ang hangin ilang minuto na lang………Segundo!!!……
“at nawalan na ng lakas at nawalan na nga ng hangin si ashlee..
Biglang napabalikwas si ashlee sa kanyang pagtulog.Pawis na pawis si ashlee.
Panaginip lang pala ang lahat.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. I’m a fan of this story hoping you will continue posting

Leave a Reply


top