TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 19


What if… I’ll be more friendly to that guy? Hindi na sana nangyari nung kahapon pati tuloy ibang tao nasali pa.
Pero nang maisip ko ang higpit ng hawak noong lalaki sa palapulsuan ko… ako lang pala ang nakaisip sa pakikipagkaibigan niya, dahil una palang ng pinakita niya ay hindi iyon ang pakay niya.
I have no choice kundi ang umiwas. ‘Di na ako nakaisip ng unang hakbang. Mas nangingibabaw ang takot kaya ang umiwas ang nanaig sa buong sistema ko noong oras na ‘yun.
I heavily sighed, after hearing my mother’s sermon. Nakapameywang sa harapan ko. Akala ko tapos na siya sa pagsasalita, pero nagpatuloy ulit siya.
“Ma, let me finish my breakfast first, give me peace. Please,” dahil late ako nagising, mag-isa akong kumakain dito sa aming hapag.
“Kanina pa sana… if you just do what I’ve said. Sumama ka sa akin sa Maricela. End of discussion.” pahayag niya, daig pa ang mga mas striktong Prof. ko.
“But, Ma!” may plano ako ngayong araw. Bakit kailangan niya pa akong isama doon?
“Oras na siguro para pag-aralan kung paano humawak sa negosyo natin, hija. Mas maganda kung mas maaga, kaya naisipan kong every weekend kita isama kahit sa Maricela nalang muna.” hingin niya.
“Hindi ba pwedeng sa susunod na lang, Mama?” hirit ko pa sabay matamis na ngumiti.
“I know that smile, Candace.” Nakataas ang kilay niyang sabi, “Huwag ako.” pagkatapos, tinalikuran ako.
I guessed I have no choice.
Bakit sa Maricela pa? Pwede namang sa Sentro nalang. Ayoko pa namang magbyahe ng higit tatlong oras. It’s exhausting.
Habang nasa biyahe papuntang Maricela, nagpadala ako ng mensahe kay Travis na hindi muna ako makipagkita sa kanya, at sinabi ang rason. And he understand it.
Hindi ko na ulit siya kinulit tungkol sa nangyari kahapon, siguro’y mas magandang pag-usapan ‘pag magkaharap kami talaga.
Kasalukuyan akong nasa office ni Mama nang makatanggap ako ng tawag mula kay Bana.
Kagabi ko pa kasi ipinagsawalang-kibo ang mga tawag at text niya.
Ngayon magaan na ang pakiramdam ko. Kailangan kong alamin ang nangyari noong umalis ako, hindi ko naman pwedeng baliwalain iyon dahil ako ang nasa gitna ng gulong iyon.
“Hel-“ Hindi pa ako tuluyang nakapag-hello nang pinaulanan na niya ako ng mura.
“Hoy, Gaga! Bakit ngayon mo lang sagutin tawag ko?”
Pinisil ko ang tungki ng aking ilong nang wala pa ring tigil sa pagsasalita ni Bana sa kabilang linya. Kung bakit daw hindi ko manlang magawang sagutin ang mga tawag o kahit isa sa mga text niya.
“May sasabihin pa naman ako sayo!”
“Ano ba ‘yon, Bana?” tanong ko.
“Tungkol kagabi malamang,”
“Spill it out.” Sabi ko.
“Kagabi pa sana… mukhang hindi ka naman interesado, e. Kaya ‘wag na! mapapanis lang laway ko. Tsk!”
I rolled my eyes at her remarked. Si Bana ito, kung gaano siya katuso, mas tuso ako.
“I got Aidan’s number, gusto mo?” kahit hindi naman talaga. Well, I will deal with Bana later after she drop the bomb.
“Madali akong kausap, Candace. Ito naman! Sandali,”
See?
“Iyong bruhang Angela ang may pakana ng lahat, Candace. Zak’s courting her, ‘yung lalaking nambastos sa iyo. Kesyo ‘pag nagawa daw nito ang utos, sasagutin daw niya si Zak. Ang tanga lang ‘di ba?”
“Kung ginamit kasi ang ulo sa taas at hindi sa baba. Malamang hindi nasira ang mukha!” sabi pa ni Bana.
Speechless. I don’t want to judge. Ganoon ang nagagawa ng pag-ibig… nakakabaliw… nakakatakot… nakakamatay. Gagawin ang lahat tama man o sa maling paraan sa mga mata ng tao. It’s their choice.
