๐Œ๐ˆ๐’๐“๐€๐Š๐„ Chapter 12


(MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
“Oh love, napatawag ka?” sagot ni Sanny sa asawa na si Franklin. Kasalukuyan niyang inayos ang mga gown na dapat nang e model.
“I already know the truth.” may bahid na galit at panghihinayang na sabi ng asawa. Kinabahan siya sa sinabi ng asawa. Malakas ang kutob niyang si Misale ang ang anak ni Amelia.
“Kumusta? Si Misale ba, love, huh?” sabik na sabik niyang tanong sa asawa.
Hindi napigilan ang galak sa puso, kung tama ang kanyang hinala ay siya na ang subrang saya kapag nagkataon.
“Si Misale at anak ni Amelia ay iisa.” tugon nito sa asawa. Napa hinto siya sa kanyang ginagawa at walang pasabi ay tumulo ang kanyang luha.
“I’m glad to know that. Pwede bang puntahan na natin siya?” Naluluhang tanong niya sa asawa. Luha na dulot sa saya hindi sa sakit.
“As of now, hindi natin siya pwedeng puntahan. Gustong gusto ko din siyang puntahan at kunin pero hindi pa pwede.” malungkot na sabi ni Franklin sa kabilang linya.
“Okay. Uwi ka ng maaga huh? Mag uusap tayo tungkol dito. Ingat ka.” sabi nalang niya. Medyo nadismaya siya sa naging sagot ng asawa, masyado siyang naging excited. Handa siyang maghintay kung kailan niya pwedeng puntahan ang dalaga. Nakaya nga nilang maghintay ng mahabang panahon ngayon pa kaya na siguradong makita na nila ito.
“Alright. You take care too.”sagot ng asawa saka pinatay ang tawag. Bumalik si Sanny sa kanyang trabaho na may ngiti sa labi. Hindi na siya makapag hintay na makita niyang muli si Misale.
SA KABILANG banda, kung ang taong naghahanap sa kanya ay may galak na sa puso ngunit si Misale ay hito siya lumuluhang mag-isa, iniisip ang mga kaganapan sa kanyang buhay.
“Buti pa yung ibang tao, pinapahalagahan ako kahit hindi nila ako kaano-ano. Binihisan, inalagaan, pinapakain at pinapatuloy sa kanyang bahay. I hope will see again mister at nang makapag pasalamat ako sayo personally.” naluluha niyang sabi sa kawalan.
“Subrang lupit ng mundo sa akin. Hindi ko na nga naranasang mahalin ng aking ina, muntik pa akong magahasa.” iyak niya habang sinuntok suntok ng mahina ang lamesa.
Walang siyang ideya sa pagmumukha ng lalaking tumulong sa kanya. Hindi niya alam kung May pamilya na ba ito o binata pa. Kahit pangalan nga ay wala siyang ideya.
Sa kanyang pagmumuni-muni ay tumunog ang doorbell. Pinahid niya ang luhang umaagos sa kanyang pisngi bago tinungo ang pintuan.
Pagbukas niya sa pintuan ay bumungad sa kanya ang ay may katandaan ng babae.
“Magandang umaga iha!” masiglang pambungad na bati ng matandang babae.
Kimi siyang ngumiti sa matandang babae. “Magandang umaga din ho.” balik niyang bati kahit nahihiya na siya.
Hindi nawala ang ngiti sa labi...


ng matanda habang tinitigan siya.
“Napakaganda mo pala iha, bagay kayo ng alaga ko.” mahinang sabi ng babae at humagikhik pa.
“Po? Ah, ano po’ng maipaglilingkod ko sa inyo?” magalang niyang tanong.
“Pinapunta ako dito ni sir River. Ang sabi niya ay aalagaan daw kita.” simpleng sagot ng matanda at nagkibit balikat.
Nahihiya niyang niluwagan ang pagka bukas ng pintuan at pinapasok ang babae. “Pasok po kayo. Pasensya na at hindi kayo kaagad pinapasok.” nahihiyang paghingi niya ng dispensa.
“Okay lang iha. Naiintindihan kita.” puno ng pag-unawa na sagot ng matandang babae.
“Ah…” hindi siya makabuo ng mga tanong ng na dapat niyang itanong at sasabihin.
Tumawa ang matanda sa kanyang naging reaction. “Huwag kang mahiya iha. Mabait akong tao. Ako nga pala si Edna. Pwede mo ako tawaging nana Edna, mama Edna o aling Edna.” Nakangiting pakilala ng babae kay Misale.
“Ako po pala si Misale. Mama Edna nalang po itatawag ko sa inyo.” nakangiting sabi niya.
“Oh siya, ikaw ba ay tapos ng nag umagahan?” Pagkuwa’y tanong ni Edna.
Tumango siya bilang sagot sa tanong ng matanda.
“Mabuti kung ganon. Habilin sa akin ni sir na papakainin ka sa tamang oras dahil kailangan mo iyon. Ang bait talaga ng alaga ko, hanga ako sa isang iyon.” Pasiunang kuwento nito.
Natigil sa pagkukuwento si Edna ng tumunog ang kanyang cellphone, lumayo siya dalaga at saka sinagot ang tawag.
“Hello Nana Edna, nakarating na kayo?” bungad ng tanong ni river sa matanda.
“Oo, iho. Nandito na ako, napakagandang dalaga pala itong dinala mo dito.” kuwento niya .
“Nana, know all the details about her. I just want to find out something.” pakiusap niya kay Edna.
“Sige ho, sir. Tatanungin ko po.” sang ayon niya sa pakiusap ng binata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nito pero malakas ang kutob niyang gagawa ito ng mga bagay para sa kabutihan ng dalaga.
“Salamat, nana Edna. Ingat kayo diyan.” Ani ni River saka pinatay ang tawag.
*********
“Boss River mabuti naman at Naka abot kayo sa oras na itinakda.” bungad sa kanya ng kanilang disciplinarian. Kahit siya ang nakakataas ay haharap parin siya sa punishment na ipapagawa kapag nahuli.
“Ako pa. Hindi pwede ma late ang boss.” Pabirong saad niya sa lalaki na si Xian. Ang tumawag sa kanya kanina.
“Sakto ka diyan boss.” pabiro ding sang-ayon nito.
“Anong paguusapan ngayon?” Seryosong tanong ni River sa kasama.
“Tungkol yata ito sa druglord boss. Mr. Hermes ang ating magigiting target.” anito.
Tumango siya bilang sagot at umismid sa kawalan. Ikininuyom niya ang kanyang kamao at tuluyang pumasok sa loob ng kanilang hideout.
“Just wait, well run after your shadow and burn your ass assholes.”






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. bait naman yan sana allโ˜บโ˜บ

Leave a Reply


top