My Husband Cheated On Me Chapter One


My Husband Cheated On Me
written by Pastel Writes
Chapter One
PAGKATAPOS nang ilan pang ulos, umalis sa ibabaw ko si Lucian at naupo sa gilid ng kama. Sa puntong iyon, niyakap ko ang aking sarili gamit ang makapal na kumot upang takpan ang hubad kong katawan.
Wala akong imik habang nakatingin sa kaniya mula sa likuran niya. Nakahubad pa rin siya. At kahit na full blast ang aircon sa loob ng kuwarto, bahagyang namamawis ang katawan niya mula sa nagdaang pagtatalik namin.
“Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita?” marahan kong tanong upang makuha ang kaniyang atensiyon.
Sa halip na sumagot, inabot nito ang black trouser na hinubad nito kanina at kinuha mula sa loob ang isang pakete ng sigarilyo. Kumuha ito ng isang stick at nagsindi bago iyon dinala sa pagitan ng mga labi.
Nagbuga ako ng hangin nang makita ang ikinilos niya. Mula sa pagkakahiga, bumangon ako at pinulot ang pantulog na sapilitan niyang hinubad kanina.
Pagkatapos kong magbihis, lalabas na sana ako ng silid nang marinig ko siyang mahinang nagmura bago tumayo at pinulot ang mga hinubad niyang damit. Hindi na siyang nag-abalang magbihis. Tila aburido na naman ito nang lumabas ng kuwarto habang nakahubad pa rin.
Buong oras ay nakatuon lang ang paningin ko sa sahig. Noong huling beses kasi na sinalubong ko ang mga mata niya habang iritable siya, sa akin nabuhos ang galit niya.
Nang marinig ko ang muling pagsarado ng silid, bumubuntong-hiningang naupo ako sa gilid ng kama habang...


nakatitig pa rin sa pintuan kung saan lumabas si Lucian.
Ano bang magagawa ko? Isang buwan na rin simula nang matanggap ko ang bidyo ng pagtatalik nila. Simula rin noon, hindi na ako tinantanan ni Catalina. Sa tuwing lumalabas sila ni Lucian, tuwing pinagsa-shopping siya nito, at tuwing nagho-hotel sila, lagi siyang nagpapadala sa akin ng litrato at bidyo nilang dalawa na lihim niyang kinukuha.
“Automn!”
Bigla akong napasinghap sa gulat nang marinig ang sigaw ni Lucian mula sa labas. Nagmamadali akong tumayo at lumabas ng silid.
“Ay, karabaw!” singhap ko nang bumungad ang madilim niyang mukha sa paglabas ko. “Nakakagulat ka naman. Ano ba iyon? Ba’t ka sumisigaw?”
“Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba?” bulyaw nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“Kung bingi ako, e `di sana wala ako sa harap mo ngayon!” kastigo ko sa sinabi niya bago mabilis na nagbaba ng tingin nang lalong tumalim ang mga mata niya.
“Magluto ka na! Nagugutom ako!” Walang pasabi itong tumalikod at pumasok sa silid niya.
Nagbuga ako ng hangin. Isang taon at isang buwan na kaming nagsasama, pero magkahiwalay kami ng kuwartong tinutulugan. Nagtatabi lang kami sa isang kama sa tuwing may nangyayari sa amin. At kanina ang second time na nag-sex kami. Ang unang beses na may nangyari sa amin ay noong nag-honeymoon kami sa Canada na lasing siya.
———
To be continued. . .
Hey, guys! Add n’yo po ako para madali n’yong ma-follow ang updates ko! Thank you! 😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top