Sino ba ako para humusga kung paano sila magmahal? Oo, may parte sa akin ang may karapatang magalit dahil ginawa niya akong instrumento upang ipakita kay Angela ang tinutukoy niyang pagmamahal.
Mali ‘yon sa mga mata ng tao, pero, sa kanya malaking tsek iyon dahil ganoon siya magmahal… nabubulag dahil sa pag-ibig.
“Kaya ayon si Papa Travis- este…Papa mo pala! Ay! Iyong boyfriend mo! galit na galit kay Angela nang sabihin na siya ang may kasalanan talaga. Sorry ng sorry ang gaga dahil gusto niya kayong paghiwalayin para tuluyang maging kanya si Travis! Si Travis mo parang dragon kulang nalang bugaan niya ng apoy si Angela!,”
“Sabi ni Travis, get out of my damn sight, Angela, baka hindi ako makapagpigil na saktan ka. My panty! Gosh! He’s so fucking hot saying those words, Candace. Mabagsik ang ekspresyon habang sinasabi iyon… nakakatakot na nakakakilig. Hihi.”
Napailing na lang ako kung paano siya kiligin sa mga kwento niya.
“Nakakatakot pala magalit si Travis, ‘no, Candace? I wonder if mabagsik din ba siya sa kama?” she giggled.
“Bana!”
Hindi ko lubhang maisip kung paano nagawang ipasok ni Bana ang ganoong topic sa ganitong seryosong usapan, not that I’m too sensitive, hindi pa rin pala talaga ako sanay kay Bana minsan ‘pag ganoon na ang lumalabas sa kanyang bibig.
“Hahaha. Oo na, titigil na. Now, where’s the number, Candace?” excited niyang hingin.
“Hindi ko pala na-save, Bana.” At walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag.
Kahit wala na si Bana sa kabilang linya, parang rinig ko pa rin ang mga mura niya sa akin.
Unti-unti ring humupa ang nangyari noong Sabado. Kinamusta ako ng mga ka-klaseng nakaalam sa nangyari.
So sorry for Zak because he got that kind of love from Angela.
Kahit na katatapos lang ang exam noong nakaraang isang linggo, balik na naman kami sa pagiging busy. Tuwing uwian na lang kami nagkikita ni Travis. Kung hindi ako ang naghihintay sa kanya ‘pag uwian, siya ang nasisilayan ko sa labas ng room namin kapagkuwan.
Gaya ngayong papalubog na ang araw, siniko pa ako ni Bana sabay nguso sa parehas naming tinitignan naman.
Si Travis, nakasandal ang malapad niyang likod sa matigas na pader habang nakasuksok ang dalawang kamay sa suot na black pants.
Tumigil ako sa harapan niya ganoon din si Bana. “Mauuna na ako, Candace.” Paalam niya.
Tinanguan ko siya. “Ingat ka.”
Bumaling naman siya kay Travis. “Ingatan mo ‘tong kaibigan ko ha.” Ani niya kay Travis. At ngumisi sa akin.
Tumango siya sa sinabi ni Bana ngunit nasa akin ang kanyang tingin. Hindi manlang nagawang sulyapan ang papalayong bulto ng kaibigan ko.
Peke akong umubo, at iniwas ang tingin. “T-tara na.” yaya ko.
Tahimik kaming naglalakad sa corridor, pinakiramdaman ko siya, nang tumigil siya’t sinulyapan ako.
“Candace,”
“Hmm?”
“Can I hold your hands?” he whispered under his breath.
Nagulat ako doon.
Hawak kamay? That’s normal for couple, right?
Kaya, sige na nga!
Holding hands lang ‘yan, Candace! Wait for more than that… like kissing.
That thought brought a blush to my cheeks.
Titig na titig siya sa akin, may naglalarong ngisi sa kanyang labi. At mukhang naghihintay sa anumang sasabihin ko.
“Oo naman.” Nasabi ko rin sa wakas.
Nang pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa parang nakuryente ang buong katawan ko sa init na dulot ng kanyang kamay.
Ang mahahaba niyang mga daliri at magaspang nitong kamay ay nakulong nito ang kamay ko.
Makalipas ang tatlong araw ay wala pa rin si Keith. Pinagtataka namin iyon ni Bana dahil hindi niya ugaling mag-absent kahit isang araw lang.
Nag-aalala na kami ni Bana. Mabuti sana kung sinasagot niya ang mga tawag namin o di kaya’y magsabi siya sa amin kung bakit wala siya, para naman alam namin kung okay lang ba siya.
“Puntahan kaya natin sa bahay nila?” mungkahi ni Bana....


Kasalukuyan kaming kumakain dito sa canteen.
“Sige, Ba. ‘Gang alas dos lang naman tayo ngayon.”
Maski sa mga Prof. namin walang nakakaalam kung bakit tatlong araw ng hindi pumapasok si Keith. Pati mga mensahe ko kanya sa facebook, hindi manlang na-seen. May mga oras na ring lang ng ring ang cellphone niya tuwing tinatawagan ko.
Kaming dalawa lang talaga ni Bana ang kasa-kasama niya kahit pa noong high school kami. Dahil talamak ang mga bully sa school, at mga puntirya nila ay mga nerd… hindi palasalita… hindi kayang lumaban. Isa na doon si Keith.
Madalas kami ni Bana ang nagtatanggol sa kanya noon. Mabuti ngayong kolehiyo na kami, wala na masyadong nang-aaway sa kanya, siguro napagod rin sila. Hindi na siya mailap sa mga tao kumpara noon. She tried her best to suit in the crowd.
“Magandang hapon po, Tita Lucy.” Sabay naming bati nang siya ang nagbukas ng pintuan ng two storey nilang bahay.
“Kayo pala, Candace at Bana. Pasok kayo!” Hindi nakatakas sa aking paningin ang lungkot na nababalot sa kanyang mata ng tumingin siya sa akin.
“Upo kayo.” Sabay lahad sa sofa. “Ate Pasing!” tawag niya sa isa nilang katulong sa bahay.
My eyes roamed around.
Napatingin ako sa mga paintings na nakasabit sa dingding, nakuha ng atensyon ko ang isa doon.
Kung mga pabango ang collection ni Mama, kay Papa naman ay mga paintings. May isang tagong kwarto roon sa office niya mismo sa bahay, at doon nakatago ang mga paintings. He bought some of it in auction.
Kapareho noon ang isa sa mga mayroong paintings ni Papa. Totally the same. I don’t know which one of them is fake? Or both cost a digits? Pero impossible, hindi sa minamaliit ko ang kabuhayan nila Tita Lucy, napaka-impossible lang talaga kung iisipin ng maigi.
Sa kwento ni Keith, mula pa noong bata siya, wala siyang kinikilalang ama. Noong nalamang pinagbubuntis siya nito ng kanyang ina, nawala ito na parang bula at hindi na bumalik pa.
Si Tita Lucy ay kasalukuyang nagtratrabaho sa munisipyo sa Sentro. Bilang secretarya ng Mayor. Nakapagtataka nga iyon dahil wala pang isang taon ni Tita Lucy roon ay nakapundar na siya ng ganitong kalaking bahay, not to mention to their two maids.
Siguro baka sadyang mabait at masipag lang talaga si Tita Lucy kaya pinagpala siya ng ganitong buhay ngayon. Well, it’s not my story to tell.
“Si Keith po, Tita?” tanong ko.
“Hindi po kasi siya pumapasok nitong mga nakaraang araw.” wika ni Bana.
“Is she okay?”
Umiyak si Tita Lucy sa aming harapan. Nataranta ako, hindi alam ang gagawin, ganoon din si Bana.
I hope that tears isn’t for Keith. Sana ayos lang ang kalagayan niya.
“Tita, bakit po?” maingat kong tanong.
“Mas mabuting si Keith ang magsasabi sa inyo ng totoo, mga anak, saka isa pa pinagbawalan niya akong sabihin sa inyo kahit gustong-gusto ko na talagang ipaalam sa inyo ang totoo dahil kahit papaano kaibigan niya kayo… Just lend her time, mga anak.”
“Where is Keith, Tita? What truth?” Si Bana.
“Wala si Keith dito. Baka papasok na siya bukas, siguro doon niyo nalang siya kausapin,”
Madilim na ang paligid nang napagdesisyunan naming umuwi na ni Bana. Nakakapanibago dahil ngayon lang hindi mabunganga si Bana, naiintindihan ko naman dahil kahit ako mabigat ang loob kong lumabas sa bahay na ‘yon.
Nagtatampo ako kay Keith. What are friends for? Bakit hindi niya magawang sabihin sa amin ni Bana ang totoong nararamdaman niya?
Keith is vulnerable… inside and out. Tinuring ko na siyang parang totoong kapatid… sila ni Bana.
Palapit palang ang sinasakyang tricycle nang mahagip ko ng tingin si Travis. Sa tindig pa lamang alam kong siya ‘yon.
Sa tulong ng ilaw sa labas ng gate namin mas malinaw sa akin ang itsura niya. Napangiti ako ng suot pa nito ang uniporme.
Lumapit siya nang tuluyan na akong nakababa sa tricycle.
“I texted you,” walang kahit na anong nakarehistro sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy alam kung galit siya o ano dahil hindi ko sinagot ang mga text niya.
“Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang, Candace?” umigting ang panga niya sa bawat salitang binitawan.
Dahil doon alam kong may namumuong tensyon sa pagitan namin dalawa. Na mas ikinalawak pa ng ngiti ko sa labi, saglit itinago ang lungkot para kay Keith, kung ano man ang tinatago niya sa amin ni Bana… malalaman rin namin ‘yon… at kahit anong mangyari nasa tabi lang ako para tulungan siya.
“I didn’t check my phone. Kila Keith kami buong maghapon, Travis.” Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan na naman ang pag-ngiti. Baka nga tuluyan ng mapigtas ang galit niya sa akin dahil nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya nang makitang malawak ang ngiti ko sa ganitong sitwasyon.
“Galit ka?” tanong ko kapagkuwan.
“Yes.” Diretsong sagot niya.
“Sorry na. Sorry if I didn’t texted you.” Mahinang wika ko.
“Galit ako…. Galit ako sa sarili ko, what if something bad happen to you, again, ng wala ako. Ayokong maulit muli na may manakit sa’yo.”
“Don’t worry. Okay lang ako. See?” umikot pa ako sa harapan niya para ipakitang ayos lang ako.
His dark-eyes roamed around my body. “Sa susunod, pwede mo naman akong isama… I’ll wait for you outside until you done with your friends, Candace.”
I smiled at him, lumipat ako ng puwesto sa tabi niya sa bandang kaliwa, at ikinawit ang braso ko sa kanya. Binalingan ko siya ng tingin.
“Oo na. Just smile, Trav. From this day on I’ll text you my whereabouts.” Malambing kong sabi. Kahit kabang-kaba na ako.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, tila pinag-aaralang mabuti ang aking mukha.
I pouted my lips. Wala manlang siyang naging reaksyon doon sa sinabi ko. Nakikinig ba siya? I tried to be sweet… I even used my sweetest voice. Bakal nga talaga ‘tong boyfriend ko, walang pakiramdam.
“Look!” Turo ko sa maaliwalas na kalsada sa aming harapan kung saan nagre-repleksyon ang anino naming dalawa.
Ang sinag ng liwanag na nanggagaling sa buwan ay nakakatawag pansin sa madilim na paligid.
Imbes na pansinin ang itinuro ko ay walang pag-aalinlangan niyang inalis nito ang pagkakasabit ng braso niya sa braso ko, at pinihit ako paharap sa kanya.
He crouched just to reach my lips for a sweet kiss.
Pinatakan niya ng isang halik ang aking labi, may sumunod pang dalawang patak, at tumingin sa mga mata ko.
Then, he slowly encircle his arms around my tiny waist while the other one gently touching my elbow… sa paraan ng pagkakahawak niya’y sobrang ingat na para akong isang babasaging kristal.
Atsaka niya ulit ako hinalikan, hindi kagaya noong una na patak-patak lang!
My eyes is fully wide open. Tila isa akong rebulto habang hinahalikan niya.
Anong gagawin ko?! Should I response? Pero paano? What if hindi niya magustuhan? Bahala na!
I kissed him back, hinalikan ko siya ‘gaya kung paano niya paraanin ang labi niya sa labi ko. Kahit hindi man kasing husay niya.
“Damn.” Malutong niyang mura. Akala ko hindi niya nagustuhan ang pagsagot ko sa kanyang halik dahil bigla nalang niya itong pinutol. Subalit hinawakan nito ang baba ko at hinalikan muli… marahan ngunit may taglay na pagsakop sa buong kaluluwa ko.
We kissed beneath the moon.
“You are so beautiful, Candace.” He said very softly. Then, kissed me again which I gladly accepted.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Thanks for another greet post. Keep rocking.

Leave a Reply


top